Chapter 13

178 7 1
                                    


"Oh 'wag puro pitas, tignan niyo kung pwede na kuhanin." Sabi ng lola ni Colet.

"Don't worry la, tuturuan namin sila." Sabi ni Mikha.

"Oh nasaan si Colet?" Tanong ng lola ni Colet sa kanila.

"Nagbibihis po." Sagot ni Jhoanna.

"Paano mo alam? Nanilip ka noh?" Tanong sa kaniya ni Sheena na agad namang binatukan ni Stacey.

"Tara na?" Tanong ni Colet habang inaayos ang damit nito.

"Ate Colet si Sheena inaasar si Jho." Sabi sa kaniya ni Mikha.

"Hoi hindi kaya." Depensa naman ni Sheena.

"Shee tumigil ka na." Sabi ni Colet at nilapitan si Jhoanna.

"I have a good news for you apo but I'll tell you kapag nakabalik na kayo." Sabi ng lola niya.

"Bakit hindi ngayon?" Tanong ni Colet.

"Kasi ayaw ko." Sagot ng lola niya.

"Ayaw niya kase ate Colet." Sabi ni Mikha at tumawa pero hindi na ito pinansin at umalis na kasama si Jhoanna.

"Piliin niyo ang mga ihaharvest niyo." Sabi sa kanila ng lola ni Colet at umalis na sila.

Nang makita nila si Jhoanna ay nilapitan nila ito.

"Nasaan si Colet?" Tanong sa kaniya ni Aiah.

"May tumawag and sinagot niya. Ewan ko lang kung saan pumunta." Sagot ni Jhoanna.

"Hanapin ko lang." Sabi ni Gwen at umalis.

"Tara na ako na magtuturo pumili at pumitas." Sabi ni Sheena.

Hinawakan naman na si Aiah si Jhoanna bago sila nagsimulang magharvest.

"Nandito ka lang pala." Sabi ni Gwen nang makita niya si Colet na may kausap sa cellphone.

"Bakit hindi mo sinabi na we need to go back to work next week?" Tanong ni Colet sa kaniya.

"I just found out a while ago Cole." Sabi sa kaniya ni Gwen.

"Gusto ko pa naman na gamitin ang bakasyon natin para maligawan ko si Jho." Sabi ni Colet.

"Maliligawan mo pa rin naman siya, kaunting tiis nalang Cole. Just enjoy the remaining days." Sabi ni Gwen bago umalis.

Sumunod naman na agad si Colet kay Gwen.

"Oh nahanap mo bebe?" Tanong sa kaniya ni Sheena.

"Yes and alam niya na rin na aalis na tayo next week." Sagot ni Gwen.

"Galit?" Tanong ni Mikha.

"Hindi but she's disappointed." Sagot ni Gwen.

"Well ang usapan naman kasi is we will be having a long vacation. Bakit naman binawi?" Tanong ni Mikha.

"Duh syempre alam ni boss na hindi na tayo magrerenew ng contract, of course igagrab niya na ang opportunity habang may kontrata pa." Sabi ni Sheena at namitas.

"Magkikita nanaman sila ni Chie." Sabi ni Stacey.

"Don't worry Jho, babantayan namin si Colet." Sabi ni Mikha.

"Well mahihirapan si ate Colet manligaw since matatagalan kaming bumalik and magiging busy for sure." Sabi ni Sheena.

"Maparaan si anger." Sabi ni Gwen at tumingin kay Jhoanna. "Besides I'm sure na walang araw na hindi niya matatawagan si Jho."

Pasimple namang umalis muna si Maloi sa pwesto nila at kasabay nito ang pagdating ni Colet.

"Si Jho?" Tanong ni Colet kay Maloi.

"Kasama si Aiah." Sagot ni Maloi at tumingin kay Colet. "I heard na need niyo nang umalis next week."

"Sadly yes." Sabi ni Colet at tumingin sa mga kasama nila na abala sa pagpipitas ng iba't ibang uri ng prutas.

"I like you." Sambit ni Maloi at tumingin sa mga kasama nila.

"I know."

"How?" Tumingin naman si Maloi kay Colet.

"Your actions Mal." Sagot ni Colet bago tumingin kay Maloi at ngumiti. "But you need to stop because ayaw ko naman na makitang nasasaktan ka because iba ang gusto ko."

"Cole"

"You're not hard to love but Jho already got my heart." Sabi ni Colet at ngumiti.

"Huwag mo nalang sasaktan si Jho." Sabi ni Maloi.

Nang matapos ang pag uusap nila ay nilapitan na ni Colet si Jhoanna.

"Come here, picturan kita." Sabi ni Colet kay Jhoanna.

"Hindi naman halatang inlove ka sa akin." Sabi ni Jhoanna at tumawa.

"Girl alam mo ba kung saan ka ngayon?" Tanong ni Sheena sa kaniya.

"Malamang hindi, adik ka ba?" Tanong sa kaniya ni Jhoanna.

"Nasa likod mo lang naman 'yang mga cactus." Sabi ni Sheena.

"Hoi hindi kaya, niloloko ka lang ni Shee." Sabi ni Colet bago niya sinamaan ng tingin si Sheena.

"Ate Aiah." Tumingin naman si Aiah kay Jhoanna at ngumiti.

"Behind you is a pretty big tree Jho. Huwag kang makinig dito sa may saltik." Sabi ni Aiah sa kaniya.

"May saltik ka pala eh." Sabi ni Stacey.

"Grabe ha, pasalamat kayo mas matanda kayo. Gurang nga naman." Sabi ni Sheena.

"Gwen ilayo mo nga muna 'yang si Shee, nandidilim paningin ko." Sabi ni Stacey.

"Hayaan mo na muna silang mag-away." Sabi ni Colet at hinila palayo si Jhoanna.

"Mag pipitas pa tayo." Sabi ni Jhoanna.

"You can do that kapag umalis na kami, for now enjoy muna natin ang mga araw na magkasama tayo." Sabi ni Colet at hinawakan ang kamay ni Jhoanna. "I can't wait for you to see."

"Sana nga may mahanap na donor kapag may ipon na kami." Sabi ni Jhoanna.

"I'll help and wala kang magagawa." Sabi ni Colet at pinaupo si Jhoanna sa may fence. "Hindi muna ako babalik hangga't hindi tapos ang kontrata namin and maghahanap na rin ako ng donor. Just don't believe sa maririnig mo na mga rumors. Babalikan kita rito."

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon