Chapter 27: Fake Friends

652 25 14
                                    

Chapter 27: Fake Friends
Written by BlackRavenInk16

"IF you're truly her friend, hindi mo siya iiwasan nang dahil lang sa akin. You don't really deserve her."

Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Faye ang sinabing iyon ni Lucien and she hate to admit it but he really has a point. Dahil sa takot niya rito, nadamay niya si Lucia na wala namang kamalay-malay. She's a despicable friend.

Pumunta siya ng cr dahil gusto muna niyang mahimasmasan bago magpakita kay Lucia pero nasa pinto pa lang siya, dinig na niya na may mga kaklase siyang nagtitsismisan.

"Nakita mo ba iyong kanina? Grabe, talagang hinalikan ni Lord Lucien si Lucia sa harap ng maraming tao!" sabi ni Lala.

"Oo nga, grabe eskandalosa, napakalandi talaga ng babaeng iyon!" sabi ni Didi.

"Pero hindi ba at uncle niya iyon? Nakakadiri, inc*st!" sabi naman ni Mimi, ang bagong kaibigan ng mga ito na pinalit ng mga ito kay Annika.

"G*ga! They're not blood related! Step brother lang iyon ng totoong papa ni Lucia sabi ng parents ko!"

"Talaga? Kaya naman pala kung maglandian sila sa harap ng maraming tao, ganoon na lang kabilis. Pero hindi ba parang awkward pa rin niyon? Dahil siya na ang guardian ngayon ni Lucia?"

"Duh, kahit ako si Lucia, talo-talo na. Sino ba ang hindi magkakagusto sa lalaking iyon? Kahit malaki ang age gap natin sa kanya, perfect package pa rin siya. Hindi katulad ng mga kaedad natin na mga uhugin pa at pati pang date, hinihingi pa sa parents!"

"True! Ang swerte ni Lucia kung tutuusin! Kahit ako siguro siya, bubuka agad ako, e! Ang lakas ng dating, parang napakapowerful talaga niya!"

"Talagang powerful dahil kayang-kaya rin niya tayong pat*yin lahat lalo na kapag narinig niya ang mga tsismisan ninyo!"

Nagulantang ang mga kaklase nila nang bigla na lang siyang sumulpot at pumasok sa loob ng cr.

"Kanina ka pa riyan?" tanong ng mga ito.

"Oo at obviously, narinig ko ang mga tsismisan n'yo! Ang lalakas ng loob n'yong pag-usapan si Lucia, kapag narinig niya kayo at nagsumbong iyon kay Lord Lucien, lagot kayo! Pati mga magulang n'yo, baka madamay pa!"

Agad namang kinilabutan ang tatlong tsismosa sa mga sinabi niya. Nakita naman ng mga ito kung gaanong karuthless si Lucien. Nanggulo ito noon sa party ni Annika at sinunog ang mansyon ng mga ito at pagkatapos no'n, hindi man lang ito nakulong. Suspetsa nila ay may kapit din ito sa batas. At ngayon, walang nakakaalam kung ano na ang nangyari sa pamilya Mallari. Hindi na nila nakita ang mga ito eversince.

Pero kung anuman ang nangyari sa mga ito, maraming nag-iisip na baka pat*y na ang mga ito. Matapos ang party, tinawagan ng mga tauhan ni Lucien ang mga magulang at mga naroon sa party na iyon para balaan na hindi magsalita kung ayaw madamay sa gulo.

Pag-uwi niya ng gabing iyon, sinabihan agad siya ng mga magulang na huwag nang iinvolve ang sarili kay Lucia. Doon lang niya nalaman kung ano'ng klaseng tao si Lucien.

Sa mga narinig niya sa mga parents niya, tinubuan siya ng takot sa Lucien na iyon. Takot din kasi rito ang mga magulang niya.

May kilala kasi ang mga parents niya na nakabangga noon ng grupo ni Lucien. Dating mafia raw si Lucien at ang kakilala raw na iyon ng mga magulang niya ay wala na sa mundo ngayon. Nagkautang kasi ang mga iyon sa mafia noon ni Lucien at hindi na nakapagbayad.

Hindi raw nangingiming p*matay si Lucien ng mga taong bumabangga rito at dahil sa tingin niya, naging malaki ang kasalanan ng mga Mallari kay Lucia, hindi na niya maimagine kung ano kaya ang ginawa ni Lucien sa mga iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Mother's Replacement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon