CHAPTER 33 : TANAN

0 0 0
                                    

DOREEN’S  POV

   Nagising ako na nasa kwarto ko na ako. Nagulat ako no’ng makitang iba na ang suot ko. Masakit rin ang batok ko dahil sa pagkaka hampas doon kanina.

   “Sino kaya ang nag palit sa akin? So Cyan?” wala sa sarili kong tanong saka tumayo.
  
   Naglakad ako papunta sa balcony na kung saan sa tingin ko ay alas quatro. Naalala ko naman ang kanina.

   Kamusta kaya ’yong tatlo? Kung hindi lang ako nawalan ng malay baka bali na ang mga buto nila.

   Pagkatingin ko sa hindi kalayuan ay nakita ko si Cyan. Nilagay ang mga gamit niya sa isang jeep type na kotse. Alam ko ito ’yong Jeep Gladiator Rubicon 4x4. Bago pa ito at mukang ngayon niya lang gagamitin.

   Napa dali-dali naman akong bumaba para puntahan s’ya.

   “Pasaan ka? Wag mo’ng sabihin na maglalayas ka.” saad ko.

   Tiningnan lang niya ako. Nilagpasan ako nito saka pumasok sa loob ng hotel.

   “Cyan!” tawag ko rito saka lumapit.

   Hindi ko na s’ya sinundan saka dali-daling pumunta sa kwarto ko para kumuha ng ilang damit. Sasama ako sa kanya.

   “C’yan!”

   Pumasok siya sa loob ng sasakyan kaya sumakay rin ako. Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa ginawa ko.

   “Bakit ba ayaw mo’ng mamansin? Ano ba’ng problema?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. “Susunod ako ah!”

   Hindi siya kumibo at deretso ang tingin. Bigla ko naman naalala ang kagabi.

   “Does my father has something to do about this?” tanong ko. “Pinapalayo ka niya sa akin noh?”

   Hindi pa rin siya kumibo o tinapunan man lang ako ng tingin.

  “Ayaw mo talagang magsalita? Ibigsabihin totoo. Silent means yes eh.” saad ko at umayos ng upo.

   Hindi s’ya sumagot. “Ah gano’n! Sige.” ani ko saka malapad na ngumiti sa kanya. “Mahal mo na ako noh?”

   “Pag sumama ka mas lalo tayong malilintikan ng daddy mo.” saad nito.

   “Pfft.”

   Napansin ko ang maliit na sugat nito sa gilid ng labi. Kulay ube pa ito ng kaunti.

   “Si dad ba ang gumawa n’yan?” tanong ko pa.

   “Sorry.” pag hingi ko ng tawad. “I’m sorry. It’s my fault. Aalis na lang ako.”

   Baba na sana ako ng pigilan niya ako. Mabigat siyang bumuntong hininga.

   “Put on your seatbelt.” utos niya. Hindi naman ako nag-alinlangan na sumunod.

   “E consider ko ’to as tanan ha. Oo desisyon ako kasi ang slow mo gumalaw!” saad ko.

   “Tsk, grabe ang desisyonism disorder mo..parang kanina.” aniya saka inistart ang sasakyan.

   Umalis kami sa hotel at hindi ko alam kung pasaan kami. Inilapag ko na rin ang gamit ko sa likod ng sasakyan na kasama ang mga gamit niya.

   “Panigurado papatayin ka ni daddy pag nalaman niyang itinanan mo ako.” basag ko sa katahimikan. Saglit naman siyang napatingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.

   “Baka ikaw pa mismo ang nag tanan sa akin.” saad nito na ikina bungisngis ko.

   “Ayan oh! Welcome back sa Earth, Cyan Pavenn my bapsy bea, baby mochi, sugar plum!” masigla kong bati. I even saw him smiled.

Farland's Sunken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now