Chapter 1

708 13 1
                                    


Jhoanna POV

"Jho!", rinig kong sigaw ni ate Aiah kabay nito ang pagbukas ng pinto. "Pupunta pala 'yong idol mo bukas para sa fiesta."

"Ayan ka nanaman, last time sinabi mo may dating issue na ang isa sa kanila pero wala naman." Sabi ko at tumayo na agad naman akong inalalayan ni ate Aiah. "Kaya ko naman maglakad."

"As if, muntikan ka na ngang mahulog sa hagdan sa mall eh." Usal ni ate Aiah kaya hinayaan ko nalang siya.

"Sasama ba kayo?" rinig kong tanong ni ate Maloi at naramdaman ko naman na may upuan na sa gilid ko kaya umupo na ako.

"Saan ang rampa?" Tanong ni ate Stacey.

"Bibili ako ng mangga para kay Jhoanna." Sagot ni ate Maloi kaya dinampot ko kung anong madadampot ko at ibinato papunta sa kaniya.

"Ang galing natamaan." Saad ni ate Stacey habang pumapalakpak.

"Sa lahat ng pwedeng ibato bakit itlog?" Tanong ni ate Maloi.

Malay ko bang itlog ang nadampot ko eh hindi nga ako nakakakita eh. Naisipan ko naman na maliligo na ako para makasama kay ate Maloi. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako.

"Tara na?" Tanong ni ate Stacey at tumango naman ako.

Nang makaalis kami ay naririnig ko na ang pagkanta nilang tatlo lalo na si ate Maloi na grabe ang pagkanta, feel na feel.

"Nandito na tayo." Usal ni ate Aiah at lumabas naman na kami. "Oh Jho 'wag kang lalayo at baka mawala ka."

"Mukha ba akong may balak na lumayo?" Tanong ko.

Habang naglalakad kami ay nakaramdam nalang ako bigla ng pagtulak sa akin kasabay nito ang mga sigawan sa paligid.






Colet POV

"Seryoso ba kayo na tatakasan natin ang mga bantay natin?" Tanong ni Mikha habang naglalakad kami.

"Kasalanan 'yan ni Sheena kapag dinumog tayo ng mga tao." Usal naman ni Gwen.

"Ano ba? We're in disguised." Saad naman ni Sheena.

Disguised? Eh naka cap and mask lang naman kami, nothing else. If I know anytime ay may makakakilala sa amin.

"Omyghad sila Colet!"

And when I said anytime, it's now.

"We're in disguised pala ah." Sabi ko at nagsilapitan na ang mga tao sa amin.

Great

"Guys don't push each other ghad." Problemado na tuloy siya ngayon.

Maya maya pa ay dumating na ang mga tinakasan naming mga bantay. Nang makapwesto na sila ay napansin ko ang isang cane which is parang para sa mga hindi nakakakita.

Nagsimula nanamang magtulakan ang mga tao and the next thing that I know ay may nasalo na akong babae.

"Nice catch." Sabi ni Gwen

Tinulungan ko namang tumayo ang babae at sinamaan ang mga tao na naging dahilan sa pagkatumba niya.

"Let's leave." Usal ko habang nakahawak sa babaeng nasalo ko.

"Hoi bakla ka ate, balak mo bang kidnappin si ate girl?" Tanong ni Sheena.

"Ate Aiah?" Tanong nitong babaeng nasalo ko habang hinahawakan ang mukha ko.

"Miss I'm not your ate Aiah." Usal ko.

"Punta nalang tayo sa may mauupuan , hindi rito sa gitna." Sabi ni Mikha kaya umalis na kami kasama ang babaeng nasalo ko.

"Secure the place." Sabi ko sa mga bantay namin at tumango naman sila.

"May phone ka ba para matawagan natin ang mga kasama mo?" Tanong sa kaniya ni Gwen.

"Ah wala akong phone." Sagot nito.

I think she owned the cane that I saw earlier pero sira na kaya hindi ko na kinuha.

"Uhm nakakahiya man pero may nakita ba kayong stick kanina? Nabitawan ko kase dahil sa tulakan na nangyari." Dagdag niya.

"Stick? Anong stick?" Tanong ni Mikha.

"Baka 'yong sa pang barbecue." Sagot ni Sheena.

Hindi ko nalang sila pinansin at lumapit na lamang ako sa babaeng kasama namin.

"The white cane? I saw it earlier pero sira na." Sabi ko sa kaniya.

"Ha? Kailangan ko 'yon eh" Sabi niya at bago pa man ako makasalita ay may narinig kaming sumigaw.

"Jho! Omyghad ka bakit ka naman nakitulakan?" Tanong sa kaniya ng babae.

"Ate Maloi?" Tanong niya.

"The one and only, nasaan na 'yong stick mo?" Tanong sa kaniya which is si Maloi.

"Her white cane is sira." Usal ko dahilan para mapatingin sila sa akin.

"Omyghad Colet?" Tanong ng isa pa niyang kasama at tumango naman ako.

"I'll just replace it , just message me in my Instagram." Usal ko.

"Need na nating umalis." Sabi naman ni Sheena.

"Hey I'm sorry again for what happened." Sabi ko sa babaeng nasalo ko bago kami umalis.

"Bait mo naman , halatang sinapian ka." Usal ni Sheena kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mukhang hindi na siya sinasapian bunso kaya tumakbo kana." Sabi sa kaniya ni Mikha na agad naman niyang ginawa.

"Umuwi na tayo para makapagpahinga." Sabi ko sa kanila at sinundan na namin si Sheena.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon