Chapter 8

161 5 0
                                    


"Oh tawagin mo na ang mga kasama mo para makakain na kayo." Sabi sa kaniya ng matandang babae.

"Kayo nalang po." Sabi naman sa kaniya ni Colet at lumapit na sa mga alaga nilang aso.

"May problema ba apo?" Tanong sa kaniya ng matanda ngunit umiling lamang si Colet. "Kilala na kita apo."

Wala nang nagawa ang matanda kaya tinawag niya na lamang ang mga kasamahan ni Colet para kumain.

"Paano po si Colet?" Tanong ni Jhoanna.

"Mamaya pa siya kakain iha, nagsusumpong nanaman ang bata." Sagot ng matanda.

"La nasaan nga po pala si lolo?" Tanong ni Colet nang makalapit siya sa kanila.

"Nasa kwarto niya, natutulog pa." Sagot nito.

"Kain kana Cole." Sabi sa kaniya ni Maloi.

"Mamaya nalang, kayo muna." Sabi sa kaniya ni Colet at umalis.

"Bahala ka dyan Sheena, suyuin mo 'yon." Sabi sa kaniya ni Gwen.

"Mamaya muna, kakain pa ako." Sabi ni Sheena.

Nang matapos sila kumain ay hinanap na ni Sheena si Colet pero hindi niya ito makita.

"Lola nasaan po si ate Colet?" Tanong sa kaniya ni Sheena.

"Naliligo sa dagat iha." Sagot ng matanda kaya pumunta naman si Sheena sa dagat.

"Ate Colet!" Sigaw ni Sheena dahilan para mapatingin si Colet sa kaniya.

"Bunganga talaga nito." Bulomg ni Colet at lumapit kay Sheena. "Oh ano nanaman?"

"Sorry na, hindi niya naman narinig." Sabi sa kaniya ni Sheena.

"Anong hindi? Narinig niya." Sabi sa kaniya ni Colet.

"Edi maganda kase alam niya na." Sabi ni Sheena.

"Adik ka ba?" Tanong sa kaniya ni Colet at nagsimula na siyang maglakad.

"Ayaw mo ba? Bahala ka ate colet, maganda pa naman si Jho kahit hindi siya nakakakita." Sabi sa kaniya ni Sheena.

"As if hahayaan kong may makalapit sa kaniya na mga asungot." Bulong ni Colet.

"Cole" Tawag sa kaniya ni Maloi.

"Bakit?" Tanong ni Colet at lumapit kay Maloi.

"Hindi ka pa ba kakain?"

"Kakain na after ko magbihis."

Tumango naman si Maloi kaya umalis na si Colet para makapagbihis. Nang matapos ay nakita ni Colet si Jhoanna na nakaupo malapit sa dagat.

"La pakibantayan si Jhoanna baka mapano." Sabi ni Colet at umupo.

"Hindi ba siya nakakakita?" Tanong sa kaniya at tumango naman siya. "Bakit hindi mo tulungan?"

"Donor nalang ang kulang total hindi naman problema ang pera." Sagot ni Colet.

"Oh maiwan na muna pala kita dyan." Sabi sa kaniya ng matanda at tumango naman si Colet bago tumingin kay Jhoanna.

"You can just tell her what you feel."

Napatingin naman si Colet kay Mikha nang sumulpot ito.

"Like what I said, hindi ako aamin."

"Hindi aamin pero natimbog." Biglang sulpot naman ni Sheena at Gwen.

"Tumahimik ka na." Suway sa kaniya ni Gwen.

"She just need to know if totoo or hindi ang narinig niya." Sabi ni Mikha.

"Look Colet, make sure na hindi 'yan infatuation once na nagconfess ka." Sabi sa kaniya ni Gwen.

"I thought hanggang infatuation lang but after three months, siya nalang ang hinahanap ko. I want her presence, I love everything about her." Sabi ni Colet.

"Hindi ka na mahihirapan dyan, fan mo 'yan eh." Sabi ni Sheena.

"Wait ibang usapan 'yan. She idolize Colet pero malabong gusto niya si Colet romantically." Sabi ni Gwen.

"Hindi malabo 'yon." Biglang sulpot naman ni Aiah.

"Ang hihilig niyo sumulpot." Sabi ni Colet.

"What do you mean na hindi malabo?" Tanong sa kaniya ni Mikha.

"Hindi malabong magustuhan ni Jho si Colet in a romantic way." Sagot ni Aiah at ngumiti.

"May pag-asa ka." Sabi ni Sheena kay Colet.

"Tumahimik nga kayo dyan." Sabi ni Colet at umalis.

"Kinilig ka lang eh." Sabi ni Sheena at tumawa.

"Kapag napikon nanaman 'yan, iiwan ka na talaga namin dito." Sabi sa kaniya ni Gwen.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon