Chapter 11

167 7 0
                                    

Night came

"Nasaan si Colet, la?" Tanong ni Maloi.

"Nasa labas iha, kausap niya ang mama niya." Sagot ng matanda.

Makalipas ang ilang minuto may narinig silang nabasag mula sa labas kaya lumabas sila at nakita si Colet.

"Colet" Tawag sa kaniya ni Aiah pero hindi ito pinansin ni Colet.

"Sandali lang." Sabi ng matanda at lumapit sa kinaroonan ni Colet.

"Anong problema?" Tanong sa kaniya ng matanda at humarap si Colet sa kaniya na nakangiti. "Lasing ka ba?"

"Inom tayo la." Aya ni Colet pero iniwan na ito ng matanda.

"Sheena bantayan niyo si Colet. Naglasing nanaman."

"Umiinom siya ng alak?" Tanong ni Jhoanna.

"Umiinom lang naman siya kapag may problema." Sabi ni Sheena at nilapitan si Colet. "Halika na, matulog ka na."

"Papakasal daw ako eh bata pa ako." Sabi ni Colet habang hinihila siya ni Sheena.

"Kasal? With who?" Tanong ni Mikha.

"Chie, it turns out na dad and her dad ay mag business partner. I don't want her." Sabi ni Colet na parang bata.

"Sheena ipasok mo na 'yan dito."

Hinila na paloob ni Sheena si Colet at pinahiga sa sofa.

"Your love team will be real, you two will get married." Sabi ni Mikha na sinamaan naman ng tingin ni Colet.

"Pisti ayaw ko nga diba? Hindi ka ba nakakaintindi?"

"Napindot nanaman si anger." Sabi ni Gwen.

"Ikaw na ang bahala dyan Shee, tatawagan ko ang lolo niya." Sabi ng matanda at umalis.

"Kayo muna dyan, makikichismis muna ako." Sabi ni Sheena at sinundan ang lola ni Colet.

"Mikha kumuha ka ng pamunas kay Colet." Sabi ni Aiah na agad namang sinunod ni Mikha.

"Hindi mo namang sinabi na umiinom ka ng alak. Itigil mo na 'yan, nakasasama 'yan sa kalusugan." Sabi ni Jhoanna.

"Minsan lang naman."

Nang makabalik si Mikha ay nagsimula nang punasan ni Aiah si Colet.

"Ayaw ko sa taong may bisyo." Sabi ni Jhoanna.

"Akin nalang pala siya." Singit ni Maloi.

"Ate Maloi naman." Sabi ni Jhoanna.

"Nakatulog na." Usal ni Aiah.

"Dyan na siya matutulog kaya magsitulog na kayo." Sabi ni Gwen habang hila hila si Sheena.

"Musta ang pakikichismis?" Tanong ni Stacey kay Sheena.

"Te hinablot ako kung kailan sinagot na ang tawag." Sagot ni Sheena.

"Privacy Shee." Sabi sa kaniya ni Gwen.

"Dito nalang ako matutulog." Sabi ni Jhoanna.

"Mangangalay ka dyan, may kwarto naman eh." Sabi sa kaniya ni Maloi.

"Sa may duyan ka nalang kung gusto mo." Sabi sa kaniya ni Sheena.

Tumango naman si Jhoanna kaya ipinunta nila si Jhoanna sa may duyan bago pumunta sa kanilang kwarto.

Kinabukasan ay naunang nagising si Colet at pumunta sa kusina.

"Nakausap ko na ang lolo mo, pumayag siya." Sabi ng lola niya.

"Under nga naman." Sabi ni Colet.

"Si Jhoanna, sa may duyan natulog." Sabi sa kaniya.

"May kwarto naman sila ah." Sabi ni Colet at pinuntahan si Jhoanna. "Gising ka na pala."

"Naglasing ka kagabi." Wika ni Jhoanna.

"Naparami. But hindi na mauulit since ayaw mo sa taong may bisyo." Sabi ni Colet at ngumiti.

"Naalala mo pala."

"Lasing ako pero hindi naman ako nakakalimot kapag nalasing ako." Sabi ni Colet at inayos ang buhok na Jhoanna. "Gusto mo na bang maligo?"

"Ipunta mo nalang sila sa may talon." Sabi ng lola niya.

"Hindi ba mababa ang tubig la?" Tanong ni Sheena na kagigising lang.

"Hindi naman kaya gising niyo na ang mga kasama niyo para makapag umagahan na kayo." Sagot nito.

"Gising na sila la sadyang hindi lang sila bumabangon." Sabi ni Sheena.

"Tawagin mo na sila." Sabi ni Colet.

Umalis na si Sheena habang si Colet at Jhoanna naman ay pumunta na sa hapag kainan.

"Aminin mo nga sa akin apo, anong meron sa inyo ni Jhoanna?" Tanong sa kaniya ng lola niya.

"Nililigawan ko siya la, pumayag siya before kami pumunta rito." Sagot ni Colet at dumating na ang mga kasama nila.

"Ready na kami maligo." Sabi ni Stacey.

"Hindi pa kase naliligo si Staku mula kahapon." Sabi ni Maloi.

"Nahiya naman kay Jhoanna." Sabi ni Stacey.

"Hoi naligo ako kahapon." Pagdedepensa ni Jhoanna.

"Hindi ko nga nakitang basa 'yang buhok mo kahapon." Sabi ni Sheena.

"Nagpatuyo ako ng buhok bago ako lumabas ng kwarto." Sabi ni Jhoanna.

"Tama na 'yan, kumain na tayo." Sabi sa kanila ng lola ni Colet na agad naman nilang sinunod.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon