Chapter 18

284 8 0
                                    


Jhoanna POV

Almost two months na pero wala pa rin ni isang mensahe galing kay Colet ang natanggap ko. Balak ko na sana siyang sagutin noong pasko pero wala siya, umasa ako na pupunta siya sa bagong taon pero wala rin.

Nagtanong pa ako kay Mikha kung nasaan na ba talaga si Colet at ang sabi niya nasa States pa rin. Tinawagan siya ni ate Aiah noong pasko at pinatanong ko na rin kung kasama ba nila si Colet. Kasama nila pero natutulog pa. Lagi na lang siyang natutulog kapag tatanungin ko kung nasaan siya.

Sana naman ngayon sa paparating kong kaarawan, bumisita siya.

"Pinapanood mo nanaman." Sabi ni ate Maloi at tumabi sa akin.

"Kailan kaya niya balak bumalik?" Tanong ko sa kaniya.

Pati ang lola niya ay pinasundo na ng papa niya kaya kami nalang ang natitira dito.

"Pwede bang sabihin mo kay Colet na ichat si Jhoanna? Halos dalawang buwan na siyang hindi nagpaparamdam." Nagkatinginan naman kami ni ate Maloi bago pinuntahan si ate Aiah.

"I will tell her and tatawag ako kapag kasama ko na siya."

"Sinong kausap mo?" Tanong ni ate Maloi sa kaniya.

"Si Mikhs." Sagot ni ate Aiah at pumasok sa loob.

"Halatang may galit na siya kay Colet." Sabi ni ate Maloi.

Sinundan ko naman si ate Aiah para kausapin. "May galit ka na ba kay Colet?" Tumingin naman siya sa akin at umiling.

"Paano ako magagalit sa kaniya kung siya ang dahilan kung bakit ka nakakakita ngayon? Nagtataka lang ako kung bakit bigla siyang hindi nagparamdam the day na nakakita ka na." Sagot ni ate Aiah.

Akala ko nga siya ang una kong makikita pero ni anino niya hindi ko nakita.





Mikha POV

Paano ko ba sasabihin sa kanila ang tungkol kay Colet?

"Tulog nanaman?" Tanong ni Gwen nang makapasok ako.

"Gisingin mo na 'yan Shee." Sabi ko at tinawagan na si Aiah.

"Sana nga magising." Sabi ni Sheena habang nakatingin kay Colet.

Almost two months and hindi pa rin siya nagigising. That time na bumalik ako ng hospital doon ko nalaman ang nangyari. We thought na hindi matagal ang pagkacomatose ni Colet pero hanggang ngayon tulog pa rin siya.

Minsan umuuwi rin kami ni Gwen sa Pilipinas para asikasuhin ang mga business ni Colet pero ang mga magulang niya ang madalas na nag aasikaso. Si Sheena naman ay ayaw iwanan si Colet, hihintayin niya raw na magising siya. May mga fans pa rin kami kahit nag end na ang contract and tinatanong si Colet pero ang tanging sagot lang namin ay abala siya.

"Alam ba nila na ganitong tulog ang tinutukoy mo?" Tanong ni Gwen at umiling ako.

"Buksan mo camera mo Mikhs para makita ko
siya." Sabi ni Jhoanna at napatingin naman ang dalawa sa akin.

"Ah? kasi ano madilim dito sa pwesto namin. Wala kaming kuryente now since may inaayos sila sa mga wire dito sa bahay nila." Sabi ko at inilagay ang cellphone sa may bandang tainga ni Colet. "Magsalita ka na, may ginagawa kasi siya pero makikinig naman siya."

"Seryoso? Eh anong ginagawa ni Colet eh wala kayong kuryente?" Tanong ni Jhoanna.

"Tulong." Bulong ko sa dalawa.

"Nagtatagu-taguan kasi kami Jho at pambitag ka namin para lumabas na siya sa lungga niya. Mas exciting kasi maglaro, mag thrill." Sabi ni Sheena.

"Matatalo pa niyan si Colet dahil sa akin." Sabi ni Jhoanna.

"Mananalo naman kami." Sabi ko.

"Mga kalokohan niyo talaga." Mahinang sabi ni Gwen.

"Go na Jho." Sabi ni Sheena.

Halos naghintay kami ng ilang minuto bago siya magsalita.

"Colet pagpasensyahan mo na kung matatalo ka dahil sa akin. Gusto ko lang sana kumustahin ka, hindi ka na kasi nagparamdam simula noong pumunta kami dyan. Akala ko pa naman ikaw ang unang taong makikita ko. If hindi ka na busy, it won't hurt you naman kung ichachat mo ako." Sabi ni Jhoanna.

"Jho maya nalang ulit, dead batt. na ako." Sabi ko.

"Pwede bang tumawag ulit mamaya?" Tanong ni Jhoanna kaya tumingin ulit ako sa dalawa. "Okay lang kung tulog siya, this time gusto ko naman ako ang kakanta para sa kaniya."

"Sure ka?" Tanong ko.

"Yes."

"Sige, tatawag ako mamaya."

Nang matapos na kami mag-usap ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Sino ang kausap mo Mikha?" Tanong ni tita na kapapasok lang.

"Si Jho po." Sagot ko.

"Hmmm hindi naman siguro masama kung ipapaalam na natin sa kaniya. Lalo na't hindi natin alam kung matatagalan pa siyang gumising." Sabi ni tita.

"Dati halos hindi na matulog pero ngayon, parang wala na atang balak gumising." Sabi ni Sheena.

"Dalhin mo nalang si Jho rito, don't tell her anything. Just bring her here." Sabi ni tita.

"Nakanino pala ang cellphone ni Colet?" Tanong ni Gwen.

"Here." Sabi ko at inabot sa kaniya.

"Use this to call Jho later para naman hindi siya maghinala. You can use AI to copy Colet's voice." Sabi ni Gwen.

"Pero malalaman din naman niya ang totoo bebe." Sabi ni Sheena.

"Pero ngayon, kailangan natin panindigan ang sinabi ni Mikha sa kanila na natutulog lang si Colet." Sabi ni Gwen.

"Oh birthday na pala ni Jho next week, January 26." Sabi ni Sheena.

"Dalhin ko nalang sila rito sa birthday niya." Sabi ko.

"Grabeng birthday gift, makita si ate Colet na nacomatose." Sabi ni Sheena.

Well wala naman kaming magagawa kung ayaw pa magising ni ate Colet. At least makikita na siya ni Jho.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon