Chapter 7

185 8 0
                                    


Few weeks later, naging abala ang grupo nila Colet kaya hindi niya na rin naharap sina Jhoanna kung ano ang plano nila.

"Maloi tell Cole na payag na tayo." Sabi sa kaniya ni Aiah.

"Ang bait niya sa atin, feeling ko talaga may gusto siya sa isa sa atin." Usal ni Stacey.

Napatingin naman silang tatlo kay Jhoanna na abala sa pakikipaglaro sa alaga nilang pusa.

"I think si Jhoanna."

"Message ko lang si Vergara." Usal ni Maloi at lumabas.

"Staku alam mo namang may gusto rin si Maloi kay Cole eh." Usal ni Aiah.

"Totoo naman, Colet's attention is always on Jho, ate Aiah."

On the other side....

"May puntahan lang ako saglit." Tumingin naman ang tatlo kay Colet na naglalakad paalis.

"Saan nanaman kaya siya pupunta?" Tanong ni Gwen.

"Baka makikipag date kay Miss Chie." Sagot ni Sheena.

Habang naglalakad si Colet ay nakatanggap siya ng mensahe galing kay Maloi.

Mal🦋
Pwede ba bukas mag start?

"Nagmamadali ba sila?" Tanong ni Colet.

Cole
Sure, sunduin ko nalang kayo tomorrow para sabay sabay na tayong pumunta.

Habang papunta si Colet sa cafe ay nakatanggap nanaman siya ng mensahe galing sa isa niyang tao na nagmamanage ng pagpapagawa sa resort niya.

09*********
Ma'am, tapos na po 'yong resort.

"Great timing, I'll bring them with me sa Palawan muna bago kami pumunta sa farm."

The next day, sinama na ni Colet sila Mikha na pumunta kina Jhoanna para sunduin sila.

"Hello mga people, bilisan niyo at baka maiwan tayo ng plane." Usal ni Sheena nang makadating sila sa tinutuluyan nila Jhoanna.

"Bunganga mo, napaka lakas." Suway sa kaniya ni Gwen.

"Nandito na pala kayo." Tumingin naman ang tatlo kay Aiah na kalalabas lang.

"Oh nasaan si Colet?" Tanong ni Stacey at itinuro naman nila si Colet na natutulog sa loob ng van.

"Tara na?" Tanong ni Gwen.

"Wait lang si Jho." Usal ni Maloi at pinuntahan si Jhoanna.

Nang makapasok na sila sa van ay hindi pa rin nagigising si Colet kaya hindi na muna sila nag ingay.

"Cole gising na."

Nagising naman si Colet at dire diretsong bumaba ng van papunta sa private plane nila.

"Hindi man lang kayo napansin." Sabi ni Gwen at sinundan na lang si Colet.

"Dito ka nalang sa tabi niya Jho." Sabi ni Sheena at pinaupo sa tabi ni Colet. "Magigising na rin 'yan mamaya."

Lumipas ang ilang minuto ay nagising na si Colet at nakita si Jhoanna na natutulog.

"Ang ganda talaga." Napangiti si Colet at inayos ang buhok ni Jhoanna.

"Inlove na ba?" Napatingin naman si Colet kay Sheena na may mapang-asar na ngiti.

"Tumahimik ka dyan."

"Hindi niya dineny."

Bago pa man makasalita si Colet ay nagmadaling umalis si Sheena sa kinaroroonan nila.

"Gising ka na pala." Sabi ni Jhoanna dahilan para mapatingin sa kaniya si Colet.

"Kanina ka pa gising?" Tanong sa kaniya ni Colet na tinanguan niya naman. "So narinig mo?"

"Oo."

Tumahimik naman si Colet dahil sa sagot ni Jhoanna.

"Totoo ba?" Tanong sa kaniya ni Jhoanna pero nanatiling tahimik si Colet.

"Hindi na 'yan sasagot Jho." Sabi sa kaniya ni Mikha.

"Totoo Jho, hindi siya dineny eh." Sabi sa kaniya ni Sheena at ngumiti.

"Sheena tumigil kana." Suway sa kaniya ni Gwen na agad namang sinunod ni Sheena.

Nang makadating sila ay nanatiling tahimik si Colet at dumiretso sa mga tao niya.

"Nangyari kay Cole?" Tanong ni Aiah.

"Tanungin niyo si Jhoanna, siya last na kausap." Sagot ni Mikha at tumingin kay Jhoanna.

"May tinanong lang ako kung totoo." Usal ni Jhoanna.

"Ang alin?" Tanong ni Stacey.

"Inlove si ate Colet kay Jhoanna." Sagot ni Sheena.

"Bunganga mo talaga." Sabi sa kaniya ni Mikha.

"Hindi niya naman kase dineny." Sabi naman ni Sheena.

"Sandali, akala ko ba sa Batangas ang punta natin." Singit ni Maloi.

"Oo nga." Usal ni Stacey.

"About that, ate Colet said na bibisitahin niya muna itong resort niya since it's done then after that pupunta tayo sa Batangas." Sabi ni Mikha at tumingin sila kay Colet na nakangiti habang nakikipaglaro sa mga alagang aso.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon