Epilogue

269 10 0
                                    

Third Person POV

Ilang buwan na ang lumipas simula no'ng sinagot ni Jhoanna si Colet. Nakabalik na sila sa Pilipinas at sila Jhoanna naman ay bumalik muna sa Batangas.

"Bukas agad dad?" Tanong ni Colet.

"Oo kaya maghanda ka na ng mga gagamitin mo."

"Isasama ko sila Jhoanna." Sabi ni Colet at ibinaba ang tawag.

"Ma'am may meeting po kayo later." Sabi ng sekretarya niya bago umalis.

Tinawagan naman agad ni Colet si Mikha na paniguradong nasa Batangas kasama sila Aiah. "Ate Colet bakit?"

"Sabihan mo sila na maghanda ng mga damit nila at bukas pupunta tayo sa France. Also tell Jhoanna that I love her."

"She already knows that ate Colet at bakit tayo pupunta sa France?" Tanong ni Mikha.

"Ininvite tayo ni papa na pumunta roon." Sagot ni Colet.

"Alam na ba nila Shee?"

"Tatawagan ko palang."

"Sige sasabihin ko na sa kanila."

Binaba na ni Mikha ang tawag kaya tinawagan na ni Colet si Sheena para sabihan siya.

"Ma'am dumating na po ang kameeting niyo." Sabi ng sekretarya ni Colet sa pumunta na sila sa meeting room.

"Miss Vergara." Ngumiti naman si Colet at umupo.

Nagsimula naman na magpresent ang empleyado ni Colet at sa hindi inaasahan ay tumawag si Jhoanna na sinagot naman ni Colet.

"Just continue." Sabi ni Colet at tumingin sa cellphone niya signing Jhoanna na nasa meeting siya.

"Patayin ko na lang kaya?" Tanong ni Jhoanna kay Mikha.

"Huwag na, basta 'wag ka nalang mag-iingay." Sagot ni Mikha.

Pagkatapos ng meeting ay bumalik na si Colet sa opisina niya para kausapin si Jhoanna.

"Nakahanda ka na ba ng mga damit mo?" Tanong ni Colet.

"Hindi pa, naglalaba pa nga lang sila Staku." Sagot ni Jhoanna.

"Ha? Pupunta na ako mamaya dyan after lunch." Sabi ni Colet.

"Luh kasasampay pa lang namin." Sabi ni Stacey.

"Mamayang gabi pa naman tayo aalis."

"May plane tickets ka aga?" Tanong ni Jhoanna at umiling naman si Colet.

"Private plane hon." Sagot ni Colet at tumayo. "Prepare ka na ng gamit mo, I'll be there after lunch."

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jhoanna.

"Kila Shee, susunduin ko na sila and hintayin niyo nalang ang mga pinsan ko dyan. Sila muna ang bahala sa farm habang wala kayo." Sagot ni Colet at lumabas sa opisina niya.

"Magtatagal ba tayo?" Tanong ni Jhoanna.

"Hi ma'am Jho." Bati ng sekretarya ni Colet sa kaniya at nginitian siya ni Jhoanna.

"I'll be leaving at kapag may problema tawagan niyo lang ako." Bilin ni Colet sa sekretarya niya bago umalis. "Tatawag na lang ako mamaya, magdadrive pa ako Tintin."

"Iba-iba talaga ang tinatawag mo sa akin." Sabi ni Jhoanna at ngumiti naman si Colet.

"Bye na, I love you."

"I love you too, drive safe."

Pagkababa ni Colet ng tawag ay nagmaneho na siya papunta sa bahay niya para mag impake bago niya pinuntahan sila Sheena.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon