Chapter 21

187 7 2
                                    


Third Person POV

The next day, maagang nagising sila Sheena para maayos ang kwarto ni Colet sa hospital para sa birthday ni Jhoanna habang si Colet naman ay nawala na ang nakalagay sa paa because of her broken leg na nakuha niya sa aksidente.

"Sigurado kang kaya mo na maglakad?" Tanong sa kaniya ng mama niya at tumango naman si Colet.

"Pupunta na raw sila Mikhs." Sabi ni Sheena at tumayo naman si Colet kaya agad niya itong inalalayan.

"Lalabas muna ako saglit." Sabi ni Colet.

"Mamaya na, pupunta na sila Mikhs." Pigil sa kaniya ni Sheena.

"Pupunta pa lang naman, sandali lang ako." Bago pa magsalita si Sheena ay lumabas na si Colet kaya pinagpatuloy nalang nila ang pagdedecorate.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila Mikha habang si Colet ay hindi pa nakakabalik.

"Dito na ba nagtatrabaho si Colet?" Tanong ni Jhoanna.

"Mikha good thing you're here. Colet is awake." Sabi ng doctor ni Colet kay Mikha bago umalis.

"Anong sinasabi niya Mikhs?" Tanong ni Jhoanna.

"Naaksidente si ate Colet no'ng araw na nakakita ka na. That's the reason bakit wala siyang paramdam sa'yo." Nagsimula naman na siyang maglakad kaya sinundan na nila si Mikha. "If you're gonna ask bakit hindi namin sinabi sa'yo, well ayaw ni Colet kasi ayaw niya na mag-alala ka kaya gumawa kami ng mga rason para pagtakpan ang nangyari sa kaniya."

"So all this time na sinasabi mong tulog or busy siya is nandito siya?" Tanong ni Jhoanna at tumango naman si Mikha.

"For now let's enjoy you're day and be happy kasi gising na si ate Colet." Sabi ni Mikha at ngumiti bago niya binuksan ang pintuan sa kwarto ni Colet.

"Happy birthday Jho." Sabay sabay nilang sabi dahilan para mapangiti si Jhoanna.

"Thank you pero nasaan si Colet?" Tanong ni Jhoanna kaya tumingin si Mikha sa higaan ni Colet pero hindi niya ito nakita.

"Sorry natagalan." Napalingon naman si Jhoanna nang marinig niya ang boses ng nagsalita.

"Colet." Sambit ni Jhoanna habang si Colet ay natulala. 

"Ate Colet." Tawag sa kaniya ni Mikha pero tulala pa rin ito.

"Nagshut down ata system ni ate Colet." Bulong ni Sheena kay Gwen.

Hindi na napigilan ni Jhoanna na yakapin si Colet na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa nakita niya.

"Snap out of it ate Colet." Sabi sa kaniya ni Mikha dahilan para matauhan si Colet.

"Nakakakita kana." Sabi ni Colet at humiwalay ng yakap si Jhoanna.

"Dahil sa tulong mo. I miss you Colet." Sabi ni Jhoanna at niyakap siya ni Colet.

"Masaya ako na nandito ka Jho, pasensya na kung hindi kita nabalikan sa lugar na napag-usapan natin."

"Labas na muna kaya tayo?" Bulong ni Sheena habang nakatingin sa dalawa.

"Alam ko namang babalik ka pero gusto na kasi talaga kitang makita."

"Ehem nandito pa kami." Napahiwalay naman si Jhoanna sa yakapan nila at tumingin sa mga kasama nila. "Paalala lang label muna."

"Ligaw muna." Sabi ni Colet at umupo sa higaan niya.

"Ilang months ka na kayang nanliligaw, natigil lang kasi naaksidente ka." Sabi ni Stacey.

"Sasagutin ka na nga dapat niya no'ng pasko kaso wala ka." Sabi naman ni Aiah dahilan para mapatingin si Colet kay Jhoanna na ngayon ay namumula na.

"Ate Aiah naman."

"Totoo naman Jho." Sabi ni Maloi at ngumiti.

"Nako tigilan niyo nga muna 'yan. Kumain na
tayo." Sabi ng mama ni Colet.

Lumapit naman si Mr. Vergara kay Colet. "Anong balak mo pagkalabas mo?"

"Kailangan ko na pong bumalik sa Pilipinas. Baka kung ano nanaman ang iutos ni lolo." Sagot ni Colet.

"Wala na siyang papakialaman sa desisyon mo. Kinausap ko na si dad at si mom na ang bahala kapag may balak pa siyang makialam."

"Okay na ba kayo ni mama?"

"Naayos na namin at may balak akong pakasalan siya ulit. Tulungan mo ako ha."

"Tulungan mo muna ako na tanungin si Jho na maging kasintahan ko."

"Hindi na 'yan magiging problema. Baka nga mamaya kayo na." Sabi ni Mr. Vergara nang makita niya si Jhoanna na papalapit sa kanila.

"Colet subuan kita." Sabi ni Jhoanna habang hawak hawak ang platito na may cake.

"Maiwan ko muna kayo." Sabi ni Mr. Vergara at pinuntahan ang asawa niya.

"Kailan pala matatanggal 'yang nasa braso
mo?" Tanong ni Jhoanna kay Colet bago niya ito subuan.

"Malapit na since sabi ng doctor ay nagheal naman na." Sagot ni Colet.

"I almost forgot na doctor ka nga pala."

"Hindi lang doctor."

"I know, my girlfriend is also a CEO and a former idol na inidolo ko."

"Tama I'm a CE- wait what? Anong sinabi mo?" Tanong ni Colet sa kaniya when she realized what Jhoanna just said.

"Na CEO ka at former idol na inidolo ko?" Tanong ni Jhoanna.

"Hindi, bago 'yan." Sabi ni Colet.

"Hindi ka lang doctor?" Hindi siguradong tanong ni Jhoanna.

"Hindi, pagkatapos niyan."

"Wala naman akong sinabi."

"Meron at gusto ko ulit marinig 'yon." Tumingin naman ang kasama nila sa kanilang dalawa.

"May nangyayari na mga kaibigan." Sabi ni Sheena.

"Ang alin?" Tanong ni Jhoanna sa kaniya.

"Ang sinabi mo sa akin, sabihin mo uli- 'wag na nga lang."

"Mukhang hindi na natuwa si Colet." Sabi ni Maloi.

"Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya lumabas na muna tayo." Sabi ni Aiah na sinang-ayunan naman nila.

"Ito naman hindi mabiro." Umupo si Jhoanna sa may harapan ni Colet na ngayon ay salubong na ang kilay.

"Huwag na."

"Sasabihin ko na nga, ayaw mo pa."

"Talaga, kuma-"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Colet nang halikan siya ni Jhoanna. "Pag-aari mo na ako."

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon