Chapter 21: Lucia's New Life As a Princess.
Written by BlackRavenInk16"COME on, Lucia, ito ang magiging kwarto mo. Nagustuhan mo ba? Kung hindi mo gusto ang design ng kwarto, let me know, ipapabago ko. Kung gusto mo ng ibang design ng wallpaper, sabihin mo lang--"
"DON'T worry about me, ayos na po sa akin ito, uncle. Hindi na po kailangang ipabago, maganda po. Pero parang masyado pong malaki, parang ang hirap pong linisan--"
"LOVE, you have maids, you don't need to worry about cleaning. I want you to be comfortable here, Lucia. Kapag may kailangan ka, hindi mo kailangang gumalaw, just let them know." Nilingon niya ang tatlong katulong na nasa likuran niya. "Kayo na ang bahala sa lahat ng kailangan ni Lucia, mananagot kayo sa akin kapag nakita ko siyang naglinis dito," babala niya.
"I will take care of her, Lord Lucien! We will do everything she says," sabi ng head maid.
"NARINIG mo ang sinabi nila, Lucia. Kaya huwag ka nang kikilos dito," sabi niya.
"KASO Uncle, ang totoo kasi niyan, wala po akong mga damit--"
"Psst. Marami akong binili para sa 'yo. Maids, dalhin n'yo nga si Lucia sa kwarto kung nasaan ang mga damit niya. Ayusan n'yo na rin siya, we will have dinner later," sabi niya.
"HAH? Uncle, kaya ko na po ang sarili ko. Hindi ko na po kailangan ng mag-aayos sa akin--"
"No. You're here to be a princess and a princess always have someone who is taking care of them. All you need to do is to study and nothing else, okay?"
"Pero--"
"No more buts, baby. Maids, do your job and make her pretty. Paliguan n'yo muna ang prinsesa ko," utos niya sa tatlo.
"Yes sir!" sabi naman ng tatlo.
Iyon lang at nawala na sa paningin nila si Lucia at ang mga maids nito.
"Ang akala ko po, Lord Lucien ay gusto na ninyong angkinin si Lucia? Bakit po nagpakilala kayong uncle niya?" nagtatakang tanong ni Rigor nang mapag-isa sila.
"She's refusing my help, I have no choice kung hindi maging uncle niya na lang muna for now para mapapayag siyang sumama sa akin. Do you really think na sasama siya sa isang estranghero? But not if I'm her uncle. Mahahawakan ko pa siya sa leeg and I can even forbid her for having a boyfriend. I can control her if I'm her uncle," paliwanag niya.
"But if you're her uncle, hindi mo magagawa ang gusto mo sa kanya, Lord Lucien."
"I know. But I need a reason to stay by her side. Besides, she's still in emotional pain, nangangarap pa siya ng pamilya. If that's what she needs, iyon muna ang ibibigay ko sa kanya. I can wait no matter how long it takes," seryosong sabi niya.
"I can't believe na kaya n'yo hong magparaya para sa kapakanan niya. Mukhang malapit na ho akong maniwala na talagang mahal n'yo nga siya," sabi ni Rigor.
"You're crazy for even thinking that I'm not serious with her, Rigor. I waited for her for so many years and now that she needs emotional support, kung kinakailangang maging uncle muna niya ako, gagawin ko. But of course, I still won't let my guard down. Babakuran ko siya habang nagpapakauncle ako sa kanya and when the times comes na handa na siyang magmahal, I will make her my bride," dugtong niya.
Bumuntong-hininga na lang si Rigor. Dahil kahit nagpapakabait ngayon si Lord Lucien, at the end of the day, ilalabas din nito ang pagiging wolf sa harap ni Lucia.
Pero mas okay na rin na dinadahan-dahan nito si Lucia. Sa personality ni Lucien, malaking himala na naghintay ito ng matagal para kay Lucia.
---
BINABASA MO ANG
My Mother's Replacement
RomansaA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?