Chapter 15: The Truth

336 24 6
                                    

My Mother's Replacement
Chapter 15: The Truth
Written by BlackRavenInk16

"KANINO po ang dress na ito, Kuya Jason?" tanong niya nang makita ang magandang violet dress na dala ng mga security guards kanina. Nasa ibabaw na iyon ng kama.

"Isn't it obvious? Para sa 'yo 'yan. Kaya nga kita pinapunta rito para kunin 'yan. Binili ko 'yan gamit ang sahod ko sa trabaho. I want you to wear it in Annika's birthday," sabi ni Jason sa likuran niya.

"Pero bakit po? Ang sabi po ni Tita, tutulong pa rin po ako sa mga staff sa pag-aasikaso ng mga bisita--"

"It's also your birthday at ang panahon na pinakahihintay ko. You're no longer a min*r sa araw na iyon. We should celebrate it. Pwede ka na sa akin," nakangising sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Ano po ang ibig n'yong sabihin?"

Sa gulat niya, bigla na lang nitong hinaplos ang mukha niya at pagkatapos ay naglanding ang kamay nito sa labi niya.

"You're so innocent, Lucia but that's more I like it. I will teach you everything --"

Nanlaki ang mga mata niya nang biglang parang unti-unti nang lumalapit ang labi nito sa labi niya. Ano ang ginagawa ni Kuya Jason?!

"Jason!"

Bigla siyang naitulak ni Jason nang biglang pumasok sa loob ng pinto ng kwarto nito ang daddy nito.

"Lucia, bumaba ka muna at ipagpatuloy ang paglilinis mo sa sala, kakausapin ko lang si Jason," sabi ng Tito Roi niya na masama ang tingin kay Jason na hindi naman makatingin ng diretso sa ama nito.

"Sige po, Tito," sabi niya.

Parang may hindi magandang hangin sa pagitan ng mag-ama at ayaw niyang maipit sa gitna. Agad na siyang lumabas ng kwarto.

---

ROI'S POV...

"What is the meaning of that Jason? I saw you! You're trying to kiss your own cousin! Nababaliw ka na ba?!" galit na sabi niya sa anak.

"So what?! Hindi naman talaga kami magpinsan, hindi ba?"

Natameme siya. Alam ni Jason ang totoo?!

"Narinig ko kayo ni Mama na nag-uusap. Her mother is not your real sister. Inampon lang siya ng mga magulang mo and you even fell in love with her! Kaya naman galit na galit si Mama sa kanya because she is just a reminder of your first love na kung tutuusin, kapatid mo rin naman sa batas. You're not different from me, dad. Parehas lang tayong nalulong sa mga taong ang tingin ng lahat ay mga kamag-anak natin kahit ang totoo ay hindi naman talaga," sabi niya.

"No, hindi tayo magkaparehas dahil ako, napigilan ko ang feelings ko para kay Samantha. Hindi katulad mo, Jason! You're even trying to kiss her, dito mismo sa bahay natin!"

"Pero naging masaya ka ba?"

Natigilan siya sa sinabi ni Jason.

"Pinakasalan mo si Mama for the sake of forgetting about your first love pero kahit kailan, hindi mo natutunang mahalin si Mama. Iyon ang dahilan kung bakit iniiwasan mong mapalapit kay Lucia. Kaya hinahayaan mo lang kaming lahat na bullyhin siya. Dahil sa tuwing nakikita mo si Lucia ay nakikita mo lang ang mommy niya, hindi ba? At naiinis ka sa fact that Lucia is not your daughter kung hindi anak niya sa lalaking hindi mo alam kung sino--"

"Shut up, Jason!" Nasampal na niya ang anak.

Natahimik ito. Gulat na gulat na sa unang pagkakataon ay napagbuhatan niya ito ng kamay.

"Hindi mo pwedeng asawahin ang babaeng inaakala ng lahat na pinsan mo! Mahiya ka naman sa sasabihin ng ibang tao! Siguradong magagalit ang mama mo kapag nalaman ang tungkol diyan!" galit na sabi niya.

My Mother's Replacement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon