Chapter 19: Jason's Evil Plan

407 32 12
                                    

Chapter 19: Jason's Evil Plan

Written by BlackRavenInk16 

"KUYA JASON, hindi po ba parang ang layo na natin masyado sa mansyon? Saan mo ba kukunin iyong gift mo kay Annika?" nagtatakang tanong niya.

"We're already here. Let's go," sabi nito saka sila bumaba sa sasakyan.

Pumunta sila sa isang bahay na malapit lang sa kalsada pero napansin niya, walang tao sa mga kapitbahay at wala ring kagamit-gamit sa loob. Isang lamesa at sofa bed na magkatabi lang. Sa lamesa nakalagay ang box na ireregalo siguro nito kay Annika.

"What do you think of this house ha, Lucia? Maganda ba? Hindi ito kasing laki ng mansyon natin pero ayos naman, hindi ba? Nakuha ko ito sa pag-ibig, hindi pa nate-turn over sa mga tao ang mga units sa subdivision na ito kaya wala pang nakatira rito. Pero nakapasok tayo dahil kaibigan ko ang security guard," sabi nito.

Ngumiti naman siya rito. "Masaya po ako para sa 'yo, Kuya Jason. Ang galing at nakakuha ka na po pala ng sariling bahay. Maganda naman po dito, kahit hindi masyadong malaki, malinis naman po at maaliwalas," sabi niya. Ganitong klase lang ng bahay ang gusto niya para madaling linisin. Hindi masyadong malaki katulad ng mansyon na tinitirhan nila.

"Mabuti naman at nagustuhan mo dahil dito na tayo titira," pabulong na sabi nito.

"Po?" tanong niya nang hindi masyadong marinig ang sinabi nito.

Sa gulat niya, lumapit ito sa kanya at bigla na lang nitong hinaplos ang mukha niya.

"Happy birthday, Lucia. I'm sorry kung hindi mo man nasuot ang damit na ibinigay ko sa 'yo para sa birthday mo at kung hindi kita maipagtanggol sa pamilya ko..." sabi nito na nangungusap ang mga mata. Kahit kasi binigyan siya nito ng damit ay hindi rin niya naisuot sa party dahil hindi pumayag ang tita niya. Sino ba naman daw ang magdedress na nagseserve ng mga bisita?

Medyo naiilang siya pero hindi siya lumayo. Minsan lang maging mabait sa kanya si Jason kaya kahit papaano ay natutuwa siya . 

"Ayos lang po, Kuya Jason. Naiintindihan ko po dahil pamilya mo sila. Hindi naman maganda kung mag-aaway-away kayo nang dahil lang sa akin," sabi niya na hindi makatingin ng diretso rito. Naiilang talaga siya. Kakaiba ang tingin nito ngayon. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin no'n.

"You still don't see us as your family until now right?" tanong nito.

Nag-angat siya ng ulo. "Palagi pong pamilya ang tingin ko sa inyo pero alam ko naman po na hindi kayo gano'n sa akin kaya hindi ko po pipilitin ang sarili ko," sabi niya rito.

Totoo naman ang sinabi niya. Kahit hindi siya pinapakitaan ng maganda ng mag-anak ay ang mga ito lang ang pamilya na nakilala niya.

Ang baba naman niya ang hinawakan nito at tumitig ito sa labi niya. Bakit ba parang ang weird nito ngayon?

"Poor little bird. Palagi na lang inaapi at kahit kailan, hindi nakaranas ng pagmamahal. But now that you're 18, we will fix that. We will make a new family, Lucia. Just you and me. Kaya itong bahay na ito? Kinuha ko ito para sa 'yo. Hindi pa man ito bayad ng buo but I will work really hard for you. Hindi na natin kailangan sina Mama, Papa at Annika na lahat ay kontra sa ating dalawa. I'm all you need, Lucia. No one else..."

Kumunot ang noo niya. Ano ang pinagsasasabi nito?

"Hindi ko po kayo maintindihan..." naguguluhang sabi niya.

"Tell me, Lucia. What do you think of me?"

"Ano pong ibig ninyong sabihin?"

"Do you find me handsome?" tanong nito.

My Mother's Replacement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon