Chapter 5

185 9 0
                                    


Dumating na ang araw ng concert nila Colet at sila Jhoanna naman ay nakapwesto na malapit sa entablado.

"Good evening mga people." Pagbati sa kanila ni Sheena. "Ready na ba? Munting paalala na 'wag tayong magtulakan kung ayaw niyong kayo ay aming iwanan."

Sa pagdilim ng paligid ay bigla silang nakarinig ng tugtog mula sa violin na naging dahilan sa pagsigaw ng mga tao.

Habang nagpeperform si Colet ay nanonood lang ang mga kasamahan niya.

"I saw them malapit sa stage." Usal ni Mikha habang pinapanood si Colet.

"True? Akala ko ba nag iipon sila para sa mata ni Jhoanna." Usal ni Gwen.

"Tanong nalang natin sa kanila later." Sabi ni Mikha na tinanguan naman ng dalawa.

Nang matapos si Colet ay nilapitan niya na sila Mikha. "Magpapalit lang ako." Tinanguan naman siya ng tatlo at pumunta na pwesto nila.

"Tonight we will be covering the song "Magbalik" and we hope that you guys will enjoy." Sabi ni Mikha at nagsimula nang tumugtog si Colet.

"Poganda talaga si Colet." Komento ni Maloi.

"Pati si Mikha." Komento naman ni Aiah.

"Sana makita ko rin sila." Usal naman ni Jhoanna dahilan para mapatingin sa kaniya ang tatlo.

"Malapit na Jho." Bulong sa kaniya ni Stacey.

"Willing maging gitara!" Sigaw ng kung sino dahilan para mapailing si Colet.

Makaraan ng ilang oras ay nagsimulang umaambon habanh nagpeperform sila Colet. Kaya tinanong nila ang mga tao kung okay lang ba sila.

Meanwhile, Colet's attention is focused with Jhoanna who's getting soak kaya nagpakuha siya ng payong at pati na rin ng jacket sa isang staff.

"Te basa kana, ano pang kwenta ng payong?" Tanong sa kaniya ni Sheena pero hindi ito pinansin ni Colet.

"Omyghad baka kay Chie 'yan"

"Luh nandito siya?" Tanong ni Sheena at tumingin kay Colet na ngayon ay nasa harapan ni Jhoanna.

"Hey wear this." Usal ni Colet.

Aiah guided Jhoanna kung saan inaabot ni Colet ang payong at jacket. Nagpasalamat naman sa kaniya si Jhoanna na ikinangiti ni Colet.

"Akala ko kay Miss Chie." Usal ni Sheena nang makalapit siya sa kanila pero iniwan na ito ni Colet. "Wait niyo kami later ha after the show."

"Tignan mo , hindi niya rin naman gagamitin." Bulong sa kaniya ni Gwen pero hindi na ito pinansin ni Colet at lumapit na lamang sa mga fans nila.

"Let's enjoy the night, kausapin nalang natin mamaya." Usal ni Mikha.

Nang matapos ang concert nila ay pinuntahan ng mga bantay nila sina Jhoanna para papuntahin sa kinaroroonan nila.

"Ano ba? Sabing akin 'yan." Inis na sabi ni Colet kay Sheena.

"Ate Colet naman, akin nalang 'to, gutom na ako."

Patakbo na sana si Sheena nang magsalita muli si Colet na ikinatigil niya.

"Sheena isa."

"Hi girls." Pag-iiba ni Sheena ng usapan at nilapitan sina Aiah. "Sorry at nakita niyo pa kung paano magswitch si anger."

"May pamalit ba kayo?" Tanong sa kanila ni Gwen and they shook their heads.

"They can borrow some clothes para makapagpalit sila." Usal naman ni Mikha.

"Samahan ko na sila." Pagpresenta ni Sheena at umalis na sila.

"Bakit nandito sila?" Tanong ni Colet at umupo.

"We just want to bond with them since matagal tagal na rin namin sila hindi nakasama." Sagot ni Gwen.

"Make sure na makakauwi sila safely." Usal ni Colet at ipinikit ang mga mata.

"Sheena actually invited them to sleep sa condo."

Magsasalita na sana si Colet pero naunahan ito ni Sheena dahilan para mapamulat siya.

"Ate Colet pinahiram ko muna 'yong oversized mo kay Jho."

"Okay lang ba? If ayaw mo, I can change naman."

"Uhm no , okay lang." Napangiti naman si Jhoanna.

"Oo nga pala, buti nakapunta kayo and nasa VIP pa kayo ha." Usal ni Sheena.

"Ah actually si Colet ang nag invite sa amin and hindi ko naman alam na VIP tickets pala 'yong inabot niya." Paliwanag si Stacey.

"Special treatment talaga." Komento ni Sheena at tumingin kay Colet na ngayon ay katabi na si Jhoanna at sinusuri ang mga mata ng dalaga.

"Any chance na makakita pa siya?" Tanong ni Colet.

"Oh right, they told us about her condition." Usal ni Mikha at sinabi kay Colet ang lagay ni Jhoanna.

"Bakit hindi siya paoperahan ng mga magulang niya?" Tanong ni Colet.

"Patay na sila." Sagot ni Jhoanna dahilan para mapatigil si Colet.

"Nag iipon naman na kami and we're trying to find a donor." Sabi ni Maloi sa kaniya.

"Tara na para makapagpahinga na tayo." Usal ni Gwen at umalis na sila.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon