Chapter 14

181 6 0
                                    


Lumipas ang isang linggo.

"La may nakalimutan ka atang sabihin sa akin." Sabi ni Colet habang inaayos ang gamit niya.

"Last week ba? Your mom called kasi and may nahanap daw silang donor for your woman." Sabi ng lola niya dahilan para mapatingin sakaniya si Colet.

"Okay na pala kayo, hindi mo naman po ako inupdate." Sabi ni Colet.

"Okay naman kami ng mama mo, ang papa mo at siya ang may problema hindi kami." Sabi ng lola niya.

"Hindi naman siguro siya nagsisinungaling about sa donor." Sabi ni Colet at tumingin sa lola niya.

"May kapalit iyon apo." Sabi ng lola niya.

"What is it? Papayag ako basta makakita lang si Jho." Sabi ni Colet.

"Sa States ka na raw titira after ng kontrata mo."

"Wait, lola may mga trabaho ako rito na hindi ko pwedeng iwan."

"Kausapin mo na lang siya."

Wala nang nagawa si Colet dahil umalis na rin ang lola niya.

"Ate Cole tara na." Tawag sa kaniya ni Mikha kaya lumabas na siya.

"Mag iingat kayo." Sabi ng lola niya sa mga kaibigan niya.

Nilapitan naman ni Colet si Jhoanna na nakaupo sa gilid.

"Aalis na kami." Sabi ni Colet sa kaniya.

"Mag-iingat ka at huwag masyado mainit ang ulo." Sabi sa kaniya ni Jhoanna at narinig niya ang pagtawa ni Sheena.

"Hindi naman ah." Sabi ni Colet at binato ng tsinelas si Sheena.

"Jho binato ako ni Colet." Sumbong ni Sheena.

"Gwen kunin mo nga si Sheena." Sabi ni Colet at muling binato si Sheena.

"Maghihintay ako kaya huwag kang lalandi." Sabi ni Jhoanna.

"Ako lalandi? That's impossible. Uuwi pa rin ako sa'yo." Sabi ni Colet at tumayo. "Babalikan kita at sisiguraduhin ko na sa pagbalik namin nakakakita kana."

Hinalikan naman ni Colet sa noon si Jhoanna bago lumapit kay Aiah.

"Kayo na ang bahala rito ha. Pagandahin niyo." Sabi ni Colet bago sumakay.

"Bye bebe." Sabi ni Sheena habang kumakaway pa.

"Magpapaiwan ka?" Tanong ni Gwen.

"Sakit mo sa ulo." Sabi ni Mikha at sumakay na.

"Bakit kayo ganiyan sa akin? Bebe oh." Hinila nalang siya ni Gwen papasok sa sasakyan.

Tumingin naman ang matanda kay Colet bago kay Jhoanna.

"I guess sanay kana sa mga komplikadong sitwasyon apo." Sabi ng lola niya bago pumasok sa loob.

Nang makabalik na sila sa Manila ay dumiretso si Colet sa hospital na pagmamay ari niya.

"Doc" Bati sa kaniya ng guard at nginitian niya ito bago pumasok.

"Any update about the cornea donor?" Tanong ni Colet sa isang nurse.

"We found someone from States doc." Sagot nito.

Pumunta si Colet sa opisina niya at nakita niya si Mikha.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Colet sa kaniya.

"Sinundan kita, mukha kasing may problema ka. I noticed it sa byahe." Sagot ni Mikha at umupo naman si Colet. "What's wrong ate?"

Sinabi ni Colet ang nalaman niya sa lola niya tungkol sa donor para kay Jhoanna.

"Good news and bad news." Sabi ni Mikha.

"Last week pa alam ni lola, that means it's been preserved for more than 7 days but corneas can only be preserved in solution for a maximum of 14 days." Problemadong sabi ni Colet.

"You can bring Jhoanna sa States para mapagamot siya. You can talk to your mother naman about sa condition niya, for sure she will understand." Sabi ni Mikha habang nakatingin kay Colet na abala sa pagseseach sa internet. "By the way, boss informed us na may last project siya for us and after that we're free."

"After that, pupunta ako ng States and kung mapapaopera ko si Jhoanna roon, I want you to bring her there." Sabi ni Colet at tumango si Mikha.

Kinabukasan ay pumunta silang apat sa studio for their last project.

"Nakita ko si Miss Chie kanina. Your almost fiance ate Cole." Sabi ni Sheena.

"Ang random talaga na bigla kang ikakasal then bigla ring hindi matutuloy." Sabi ni Mikha.

"Under si lolo kay lola." Sabi ni Sheena.

"Tawagan ko lang si Jho." Sabi ni Colet at umalis.

"Hindi ko talaga naiintindihan ang nangyayari sa atin ngayon. Pumunta lang tayo sa isang fiesta tapos nakilala natin sila and nainlove naman itong si anger kay Jho." Sabi ni Sheena.

Habang tinatawagan ni Colet si Jhoanna ay lumapit sa kaniya si Chie.

"Nakabalik na pala kayo." Sabi ni Chie sa kaniya.

"Hindi ba obvious?" Tanong sa kaniya ni Colet.

"I'm really disappointed na nacancel ang pag arrange marriage sa atin." Sabi ni Chie.

"I'm also disappointed."

"Really? Well we can tell them na ituloy nalang."

"I'm disappointed na muntikan na akong ikasal sa'yo."

"Harsh but it's okay. Ayaw ko rin naman na papakasalan natin ang isa't isa just because of business."

Hindi na pinansin ni Colet si Chie nang sagutin na ni Jhoanna ang tawag.

"How's your day?" Tanong ni Colet kay Jho at iniwan na si Chie.

"Okay lang. Ipinagluto kami ni ate Aiah at Maloi, may pagkaalat pero okay naman." Sagot ni Jhoanna.

"Naririnig ka namin Jho." Napangiti naman si Colet nang marinig niya si Maloi.

"Maalat naman talaga." Sabi ni Jhoanna.

"Edi sana ikaw nagluto." Sabi ni Maloi.

"Hindi kayo nagpatulong kay lola?" Tanong ni Colet.

"Pinagpahinga muna namin si lola. Since nandito na kami, wala na siyang dapat pagpaguran." Sabi ni Jhoanna.

"Nako 'wag niyong uubusin ang mga gawain diyan. Hindi siya sanay na walang ginagawa." Sabi ni Colet.

"Noted Cole." Sabi ni Stacey.

"I'll call nalang later Jho, may inaasikaso pa kami." Sabi ni Colet at tumango naman si Jhoanna bago pinatay ang tawag.




———
"My Alien Lover" is out.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon