Chapter 10

174 7 0
                                    


"Bakit?" Tanong ni Jhoanna kaya tumingin sa kaniya si Colet. "Bakit ako?"

"Bakit hindi?"

Lumingon si Colet sa mga kaibigan nila na abala magkwentuhan kaya tumingin siya kay Jhoanna bago ito hinila palayo.

"Colet"

"Wala namang masama na gustuhin ka diba?" Tanong sa kaniya ni Colet.

"Wala pero bakit ako?"

"Bakit nga ba? To be honest, I thought that natuwa lang ako because even if your blind , nagawa mo pa rin kaming hangaan. I thought na I just admire how strong you are but when we left sa lugar niyo. Nagsimula nang lumala, there's one time that I even searched the signs that you're in love with someone. This is embarrassing. Then nalaman ko na ang kalagayan mo that makes me want to help you see what other people see. I'm willing to do everything para makakita ka Jho."

"Hindi mo naman na obligasyon 'yan. Sapat na ang pagbigay mo sa amin ng trabaho. Makakapag ipon naman kami." Sabi sa kaniya ni Jhoanna at ngumiti.

Sandaling nanahimik ang dalawa hanggang sa muling nagsalita si Colet.

"Iba ang saya sa aking mga mata
Sa mga oras na nakikita kitang masaya
Hayaan mong tulungan kita
Sapagkat nais kong makita ang kinang sa iyong mga mata"

"Hindi kita pipilitin na gustuhin mo ako pero hayaan mong tulungan kita." Dagdag ni Colet.

"Hindi naman ako humihingi ng tulong." Sabi sa kaniya ni Jhoanna.

"May sinabi ba ako? Wala naman diba? Gusto ko lang na makakita ka."

Habang nagbabangayan ang dalawa, napansin ni Sheena na nakatingin kung saan si Maloi kaya tinignan niya kung saan siya nakatingin at nakita niya si Colet at Jhoanna.

"Ikaw ha halata ka masyado." Bulong sa kaniya ni Sheena. "Gusto mo si ate Colet noh?"

"Ano bang sinasabi mo dyan?"

"Halata ka kaya kahit hindi mo aminin. May pag-asa ka naman basta wala si Jhoanna."

Tumingin muli si Maloi kina Colet bago nakinig sa mga kaibigan nila.

"Bagay sila Jho at Colet." Sabi ni Stacey.

"Girls matulog na kayo, maaga pa ang alis natin bukas." Sabi ni Colet dahilan para mapatingin sila sa kaniya.

"Teka kararating lang natin kanina ah." Sabi ni Aiah.

"Actually wala naman akong balak mag stay, I just want to check the resort bago tayo pumunta sa Batangas." Sabi ni Colet.

"Matutulog na pala ako total maaga pa tayo bukas." Sabi ni Maloi at tumayo.

"Samahan na kita, may kailangan pa kase akong gawin." Sabi ni Colet at tumingin kay Jhoanna. "Iiwan muna kita sa mga kaibigan mo."

"Tara na?" Tanong ni Maloi at tumango si Colet.

Nagsimula nang maglakad silang dalawang habang si Sheena naman ay tinitignan sila.

"Mas mahuhulog ka lang sa kaniya." Bulong ni Sheena at umiling.

"May sinasabi ka Shee?" Tanong ni Gwen sa kaniya at umiling naman si Sheena at ngumiti.

"Matulog na rin tayo." Aya ni Sheena sa kanila.

Kinabukasan ay dumiretso na sila sa Batangas.

"Pagmamay-ari mo lahat ito?" Tanong ni Aiah sa kaniya at tumango si Colet.

"Sinong nag aasikaso nito?" Tanong ni Maloi.

"Lola ko sa father side."  Sagot ni Colet.

"Teka sa pagkakaalam ko mayaman ang lola at lolo mo sa father side." Sabi ni Stacey.

"Oo pero gusto ni lola ng simpleng buhay kaya narito siya." Sabi ni Colet at pumasok sila sa bahay. "La"

"Apo hindi mo naman sinabing ngayon ang dating niyo." Sabi sa kaniya at nagmano si Colet gayundin si Mikha, Gwen at Sheena.

"La sila nga pala ang makakasama mo rito." Sabi ni Colet sa kaniya.

"Ang gaganda namang mga dalaga ang makakasama ko." Tumawa naman si Sheena sa sinabi ng lola ni Colet. "Siya nga pala Colet, tumawag ang lolo mo at may gustong ipakilala sa'yong binata."

"Not interested la, pasabi kay lolo na wala akong balak kilalanin ang mga lalaki na pinapakilala niya." Sabi ni Colet at umupo.

Tumingin naman si Sheena kina Maloi at Jhoanna.

"La naman nandito ang mamanugangin mo." Sabi sa kaniya ni Sheena at inakbayan si Jhoanna.

"Sabi ko na nga ba, kaya ayaw mo sa mga binatang pinakilala sa'yo." Tumawa naman Sheena.

"Oh siya, magpahinga muna kayo."

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon