Chapter 19

199 6 1
                                    


Third Person POV

Pass midnight na at nakatingin lang si Mikha kay Colet.

"Birthday na ni Jho next week, baka gusto mo nang gumising para mabati siya." Sabi ni Mikha at umupo sa gilid ni Colet. "Susunduin ko na siya next week, gusto mo bang makita ka niyang ganiyan?"

Unti-unti namang nagising si Gwen. "Matulog ka na Mikhs."

"Paano kung hindi siya nadisgrasya?" Tanong ni Mikha.

Inayos naman ni Gwen ang higa ni Sheena bago niya nilapitan si Mikha. "Paniguradong sila na ni Jho, masaya sila at masaya rin tayo. Sadyang hindi pinalad si Colet."

"Nadisgrasya?" Natigilan naman ang dalawa nang may marinig silang pamilyar na boses.

"Pinatay mo na ba?" Tanong ni Gwen.

"Akala ko pinatay niya na." Sabi ni Mikha at agad kinuha ang cellphone ni Colet. "Maloi."

"Sinong nadisgrasya Mikhs?" Napapikit naman si Mikha nang madinig niya ang boses ni Aiah.

"Si Jho? Labas muna kayo ng kwarto niya bago namin sagutin 'yang mga tanong niyo, make sure na hindi niya maririnig." Sabi ni Mikha.

Tumingin naman si Aiah kay Jhoanna na mahimbing na ang tulog bago sila lumabas sa kwarto niya.

"Bakit lagi kayong nasa kwarto niya?" Tanong ni Gwen.

"Oo nga, lalo na kapag kavideo call niya itong si Colet." Sabi ni Mikha.

"Nakasanayan na kasi namin na icheck si Jho kapag gabi." Sabi ni Maloi.

"Teka, sino ba kasing nadisgrasya?" Tanong ni Aiah sa kanila at tumingin naman si Mikha kay Gwen.

"Bahala ka diyan." Sabi ni Gwen at tumabi na kay Sheena na mahimbing ang tulog.

"Promise me muna na hindi niyo sasabihin kay Jhoanna ang sasabihin ko." Sabi ni Mikha sa kanila at tumango naman ang dalawa. Sinabi naman na ni Mikha ang tungkol kay Colet.

"Bakit hindi niyo sinabi kaagad?" Tanong ni Aiah.

"Iyon daw ang gusto ni Colet. Gusto man naming sabihin kaso pinagbawalan kami nila tita para hindi na kumalat ang nangyari."  Sagot ni Mikha.

"May balak pa ba kayong sabihin kay Jho?" Tanong ni Maloi.

"Susunduin ko kayo next week bago ang birthday niya. Si tita na bahala magsabi." Sagot ni Mikha.

"Pwede bang makita si Colet?" Tanong ni Maloi kaya tinutok ni Mikha ang camera kay Colet.

"Madami ang natamo niyang sugat, ikaw ba naman bumangga sa ilang mga sasakyan. She also broke her right arm." Sabi ni Mikha.

"End na namin itong call Mikhs, anong oras na rin kasi." Sabi ni Aiah at tumango si Mikha.

Kinabukasan ay bumisita naman ang lola at lolo ni Colet sa ama.

"Hindi pa ba gising?" Tanong ng lola ni Colet at lumingon sa kaniya.

"Hindi pa nga po. Akala ko ba ilang linggo lang." Sabi ni Sheena.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ng lolo ni Colet kay Mikha.

"Susunduin ko pa sila Aiah." Sagot ni Mikha.

"Aiah? Sino si Aiah?" Tanong ng lolo ni Colet at tumingin si Mikha sa lola ni Colet.

"Sila ang mga kasama ko sa farm ng apo mo, isa sa kanila ay ang magiging kasintahan niya." Sabi ng lola ni Colet.

"Babae?" Hindi makapaniwalang tanong ng lolo ni Colet habang si Gwen ay hinatak muna si Mikha paupo.

"Magandang away 'to." Bulong ni Sheena sa kanila.

"Pumayag ka?" Tanong ng matanda sa papa ni Colet.

"Kung saan masaya si Colet, doon ako." Sagot ng papa ni Colet.

"Kailangan ko nang umalis, maiiwan ako ng eroplano." Bulong ni Mikha kina Gwen.

"Pumuslit ka nalang, update ka nalang namin." Sabi ni Sheena kaya agad na umalis si Mikha.

"Naccr lang po." Sabi ni Gwen.

"Sa Pilipinas po siya magccr." Pahabol naman ni Sheena.

"Sa susunod nalang natin pag-usapan ang tungkol dyan." Sabi ng lolo ni Colet.

"Pa ayaw kong mamroblema ang anak ko pagkagising niya." Sabi ng papa ni Colet.

"Ayusin mo nga 'yang ugali mo. Namumuro ka na." Sabi ng lola ni Colet sa asawa niya.

Nagkatinginan naman ang mama at papa ni Colet dahil sa dalawang matanda.

"May pinagmanahan talaga 'yang anak mo." Sabi ng mama ni Colet.

"Sheena, Gwen kumain na muna kayo. Kami na muna ang bahala rito." Sabi ng papa ni Colet.

"Sige po." Sabi ni Sheena at umalis na silang dalawa.

Tumingin naman ang papa ni Colet sa dalawang matanda pagkalabas nila Sheena. "Pagkagising ni Colet, gusto ko na tanggapin niyo kung ano man ang desisyon niya sa buhay."

"Ako na ang bahala rito sa papa mo." Sabi ng lola ni Colet.

.
.
.
.
.

Nang makabalik na sa Pilipinas si Mikha ay dumiretso na siya sa Batangas para puntahan si Jhoanna.

"Mikhs." Wika ni Aiah nang makita niya ito.

"Kasama mo si Colet?" Tanong kaagad sa kaniya ni Jhoanna.

Tumingin naman si Aiah at Maloi kay Mikha. "Ah pupuntahan nalang natin siya sa States. Surprise natin siya."

"Kailan?" Tanong ni Jhoanna.

"Ayusin lang muna natin ang dapat ayusin. After that pwede na tayong pumunta." Sagot ni Mikha.

"Anong plano mo?" Bulong ni Aiah sa kaniya.

"Masama ba ako sa part na sa mismong birthday niya malalaman kung anong nangyari kay Colet?"

"Are you crazy Mikha Lim? Ayaw ko namang malungkot siya sa birthday niya." Napatingin naman ang tatlo sa kanilang dalawa dahil sa sinabi ni Aiah. "Nalakas ba?"

"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Jhoanna.

"Wala, iniisip lang namin kung anong pwede gawin sa birthday mo." Sagot ni Mikha.

"Okay na ako na makita si Colet." Sabi ni Jhoanna at ngumiti.

"See, gusto niyang makita si ate Colet." Sabi ni Mikha.

"I know but not unconscious." Sabi ni Aiah.

"Magpahinga ka muna Mikha." Sabi ni Stacey.

"You girls should pack some clothes na kasi pupunta tayo ng Manila tomorrow." Sabi ni Mikha bago pumunta sa kwarto ng lola ni Colet para doon na magpahinga.

"Makikita ko na si Colet, ate Aiah." Sabi ni Jhoanna at ngumiti.

Tumingin naman si Aiah kay Maloi na bakas ang awa sa mukha.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon