Chapter 20

183 7 2
                                    


Sheena POV

Ilang araw na no'ng umalis si Mikhs at bukas na rin ang birthday ni Jho. Actually may possibility na magising na si ate Colet anytime, gumalaw ang daliri niya kahapon.

"Ate Colet gising na, sabi ni Mikhs nandito na sila and magstay muna sila sa bahay niyo then pupunta na sila rito." Sabi ko sa kaniya.

"Nabugbog masyado ang katawan niya bebe kaya hayaan mo na si Colet." Sabi ni Gwen kaya tumingin ako sa kaniya.

"Pero two months na." Sabi ko.

"Tama na ba?" Napalingon naman ako kay ate Colet nang marinig ko ang boses niya.

"Tawagin ko lang ang doctor." Sabi ni Gwen at mabilis na umalis.

"Ate Colet." Mabilis ko siyang niyakap pero agad din akong lumayo. "May kailangan ka ba?"

"Tubig." Agad ko namang nilagyan ang baso ng tubig at ibinigay kay ate Colet.

"Buti naman nagising kana, birthday na ni Jho bukas." Sabi ko sa kaniya.

Nang makabalik na si bebe kasama ang doctor ay chineck up niya muna si ate Colet. Pagkatapos ay tinawagan na namin sila tita except kay Mikhs.

"Nasaan nga pala si Mikhs?" Tanong ni ate Colet.

"Nasa bahay sila, pupunta sila ngayon sa supermarket para makabili ng panghanda bukas." Sagot ni tita.

"Anong meron?" Tanong ulit ni ate Colet.

"Birthday na bukas ni Jho." Sagot ni bebe.

"January 25 na ngayon ate Colet." Sabi ko sa kaniya.

"Alam ba niya?" Tanong ni ate Colet.

"You told us not to tell her." Sabi ni tita sa kaniya.

"Since when?"

"Tumawag ka that time na nabangga ka, akala mo si Mikha ang natawagan mo but ako ang natawagan mo. Sabi mo na 'wag sabihin kay Jhoanna dahil ayaw mo siyang mag-alala." Sagot ni tita.

Nanatili namang tahimik si ate Colet at bakas sa mukha niya na may gusto siyang sabihin.

"Pwede na bang umuwi?" Tanong ni ate Colet.

"Tatawagin ko lang ang papa mo." Sabi ni tita at umalis.

Tumingin naman kami ni bebe kay ate Colet. Tumabi ako sa kaniya habang si bebe ay nakatayo.

"May problema ba?" Tanong ni bebe sa kaniya.

"Look ate Colet, sabihin mo kung ano man 'yang iniisip mo." Sabi ko sa kaniya. "Tungkol ba kay Jho?"

"Kumusta na siya?" Tanong ni ate Colet at umupo naman si bebe sa may bandang paa niya.

"Ayon nakakakita na siya, hinahanap ka niya nga sa amin." Sagot ni bebe.

"Makikita mo siya bukas ate Colet."

"Hindi ba siya nagalit?"

"Kaya ba mukhang problemado ka dahil iniisip mong galit siya sa'yo?" Tanong sa kaniya ni bebe at tumango naman si ate Colet. "Hindi ata kayang magalit sa'yo ni Jho."

"Wala ka bang balak para sa birthday niya?" Tanong ko kay ate Colet.

"Hindi naman ako makakalabas para bumili ng regalo Shee." Sabi ni ate Colet.

"Sabihin mo nalang sa amin at kami na ang bahala bumili." Sabi ko at tumango naman si bebe.

"Lahat ng lego flowers bilhin mo at pang wrap pang bouquet." Sabi ni ate Colet at ibinigay ang black card niya.

"Ngayon na?" Tanong ni bebe sa kaniya at tumango naman si ate Colet.

"Balik nalang kami mamaya." Sabi ko at tumayo na.

"Bili ka na rin ng pusa." Sabi ni ate Colet bago kami umalis.

Nang makadating kami sa mall ay pumunta muna kami kung saan makakabili ng lego flowers. Paano kaya niya ito mabubuo lahat?

"Shee nandito pala kayo." Napalingon naman kami ni bebe sa nagsalita at nakita naman si Mikha kasama sila Jhoanna.

"Oh ano 'yang mga dala niyo?" Tanong ni Jhoanna kaya tinago namin agad sa likuran ang mga pinamili namin.

"Ah wala. Nakabili na ba kayo ng panghanda bukas?" Tanong ni bebe sa kanila.

"Alam niyo?" Tanong ni Jhoanna.

"Nakita namin sa cellphone ni ate Colet." Sagot ko at ngumiti.

"Hindi ba siya pupunta sa bahay nila?" Tanong ni Jhoanna at tumingin naman ako kay Mikhs.

"Susurpresahin nga natin siya bukas na nandito ka diba Jho?" Sabi ni Mikhs sa kaniya.

"Oo nga pala."

"Mauna na kami ni bebe, may kailangan pa kaming bilhin." Hindi ko na hinintay pa na magsalita sila nang hilain ko na paalis si bebe. "Bumili na tayo ng pusa para makabalik na tayo."

Nang masigurado namin ni bebe na nabili na namin lahat ng pinabibili ni ate Colet ay bumalik na kami sa hospital.

"Okay ba 'yang napili namin?" Tanong ni bebe kay ate Colet.

"Sana magustuhan niya." Sabi ni ate Colet habang nakatingin sa pusa.

"Nakasulubong namin siya kanina kasama sila Mikhs." Napalingon naman sa akin si ate Colet kaya lumapit ako sa kaniya. "Gusto ka na niyang makita."

"Tulungan niyo ako magbuo rito." Sabi ni ate Colet kaya tumingin ako kay bebe.

"Hindi mo pa nga magalaw 'yang isang braso mo."

"Kaya nga tutulungan niyo ako diba?"

No choice na kami na tulungan si ate Colet. Umalis din kasi sila tita dahil aasikasuhin pa nila ang kaniya kaniya nilang kompanya.

Matapos sana namin ito lahat. Bakit pa kasi kailangan lego flowers pa kung pwede namang bumili ng totoong bulaklak.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon