Chapter 15

163 7 0
                                    


Weeks passed at patuloy pa rin si Colet na ligawan si Jhoanna.

"Hindi ka ba pagod?" Tanong ni Jhoanna kay Colet.

"Hindi pa naman and gusto ko rin na iparinig sa'yo itong kanta na nagawa ko." Sabi ni Colet habang inaayos ang gitara niya. "You can sleep if inaantok ka na."

"Pakinggan ko muna." Sabi ni Jhoanna at ngumiti.

Nagsimula naman na magstrum si Colet at kumanta. Habang kumakanta siya ay nakikinig din sila Aiah sa kaniya. Patuloy lang sa pagkanta si Colet hanggan sa nakatulog na si Jhoanna.

"Kasama ba 'yan sa album niyo?" Tanong ni Maloi.

"Uhm hindi eh." Sagot ni Colet.

"May pupuntahan ba kayo now?" Tanong ni Aiah.

"Obvious ba?" Tanong ni Mikha.

"Patayin ko na ba?" Tanong ni Sheena.

"Patayin mo na 'yan." Sabi ni Stacey at pinatay naman ni Sheena ang tawag.  "Tarantado pinatay."

"Sabi mo kasi patayin niya na." Sabi ni Maloi.

"Akala ko si Mikha ang papatayin." Sabi ni Stacey.

"Oh tama na 'yan at magsipagtulog na tayo." Sabi ni Aiah bago kinumutan si Jhoanna at umalis.

Lumipas ang ilang oras ay dumating sila Colet sa Batangas at dahil may sariling susi siya ay hindi na sila nanggising pa.

"Akala ko ba hindi ka babalik dito hanggang hindi pa tapos ang kontrata?" Tanong ni Sheena at nahiga sa sofa.

"Hindi nakatiis kay Jho." Sabi ni Gwen.

"Magpahinga na kayo, titignan ko lang si Jho." Sabi ni Colet at pumunta sa kwarto ni Jhoanna.

Nang makapasok siya ay tanging ang lampshade ang nagbibigay liwanag sa silid. Umupo si Colet sa may gilid ng higaan ni Jhoanna.

"Malapit ka nang makakita kaunting tiis nalang. After namin ipromote ang comeback namin ay pupunta na ako sa States para mapaschedule ka. I can't do the operation here since sa States ko rin nagawa ang first operation ko noon na same case sa'yo." Sabi ni Colet habang inaayos ang buhok ni Jhoanna.

Pumunta si Colet sa may upuan at napagpasyahan na roon na lamang siya matutulog.

Kinabukasan ay naunang nagising si Aiah at nakita niya sila Mikha na natutulog sa may sala.

"Dito na talaga sila natulog." Sabi ng lola ni Colet.

"Anong oras po sila dumating?" Tanong ni Aiah.

"Madaling araw na, hindi ata nila napansin na gising na ako." Sabi ng lola ni Colet.

"Nasaan po si Colet? Siya lang po ang wala." Sabi ni Aiah.

"Paniguradong nasa kwarto pa ni Jhoanna. Gisingin mo na nga at papalipatin ko pa itong tatlo sa kwarto." Sabi ng lola ni Colet na sinunod naman ni Aiah.

Pagkabukas ni Aiah ng pinto ay nakita niyang pinapahiga ni Jhoanna si Colet.

"Tulungan na kita." Sabi ni Aiah at lumapit. "Alam mong nandito siya?"

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon