My Mother's Replacement
Chapter 16: Annika's Debut
Written by BlackRavenInk16
DUMATING din ang araw ng debut ni Annika sa wakas.
Kanina pa kumukulo ang tiyan ni Lucia sa sobrang gutom pero hindi niya nagawang kumain dahil kaninang umaga pa lang ay busy na siya sa sobrang daming gagawin para sa party. Ang laman lang ng tiyan niya ay isang pirasong tinapay.
Sobrang dami naman kasi ng bisita na naimbitahan. Halos nasa 300 plus ang guest nila kaya sobrang dami rin nilang niluto at inayos.
Naroon ang mga amiga ng Tita Eloisa niya, ang mga kaklase nila, mga emplyado ni Tito Roi sa grocery business ng mga ito at ang mga kaopisina ni Kuya Jason. Siya? Ang tanging bisita lang siguro na mayroon siya para sa sarili ay si Faye lang.
Hindi lang naman siya ang kumikilos doon pero ang tiya niya, ayaw siyang pagpahingahin. Kahit nakalunch na ang ibang staff kanina ay siya, gumagalaw pa rin. Sino raw kasi ang kikilos kung nakabreak ang lahat.
At ngayong gabi na at kahit marami ng kumakain sa paligid niya habang nanonood ng program na pinahanda ni Tita Eloisa ay hindi pa rin niya magawang sumubo kahit na kaunti. Nakauniform kasi siya na pang waitress at mahigpit na sinabi ni Tita Eloisa na huwag daw siyang magpapakita sa ibang tao na kumakain dahil baka maging weird daw sa mata ng mga ito na ang maid na katulad niya, kumakain ng handa na para sana sa mga bisita. Sa madaling salita, hindi pinaalam ng mga ito na myembro siya ng pamilya. Tanging mga kaklase lang niya na naroon din ang nakakaalam.
"Hindi ako makapaniwala na talagang nagsisilbi ka kahit kapamilya ka rin naman nila! It's also your birthday today pero hindi ka man lang nila binigyan ng pahinga! Kung hindi ka man nila mapaghandaan, kahit man lang sana day off para sa sarili mo ay binigyan ka nila pero hindi. Grabe pala talaga ang sama ng ugali ng pamilya ng chaka doll na iyon! Awang-awa ako para sa 'yo, girl!" sabi ni Faye na talagang literal na umiyak para sa kanya sabay yakap sa kanya.
Inalo naman niya ito ng nakangiti. "Ayos lang ako, Faye, promise," sabi niya habang nasa balikat niya ito.
Lumayo ito ng kaunti. "Paano mo natitiis ang ginagawa nila sa 'yo? Gusto mo bang sumama ka na lang sa akin? Itatanan na lang kita!" sabi ni Faye.
Natawa tuloy siya sa sinabi nito. "Loka-loka!"
"I'm serious. Handa akong maging lesbian para sa 'yo, Lucia. Magpakasal na tayo!" sabi nito na seryoso ang mukha.
Lalo tuloy siyang natawa. "Gusto mo bang s*kalin ako ng boyfriend mo na posessive masyado sa 'yo?" sabi niya na natatawa. As if naman talagang magpapakatibo ito para sa kanya gayong sobrang in love nga ito sa boyfriend nito. Of course, she just want to comfort her.
"Isa pa, hindi ang pag-aasawa ang solusyon sa problema. Ang solusyon, makapagtapos ng pag-aaral para makapagtrabaho ng maayos pagkatapos," dugtong niya.
"E ang tanong, papayag ba sila na magtrabaho ka ng maayos kapag graduate mo? Sa sama ng ugali ng pamilyang ito, mas maniniwala pa ako na baka ikulong ka lang nila rito!"
"Hindi naman siguro, Faye. Bakit pa ako pinag-aral ni Tiya kung ganoon din pala ang gagawin niya sa akin? Sa tingin ko kahit papaano ay may pakialam pa rin naman sila sa akin--"
"Iyan ang hindi totoo! Huwag ka ngang bulag, Lucia! Kung pamilya ang tingin nila sa 'yo, hindi ka nila aalilain at gagawing basura!" sabi nito.
Natigilan siya dahil sa totoo lang ay totoo ang sinasabi ni Faye. Matagal na niyang alam iyon pero siguro, may part siya na gusto pa ring maniwala sa pamilya na kinalakhan niya. Buong buhay niya, iniisip niya kung ano kaya ang pakiramdam na may pamilya na nagmamahal sa 'yo at nag-aalala. Siguro kung minahal man siya ng tiyo at tiya niya noon, masyado pa siyang bata noon para maalala.
BINABASA MO ANG
My Mother's Replacement
RomanceA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?