Chapter 9

175 8 1
                                    


"Apo pagpasensyahan mo ang ugali ni Colet. Hindi kase masyadong nagabayan ng mga magulang niya." Sabi sa kaniya ng matanda.

"Bakit po? Her parents background information is not that informative po kase, as their fans we know her parents name but just their names." Sabi ni Jhoanna.

"Hiwalay ang mga magulang ng batang 'yan. Sa totoo lang ay akala ko magiging rebelde siya pero naagapan naman." Sabi ng matanda dahilan para mapangiti si Jhoanna.

"Paano po siya napasali sa group niya ngayon?"

"Actually magkaibigan na silang dalawa ni Sheena kaya sinama siya ni Sheena mag audition. Sa una, ayaw niya pa dahil sa kompanya na ipinagkaloob sa kaniya ng lolo niya sa side ng papa niya pero napapayag pa rin siya ni Sheena. Habang training nga nila ay tumawag pa sa amin na umiiyak kase hindi niya na raw kaya ipagsabay sabay ang tatlong gawain niya. Kailangan niya na rin kaseng magreview para makapasa at maging doctor siya."

"Pero sa huli nakayanan niya." Sabi ni Jhoanna at tumango ang lola ni Colet.

"Huwag kang mag alala, tutulungan ka ng apo ko na makakita." Sabi sa kaniya ng matanda.

Habang nag-uusap sila ay nakikinig lamang si Colet sa kanila.

"Bakit hindi mo sila lapitan?" Tanong sa kaniya ni Maloi.

"Nag-uusap pa sila." Sagot ni Colet.

"Aminin mo nga sa akin, totoo ba?" Tanong sa kaniya ni Maloi dahilan para mapatingin sa kaniya si Colet.

"What?"

"Na may iba ka nang mahal?" Tanong ni Maloi at ang mga mata nito ay naluluha na.

"Teka ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong sa kaniya ni Colet at dinukot ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang luha ni Maloi.

"Aminin mo, aminin mo." Sabi sa kaniya ni Maloi.

"Hindi kita maintindihan." Sabi sa kaniya ni Colet.

"Joke lang ito naman, ginawa ko lang naman the video that I saw sa Tiktok." Sabi sa kaniya ni Maloi at tumawa.

"Adik." Bulong ni Colet at umiling.

"Halika nga, samahan mo ako iset up 'yong area para mamayang gabi." Hila sa kaniya ni Maloi papalayo.

"Buti na lang hindi nakakakita si Jho." Sabi ni Sheena.

"Buti nakapag relax kayo ngayon." Sabi ni Stacey habang nakatingin kina Colet at Maloi.

"Nakaplano na actually ang pagbakasyon namin ng matagal then after that new project." Sabi ni Sheena.

"Sa pagkaka alam ko malapit na mag end ang contract niyo. Do you girls have plans na pumirma ulit?" Tanong ni Aiah at umiling sila.

"Ate Colet told us na kami nalang magmanage ng restaurant, cafe and her soon art museum." Sabi ni Mikha.

"Art museum? Wow." Komento ni Stacey.

"At kayo naman sa farm niya. Ewan ko ba kay ate Colet, sinalo lahat ng trabaho akala mo naman mawawalan." Sabi ni Sheena.

"Tulungan nalang natin sila Colet." Sabi ni Gwen.

Nagsimula nang dumilim kaya kumain na sila bago pumunta sa tabing dagat.

"Dala mo pala violin mo ngayon." Sabi ni Gwen at tumango si Colet.

Nagsimula nang tumugtog si Colet at nakaisip nanaman ng katarantaduhan si Sheena.

"Sa mga bisita po na nais makapagpicture sa debutant pumila na po." Sabi ni Sheena na ikinatingin ni Colet.

"Pumila na po upang makakain na." Dagdag pa nito.

"Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina ka pa nakabulagta Shee." Sabi sa kaniya ni Stacey.

"Joke lang naman."

"Oh kayong dalawa, nag-usap na ba kayo?" Tanong ni Aiah kina Jhoanna at Colet.

"Kayo ni Colet 'yon Jho." Bulong sa kaniya ni Sheena.

"Ano bang dapat pag-usapan?" Tanong ni Colet.

"Hindi pa kasi kayo nagpapansinan." Sabi ni Maloi.

"Colet apo, nasa telepono ang mama." Biglang sulpot ng lola niya.

"Ha? Akala ko nasa States ang mama mo." Sabi ni Sheena.

"Shee" Suway sa kaniya ni Gwen.

"Maiwan ko muna kayo." Sabi ni Colet at umalis.

"La pwede po bang makibanyo saglit?" Tanong Jhoanna.

"Oo naman, halika na." Tinulangan naman siya ng matanda papunta sa loob ng bahay.

"Apo ikaw na ang bahala rito kay Jhoanna, matutulog na kami ng lolo mo." Sabi sa kaniya ng lola niya at tumango na lang si Colet.

"Next year ma, promise." Sabi ni Colet at pinatay ang tawag bago umupo upang hintayin si Jhoanna.

"La?" Tanong ni Jhoanna pagkalabas niya at lumapit naman si Colet sa kaniya.

"Natulog na siya. Tara na baka hinihintay na nila tayo." Sabi sa kaniya ni Colet.

"Colet hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko."

Nagsimula nang maglakad si Colet habang hawak hawak ang kamay ni Jhoanna.

"Colet" tawag sa kaniya ni Jhoanna.

"Totoo"

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon