Chapter 1: Samantha's Baby
Written by BlackRavenInk16"WHERE IS SHE, Rigor?" Kinakabahang tanong sa kanya ni Lucien nang lumapit siya sa amo na nasa kotse nang lumabas siya sa ospital.
"I'm sorry, Lord Lucien pero wala na siya. Inasikaso lang siya ng ospital nang mabayaran natin ang hospital bill niya. But it's too late dahil nakapanganak na siya sa kalsada and she lost a lot of blood kaya siya namatay. Dinala na sa funeraria ang--"
"Burn that d*mn hospital now!" nanlulumong sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya.
"What? But there's so many patients inside at--"
"I don't care! If you want to save the people inside then give them a warning or pretend that you're helping them to go out but I want you to make sure na magiging abo ang ospital na iyon! They k*lled Samantha! They killed her!" pagsigaw na nito.
Kitang-kita sa mukha nito ang matinding galit at pighati dahil sa nalaman. Kung tutuusin ay parang nagtitimpi pa nga ito ng galit sa lagay na iyon. Samantha is his first love. Babaeng hindi nito nakuha at namat*y na lang bigla kaya hindi nakapagtataka na ganoon ang reaksyon nito.
Talaga nga yatang hindi siya masasanay sa temper ng amo. Kahit na magkasing edad lang sila nito ay malaki ang takot niya rito.
Lucien Pierce ang pangalan ng master niya. Isang banyaga na half filipino / half chinese ang ina at half american at half italyano naman ang ama. Sa kabila ng edad na 16 years old ay marami na agad ang nanginginig sa takot, marinig pa lang ang pangalan nito.
He was born with a golden spoon pero nagrebelde kaya ginamit ang pera na minana nito sa mga magulang nito para makapagpatayo ng sariling mafia. Because of that, he became 10 times richer than his own parents. Now he's already independent and a billionaire kahit na minor pa lang ito.
Pero hindi dahil bata pa ito ay hindi na ito dapat seryosohin. Dahil sa kabila ng gwapo at maamong mukha na taglay na ito ay isang lunatic na ginagawa lang hobby ang pagp*tay ng mga masasamang tao. He k*lls without any remorse at brut*l din ang uri ng pagp*tay nito na tila wala itong pakialam kahit pa mak*long ito at masayang ang kabataan sa loob ng kulungan. For him, he won't lose anything because he doesn't have anyone.
Iyon ay dahil ang sarili nitong mga magulang ay mas pinili pang mag-ampon para maging tagapagmana ng pamilya nito kaysa rito na tunay na anak. They disown him already. At ang malala, ang lalaking inampon ng mga magulang nito pa ang taong minahal din ng nag-iisang babaeng minahal nito. Si Samantha...
Kaya alam niya na matindi ang galit nito para sa lalaking iyon pero sa kabila ng pagiging mafia nito, nirerespeto pa rin nito ang mga magulang at hindi kinikitil ang buhay ni John, ang step brother nito. Even after Samantha chooses him over Lucien.
Kahit ayaw niyang gawin ang inuutos
ni Lucien ay wala siyang magawa kung hindi ang sundin ito. Palihim nga nilang sinunog ang ospital kung saan namat*y si Samantha. Mabuti na lamang at agad na nakalabas ang mga tao sa loob kaya walang nam*tay dahil doon pero marami ang nataranta, natakot at nastress nang dahil sa nangyari. May mga ilan ding nasaktan at nilipat sa ibang ospital.
Sa mga nagtatrabaho roon at sa may-ari ng Ospital galit si Lucien pero maraming nadamay nang dahil dito. Ni hindi man lang ito nakukunsensya habang pinapanood ang ospital na nasusunog na ngayon sa harapan nila.
"I'm not yet satisfied with this. I want the owner of this hospital to suffer more for what they did to Samantha. Make sure na hindi na siya makakaahon sa hirap after this! Kailangang mabunkrupt ang iba pang negosyo na pagma-may-ari niya!" dagdag na utos ni Lucien.
![](https://img.wattpad.com/cover/368016704-288-k368512.jpg)
BINABASA MO ANG
My Mother's Replacement
Storie d'amoreA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?