Chapter 2: Lucia.

539 27 6
                                    

Chapter 2: Lucia.
Written by BlackRavenInk16

ANG SABI ni Lucien, itatapon na agad niya ang baby ni Samantha kinabukasan matapos niya itong kunin pero hindi nangyari iyon.

Iyon ay dahil nahihirapan si Rigor na hanapin ang mga kamag-anak nito na tila tumakas nang malaman ng mga ito na walang mapag-iiwanan ang baby ni Samantha. Natural lang na ang mga kamag-anak ng baby ang unang hahanapin ng dswd sa mga ganoong klaseng sitwasyon. Kapag hindi nakita, dadalhin na lang sa orphanage ang baby.

Kung tutuusin, papasa rin siyang uncle ng baby. Iyon ay dahil step brother niya ang daddy nito kaya kahit hindi sila magkadugo nito, sa batas ay parang lumalabas na magkamag-anak na rin sila. But no one even knows that his step brother is her father kaya pwede niyang itanggi ang custody dito.

But for some reason, parang bigla siyang tinutubuan nang hindi maipaliwanag na attachment sa baby. Hindi niya pinlano at hindi niya ginusto pero bigla na lang siyang nagising isang araw na naeexcite na siyang palagi na panoorin ito.

Kahit may mga katulong siyang nag-aalaga sa baby ay tinatabi pa rin niya ito sa pagtulog. Madalas na rin siyang umuwi sa bahay mula sa trabaho ng maaga kahit pa halos hindi naman siya umuuwi noon sa mansyon niya para lang mag-alaga ng baby.

He is even changing her diaper and putting her to sleep personally. Dahil ba wala siyang nakababatang kapatid? Kaya excited siya sa baby?

Nababaliw na nga yata talaga siya. Bakit siya natutuwang alagaan ang baby ni John? Ang lalaking kinamumuhian niya?

"Da. Dyy. Daddy..." masayang bigkas ng baby na ngayon ay nasa crib nito habang pilit na inaabot ang mukha niya.

"She thinks you are her father now, Lord Lucien. Isang taon na simula nang kunin natin siya sa ospital pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang pangalan at birth certificate--"

"Sino ba ang may kasalanan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ang mga kamag-anak ng baby na ito? You're not doing your job right," sabi niya.

"Mahirap hong hanapin ang mga kamag-anak niya. Parang nagtatago talaga. Hindi kaya sign na ito na dapat ikaw na lang ang mag-adopt sa kanya?" sabi ni Rigor.

Natigilan siya. Saka maya-maya ay tumawa.

"Me? Mag-aadopt ng baby and of all people, sa anak pa ng lalaking kinamumuhian ko? Baliw ka ba, Rigor? I'm only 17! Ni hindi nga ako marunong mag-alaga ng mga babae, baby pa kaya?"

"Ang akala n'yo lang ho ay hindi, Lord Lucien but you're already doing it. Ayaw n'yo mang aminin pero alam ko, napamahal na rin sa inyo ang bata. Hindi ka naman mag-aaksaya ng panahon sa kanya kung hindi. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi n'yo kami minamadali sa paghahanap sa mga kamag-anak niya dahil ayaw n'yo ring mapalayo sa kanya--"

"Don't talk as if you know me, Rigor! I'm not ready to be a father yet at mas lalong hindi kung para sa anak ng lalaking iyon!" pagsigaw niya.

Natigilan silang parehas nang biglang tumunog ang cellphone nito kaya natigil ang pagtatalo nila.

Tumatango-tango ito sa kausap nito sa cellphone at matapos niyon ay humarap sa kanya.

"Good news for you, Lord Lucien. Nakita na nila ang mga kamag-anak ng baby at pagkatapos nilang mangako na magbibigay kayo ng sustento at malaking bahay ay pumayag din sila sa kundisyon na palakihin ang bata," nakangiting sabi ni Rigor.

For some reason, parang huminto ang mundo niya. Parang may tumarak na punyal sa dibdib niya na biglang nagdulot ng matinding sakit sa kanya. Pakiramdam niya ay maiiyak siya.

Pero bakit?

Hindi ba at iyon ang gusto niya? Iyong makuha na ang baby para wala na siyang alagain?

Sa isang iglap, bigla na lang umiyak ang baby sa crib. Para bang kahit ito ay nakakaramdam na malapit na silang maghiwalay.

Agad niyang nilapitan ang bata saka kinarga ito at pinaghele.

"Don't cry, baby. Your uncle is here..." malumanay na sabi niya.

Napailing na lang si Rigor.

"Are you sure that you really want to let go of her, Lord Lucien? Sobrang obvious na po how much you love her. Ngayon ko lang ho kayo nakitang ganyan kung mag-alaga. Baka pagsisihan n'yo po--"

"And what do you want me to do, shout at her when she's still a baby? E, 'di lalo lang umiyak ito."

"Pero--"

"I do not care about this baby. Ginagawa ko lang ito para hindi na siya umiyak kaya ituloy mo na ang plano," sabi niya. Pakiramdam niya kahit ang sarili niya ay dinadaya na niya.

"Kayo ho ang bahala. Pero sana lang ay hindi ninyo pagsisihan." Iyon lang at lumabas na si Rigor sa loob ng nursery room.

---

DUMATING din ang araw na ibibigay na nila ang baby sa mga kamag-anak nito pero ni hindi man lang siya lumabas ng sasakyan. Mahirap na, baka magbago lang ang isip niya kapag nakita kung ano'ng mga klaseng tao ang magpapalaki rito.

Nasa lap lang niya ang baby na iyak na iyak na tila nakakaramdam ito na ipamimigay na niya ito.

"Make sure na aalagaan nila ang baby na ito ng maayos at masagana, Rigor. Siguraduhin mo na hindi ka papalya sa pagbibigay ng pera at lahat ng pangangailangan niya..." sabi niya habang nakatitig sa umiiyak na baby.

"I will ask you again, Lord Lucien. Are you really sure about this?" Muling tanong ni Rigor. Nakatayo ito sa harap ng sasakyan niyang nakabukas habang hawak pa rin niya ang baby.

"Kahit kailan, walang nagmahal sa akin, Rigor kaya paano ako makakapagbigay ng pagmamahal sa iba? Tell me, Rigor."

Natigilan ito.

"I don't deserve to be a father or uncle of this child. I'm a mafia. Mas lalo lang magugulo ang buhay niya kung ako ang mag-aampon sa kanya. She deserve an ordinary life at hindi niya iyon makukuha kung nasa akin siya," malungkot na sabi niya.

"So it turns out that you're really not that cold hearted, Lord Lucien. You're just hiding it but you really care about her right?"

"Yeah. I admit it. Just like her mother, she also have soft spot in my heart. But it doesn't matter now dahil kakalimutan ko na rin naman siya and we will go our seperate lives. Just take her, Rigor. Bago pa magbago ang isip ko," sabi niya.

Mas lalong lumakas ang iyak ng baby nang kunin ito ni Rigor. At siya, pinipigilan niya lang ang sarili na kunin ito pabalik pero alam niyang kailangan niya itong gawin.

"Rigor..." pagtawag niya sa butler nang tatalikod na sana ito para kunin ang baby.

"Tell them that I want her name to be Lucia. A female version of my name," sabi niya. Kahit man lang sa huling sandali ay mabigyan niya ang baby ng pangalan na ni hindi pa niya napapabinyagan.

"I will make sure na iyon ang magiging pangalan niya, Lord Lucien," sabi nito.

Iyon lang at tumalikod na ito sa kanya at sa sasakyan, hindi na niya napigilan ang mag-iiyak.

Yeah, he's always acting cold and nonchalant in front of other people but deep inside, he also know how to love. At alam niya na iyon din ang nararamdaman niya para sa anak ni Samantha. Na minahal na rin niya ito na parang kanya.

Sa loob ng isang taon na inalagaan niya ang baby na iyon, totoong napamahal na nga talaga siya rito nang hindi niya namamalayan. Sayang lang at hindi na siya magkakaroon ng pagkakataon na tawagin ito sa pangalan na ibinigay niya rito.

Sana lang ay talagang mahalin at alagaan ito ng mga kamag-anak nito katulad ng ginawa niya. Dahil kapag hindi ay talagang dadalhin niya sa impyerno ang mga ito.

- To Be Continued...

My Mother's Replacement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon