Chapter 16

155 6 0
                                    

After few hours, napag-isipan ni Mikha na dalawin si Colet sa kompanya niya pero pagkapasok niya sa opisian ni Colet ay nakita niya itong nakatulog sa upuan niya.

Nang makalapit si Mikha ay nakita niya na katawagan ni Colet si Jho na parehas na natutulog.

"Colet uwi ka na muna para makapagpahinga ka ng maayos." Paggising sa kaniya ni Mikha. "Hi Jho, gising ka na pala."

"Tulog pa ba?" Tanong ni Jhoanna.

"Ayaw magising." Sabi ni Mikha.

"Check mo temperature niya." Sabi naman ni Maloi.

"Oh nandyan ka rin pala." Sabi ni Mikha.

"Check mo na, matamlay siya sa kanina sa live niyo at alam kong alam niyo." Sabi ni Maloi.

"Oo na." Sabi ni Mikha at inilagay ang palad niya sa noo ni Colet. "May lagnat ka."

Agad namang tinawagan ni Mikha ang dalawa pati na rin ang isang guard para buhatin si Colet sa sasakyan.

"Jho tawag nalang ako mamaya ha, may lagnat kasi itong si Colet." Sabi ni Mikha.

"Sige, update ka nalang mamaya." Sabi ni Jhoanna at pinatay na niya ang tawag.

Nakauwi naman na si Mikha kasama si Colet habang ang dalawa naman ay pauwi pa lang. Tinawagan naman ni Mikha ang kaibigan doctor ni Colet.

"Over fatigue Colet." Sabi ng kaibigan niya nang magising siya. "Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Magpahinga ka rin naman."

"Nagpapahinga naman ako." Sabi ni Colet at umupo.

"Nilalagnat ka pa kaya magpahinga ka muna." Sabi ni Mikha at dumating na ang dalawa.

"It's better kung hindi ka muna sumama sa pagpromote ng bagong song niyo." Sabi ng kaibigan niyang doctor.

"Pero teka hindi pwede." Sabi ni Colet.

"Maiwan ko na kayo." Sabi ng kaibigan niya at umalis.

"Maiintindihan naman siguro nila Colet." Sabi ni Gwen.

"Eh kay boss?" Tanong ni Colet.

"Papayagan ka niya kung ayaw niya na maattack ng mga fans natin." Sagot ni Mikha.

"Nasaan si Sheena?" Tanong ni Colet.

"Bakit amoy baygon ka?" Tanong ni Gwen sa kaniya.

"Sinubukan ko lang ang sinabi ng isang fan natin na magandang gawing perfume ang baygon." Sabi ni Sheena at umubo.

"Adik ka ba?" Tanong sa kaniya ni Colet.

"Magpahinga ka nalang dyan." Sabi ni Mikha sa kaniya at kinuha ang cellphone ni Colet.

"Akin 'yan." Sabi ni Colet.

"Matulog ka na." Sabi ni Mikha at lumabas na sila ng kwarto.

"Tatawagan ko lang naman si Jho." Sabi ni Colet at nahiga nalang.

Tinawagan naman agad ni Mikha si Jhoanna para sabihan sa tungkol kay Colet.

"Nagpapahinga naman na siya." Sabi ni Gwen.

"Oh nasaan si Sheena?" Tanong ni Stacey.

"Pinaligo ko, amoy baygon." Sagot ni Mikha.

"What did she do this time?" Tanong ng lola ni Colet at sinabi naman ni Mikha ang rason ni Sheena. "Oh sige na at magtatanim pa sila."

"Paki alagaan si Colet." Sabi ni Jhoanna.

"Sure." Sabi ni Mikha at pinatay na ang tawag.

"Magluto lang ako ng ulam natin na may sabaw para may mahigop si Colet." Sabi ni Gwen at pumunta sa kusina habang si Mikha ay pinuntahan nalang si Colet sa kwarto niya para bantayan siya.

"Pagaling ka ate Colet, malapit pa naman na ang birthday ko." Sabi ni Mikha.

Weeks passed at talagang hindi nakasama si Colet sa pagpromote ng kanilang bagong kanta. Dumating naman na ang kaarawan ni Mikha.

"Saan mo gusto?" Tanong ni Colet kay Mikha at tumingin sa relo niya. "I still have a lot of time bago umalis."

"Volleyball muna tayo." Sabi ni Mikha at tumingin naman si Colet sa dalawa.

"Sige tara." Sabi ni Gwen.

Pumunta naman na sila sa open field para makapaglaro.

"Kaya mo 'yan bebe!" Sigaw ni Sheena.

"Anak ng, 'wag mong takbuhan." Sabi ni Colet.

"Tatamaan talaga kita sa mukha Shee." Sabi ni Mikha.

"Luh, bebe oh." Sumbong ni Sheena kay Gwen.

Nang matapos na sila maglaro ay umuwi muna sila para makapagpahinga at makaligo.

"Saan sunod?" Tanong ni Colet.

"Pwede ba tayong magstay nalang sa resort?" Tanong ni Mikha.

"Sure ka?" Tanong ni Gwen.

"Yes."

"Edi sana hindi nalang ako naligo." Sabi ni Sheena.

"Pawisan ka tapos hindi ka maliligo?" Tanong ni Mikha.

"Tama na 'yan. Bumili nalang tayo ng makakain natin sa madadaanan nating tindahan." Sabi ni Colet kaya umalis na sila.

Nang makadating na sila ay tinawagan na ni Colet si Jhoanna para kumustahin at para na rin mabati nila si Mikha.

"Happy Birthday apo." Sabi ng lola ni Colet.

"Happy birthday Mikha." Sabi ng apat na babae at ngumiti.

"Thank you girls." Sabi ni Mikha.

"Magpapahinga na kami, pinagod kami ni lola rito sa farm pati si Jho hindi nakatakas." Sabi ni Maloi.

"Masasanay rin kayo." Sabi ni Colet at ibinigay na nila kay Jhoanna ang cellphone. "Magpalit na kayo at kakausapin ko muna si Jho."

Umalis naman ang tatlo habang si Colet ay umupo sa bench.

"Mahiga ka na then ilagay mo ang cellphone mo sa may bandang tainga mo." Sabi ni Colet kay Jhoanna.

"At bakit?" Tanong sa kaniya ni Jhoanna.

"I'll sing you a song." Sagot ni Colet kaya ginawa na ni Jhoanna ang sinabi niya.

Nagsimula naman na si Colet na kumanta habang ang tatlo naman ay nakabalik na at narinig nilang kumakanta si Colet dahilan para mapangiti sila.

"Hulog na hulog na si ate Colet." Sabi ni Sheena.

Few hours passed at umuwi na sila dahil ihahatid pa nila si Colet sa airport.

"Hintayin niyo nalang ang tawag ko para maipunta niyo si Jhoanna. Sinabihan ko na rin si lola about sa passport ni Jhoanna at pati na rin kay Aiah para may kasama siya. About naman sa mga business ko kaya muna ang bahala, nainform ko naman na ang mga employees ko." Bilin ni Colet sa kanila.

"Mag iingat ka ah." Sabi ni Mikha.

"Naeexcite ako." Sabi ni Sheena at ngumiti si Colet.

"Kayo na ang bahala kapag nandoon na kayo, tawagan niyo nalang si mama kapag nakasunod na kayo." Sabi ni Colet.

"Bakit hindi nalang ikaw?" Tanong ni Gwen.

"Unexpectedly, may business event na need kong daluhan and hindi ko pa alam kung kailan. Malay niyo sumabay sa pag opera kay Jho." Sabi ni Colet.

"Okay na kayo ng mama mo ate Cole?" Tanong ni Mikha.

"Nakausap ko naman na siya kaya oo." Sagot ni Colet.

"Ingat ka ate Colet." Sabi ni Sheena.

"Kayo rin, enjoy niyo muna ang birthday ni Mikha." Sabi ni Colet.

"See you soon nalang." Sabi ni Mikha

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon