Chapter 17

151 8 0
                                    

Two weeks passed, because of connections nakaschedule na agad si Jhoanna for cornea transplant. Gumawa na rin ng paraan si Colet para hindi na muli pang mabulag si Jhoanna at sinigurado naman na iyon ng doctor kay Colet.

Natawagan naman na ni Colet sila Mikha kung kailan ooperahan si Jhoanna. Unfortunately, same day ng pag opera kay Jhoanna ang business event na dadaluhan ni Colet.

Pagkadating nila ay tinawagan naman agad ni Mikha si Colet.

"Mag ingat kayo, pupunta ako after ng event." Sabi ni Colet.

"Hindi mo man lang siya kakausapin?" Tanong ni Mikha.

"Kapag nandyan nalang ako. Tawagan mo nalang si mama kasi kailangan ko na rin mag ayos." Sabi ni Colet.

"Anyways, bakit cornea?" Tanong ni Colet.

"Well sa pagdonate ng mata involves donating their corneas hindi iris or mismong mata." Sagot ni Colet.

"We will just see you later dito sa hospital." Sabi ni Mikha.

"You'll see me there, sige na." Sabi ni Colet at pinatay ang tawag.

"Kinakabahan ako." Sabi ni Aiah.

"Kaya 'yan ni Jho." Sabi ni Mikha sa kaniya.

"Tawagan ko lang si tita, puntahan mo na sila Gwen doon." Sabi ni Mikha kaya pinuntahan na ni Aiah sila Gwen.

Pagkatapos makausap ni Mikha ang mama ni Colet ay dumating na ang sundo nila papunta sa bahay nila Colet.

"Nakaalis na po si Colet?" Tanong ni Gwen.

"Sa hotel na siya nag stay." Sagot ng mama ni Colet at nilapitan si Jhoanna. "Huwag mong iiwan ang anak ko ha."

"Tita nililigawan pa lang, mamaya hindi niya na sagutin si ate Colet." Sabi ni Sheena.

"Tara na." Sabi ni Gwen.

Nang makadating naman na sila ay nakarating na rin si Colet sa event and unexpected na nakita niya ang papa niya.

"Anak nandito ka rin pala." Sabi ng papa niya at ngumiti.

"I miss you pa." Sabi ni Colet at niyakap ang papa niya.

"Dad kausapin ko lang muna sa labas ang anak ko." Sabi ng papa niya at lumabas sila "Kumusta ka na? Ang mama mo kumusta na?"

"Okay naman po." Sagot ni Colet.

"Pagpasensyahan mo na si papa sa mga ginawa niya." Sabi niya ka Colet at pinunasan ang mga luha ni Colet.

"Kadarating ko lang pa, pinapaiyak niyo naman ako kaagad." Sabi ni Colet.

"Can't help it lalo na ngayon nalang ulit kita nakita. Huwag kang mag-alala, aayusin ko ang pamilya natin."

"Bakit pinatagal niyo pa?"

"Hindi iyon madali anak. Ayaw ng mama mo dahil sa naging ugali at trato ko sainyo."

"Pasok na tayo pa."

Pumasok naman ang dalawa at nakatanggap si Colet ng message mula kay Mikha na nag-umpisa na ang pag opera kay Jhoanna dahilan para mapangiti siya.

"This is Ma. Nicolette Vergara, an idol, doctor and she owns a lot of business in the Philippines." Pagpapakilala sa kaniya ng papa niya.

"We know her."

"Let's have a drink." Pag-aaya sa kanila.

"May susundo ba sa'yo?" Tanong ng papa niya sa kaniya.

"Wala po." Sagot ni Colet.

"Huwag ka masyadong uminom." Tumango naman si Colet.

Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan ni Colet umalis na para puntahan si Jhoanna.

Whispers of StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon