Chapter 6

193 7 0
                                    


Nang makarating sila ay nagpresinta si Colet na kasama niya na lang si Jhoanna sa kwarto niya at ang iba naman ay napagdesisyunan na dalawang tao sa isang kwarto.

Hindi nagtagal ay nagsitulugan na sila buhat ng pagod maliban sa isang tao.

"Hmm you know I'm very glad na may fan ako na katulad mo. At first akala ko dala lang ito ng tuwa and awa but since that day na umalis kami, I can't stop thinking about you and this is my first time feeling this." Inayos ni Colet ang buhok ni Jhoanna at ngumiti. "I'll do everything para makakita ka, you deserve to see the world. Actually hindi problema ang pera sa kalagayan mo, the donor ang mahirap but I'll use my connections para lang maoperahan kana."

Napagdesisyunan ni Colet na sa sala na lamang siya matutulog para maging komportable si Jhoanna.

"I heard that." Napatingin naman si Colet sa nagsalita at nakita nito si Mikha.

"Bakit nandito ka? Sa kabila ka ah."

Mikha turned on the tv and sat beside Colet.

"Tulog na 'yong kasama ko which is Aiah and I can't even sleep that's why pumunta ako rito." Sagot ni Mikha.

"And paano mo narinig ang mga sinabi ko?"

"I'm about to knock pero hindi nakalock 'yong door that's why binuksan ko and narinig kita. I'm curious din kase when you said that you have your eyes on someone." Paliwanag ni Mikha. "But Col, you know your fans especially those fans of Chie and yours na nagshiship sa inyo."

"We only have a year with our contract Mikha and alam mo na plano na natin na hindi magrenew since kaya naman natin suportahan ang mga sarili natin. Besides, hindi naman ako aamin. I just want to see her na makakita."

"Sa part na hindi aamin, I doubt that. Sooner or later you will confess to her."

"Saan ka matutulog?" Pag-iiba ni Colet sa usapan.

"I'll sleep here na lang." Sagot ni Mikha.

Hindi nagtagal ay nakatulog na rin silang dalawa.

The next day, naunang nagising si Jhoanna pero hindi ito umalis sa kwarto dahil hindi siya pamilyar sa lugar. Few minutes later, nagising na rin si Colet at napagdesisyunan na puntahan sa kwarto si Jhoanna para na rin makakuha siya ng pampalit.

"Gising ka na pala."  Napalingon si Jhoanna kung saan nagmula ang boses bago siya ngumiti. "I'll just take a bath then puntahan na natin 'yong mga kasama natin." Tumango naman si Jhoanna kaya pumasok na sa banyo si Colet.

Nang matapos si Colet ay tinulungan niya si Jhoanna at ginising na rin nila si Mikha.

"Hatid na namin kayo?" Tanong sa kanila ni Sheena.

"Baka makaabala na kami." Usal naman ni Maloi na ikinailing ni Colet.

"Hindi naman, may pupuntahan din kase kami this morning but let's eat breakfast muna."

Pumunta na sila sa nakasanayan nilang restaurant at inorder 'yong mga usual foods nila.

"Since matagal tagal tayong hindi nagkita, bakit hindi tayo mag outing?" Tanong ni Sheena.

"Hindi ba kayo busy?" Tanong ni Jhoanna.

"Last destination na ng concert namin here and after that free na kami." Sagot ni Mikha.

"Basta libre niyo." Sabi naman ni Maloi.

"Don't think about the expenses, hindi na problema 'yon." Usal naman ni Colet.

"Palibhasa mayaman na kayo." Sabi sa kaniya ni Maloi.

"Pwede rin naman kayo yumaman, just find a job na mataas ang salary." Usal ni Gwen.

"In short, mag apply kayo sa company ni Col. Madaming siyang business na pwede niyong pagtrabahuhan." Sabi ni Sheena at tumingin kay Colet.

"Pwede kayo roon sa farm, wala na kaseng nag aasikaso roon."

"Malayo?" Tanong sa kaniya ni Jhoanna.

"Batangas. But pwede rin naman sa Palawan, if you girls want to manage my resort there. Oh wait, on going palang ang paggawa roon so sa farm lang muna talaga."

"Okay lang, mas mapapadali ang pag iipon namin para kay Jho." Napatingin naman si Mikha kay Colet dahil sa sinabi ni Stacey.

"Just message me Maloi kung kailan niyo balak pumunta roon. You will be living there and about sa house niyo, I can tell one of my maids or mga bantay namin na tignan ito." Napatango naman sila sa sinabi ni Colet at nagpasalamat.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon