Chapter 12

182 7 3
                                    

Nang makadating sila sa talon ay hinuhad na ni Colet ang suot niyag jacket.

"Sayang ang view Jho." Sabi ni Stacey.

"Bakit?" Tanong ni Jhoanna.

"Sexy kase ni ate Colet kaya sayang hindi mo makita." Sagot ni Sheena.

"Colet anak ng, bumaba ka dyan!" Napatingin naman sila kay Aiah na sumigaw.

"Let her be, sanay na siya." Sabi sa kaniya ni Mikha.

"Saglit lang, sabay tayo!" Sigaw ni Sheena at agad pinuntahan si Colet.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Jhoanna.

"Tatalon sila sa falls but don't worry I'm taking a video para kapag nakakita kana mapapanood mo ang mga nangyayari." Sabi ni Aiah dahilan para mapangiti si Jhoanna.

"Ikaw muna." Sabi ni Colet kay Sheena.

"Huh? Akala ko sabay." Sabi ni Sheena pero umiling si Colet.

"Mauna kana." Sabi ni Colet.

"Mauna ako tapos hindi ka susunod." Sabi ni Sheena.

"Susunod ako kaya tumalon kana." Sabi ni Colet at tumingin naman si Sheena sa babagsakan niya.

"Ate ayaw ko na pala at may aasika-"

Hindi na natapos ang sinasabi ni Sheena nang itulak nito ni Colet.

"Dami mong sinasabi." Sabi ni Colet.

"Ate Colet!" Sigaw ni Sheena at sumunod na tumalon si Colet.

"Hindi naman halata na hindi siya handa na tumalon." Sabi ni Stacey.

"Bebe talon tayo." Aya ni Sheena kay Gwen pagka ahon niya.

"Takot ka ngang tumalon." Sabi sa kaniya ni Colet at lumapit kay Jhoanna. "Halika, maligo tayo."

"Mabato ba?" Tanong ni Jhoanna habang si Colet ay kinuha ang camera niya.

"Medyo pero akong bahala sa'yo." Sabi ni Colet at hinila si Jhoanna.

"Ate Colet!" Sigaw ni Sheena dahilan para mapatingin sa kaniya si Colet. "Akyat kayo ni Jho rito."

"Inuutusan mo ako?" Tanong sa kaniya ni Colet.

"Hindi, sige dyan nalang pala kayo." Sabi ni Sheena.

"Tinakot mo nanaman siguro si Shee." Sabi ni Jhoanna.

"Nagtanong lang kaya ako." Sabi ni Colet.

"Based on her response, halatang tinakot mo." Sabi ni Jhoanna.

"Ako mananakot? Mabait kaya ako." Sabi ni Colet at kinuhanan ng larawan si Jhoanna.

"Mabait? Minsan lang." Singit ni Sheena.

"Anak ng, lumayo ka nga." Sabi sa kaniya ni Colet.

"Gagalit ka naman agad." Sabi ni Sheena at agad na lumayo.

"Napindot nanaman ba si Anger?" Tumingin naman si Colet kay Jhoanna.

"Jho naman."

"Kahit hindi kita nakikita, I know na nakabusangot ka nanaman dyan."

"Bahala ka nga dyan." Aalis na sana si Colet nang magsalita si Jhoanna.

"Iiwan mo talaga ako Vergara?" Tanong sa kaniya ni Jhoanna.

"Sabi ko nga."

"Hindi pa kayo pero ang UNDERstanding mo ate Colet." Sabi ni Sheena.

"Isa pa Shee, mababato na kita." Sabi ni Colet.

"Hayaan mo na." Sabi ni Jhoanna.

"Ang sweet nila oh, sana tayo rin bebe." Sabi ni Sheena habang nakatingin kina Colet.

"Pabebe nga sa bebe mo Shee." Sabi sa kaniya ni Stacey.

"Kung ako sa'yo ate Maloi, si Staku nalang pipiliin ko." Sabi ni Sheena at nagkatingin naman ang dalawa na parang nandidiri sa isa't isa habang si Aiah naman ay tumawa.

"Magpinsan sila Shee." Sabi ni Aiah.

"Bakit hindi niyo sinabi?" Tanong ni Sheena.

"Nagtanong ka ba? Diba hindi?" Tanong ni Stacey.

"Girls after dito, we will tour you around the farm." Sabi ni Colet.

"Diba ngayon maghaharvest?" Tanong ni Mikha.

"Oo pero I forgot to inform my cousins na sila ang maghaharvest." Sabi ni Colet.

"Nice, tayo ang maghaharvest." Sabi ni Mikha.

"And starting today, kayo na rin ang maghaharvest since kayo na ang magmamanage ng farm." Sabi ni Colet.

"Nasaan pala si Gwen?" Tanong ni Maloi.

"Sa gilid, may kausap." Sagot ni Sheena.

"Uhm girls tumawag si boss and need na natin bumalik next week." Sabi ni Gwen.

"Wait, I thought it will take months for our vacation." Sabi ni Mikha at lumingon kay Colet na abala na sa pagbabasa kay Jhoanna.

"Hayaan niyo muna mag enjoy silang dalawa. Sabihin niyo nalang mamayang gabi." Sabi ni Aiah.

"Maligo na rin kaya kayo." Sabi ni Sheena at hinila na si Gwen sa tubig.

"Tara" Aya ni Mikha sa kanila.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon