Chapter 18: Lucien's Wrath

518 32 17
                                    


Chapter 18: Lucien's Wrath
Written by BlackRavenInk16

"LORD Lucien, hindi raw po makita ng mga tauhan natin si Lady Lucia," sabi ni Rigor.

Umihip siya sa sigarilyong hinihithit niya at mas hinabaan pa ang pasensya. Kanina pa siyang nakaupo habang hinahanap naman ng mga tauhan niya si Lucia. Naiinip na siya, gusto na niyang makita ang babaeng mahal niya.

"Are you crazy? This is her own debut, paano siyang mawawala rito?" naiiritang tanong niya. 

"Lucia? Hinahanap n'yo po si Lucia?" 

"Biglang nagsalita ang patungan ng paa. Did I gave you permission to talk?!" naiiritang sabi niya sabay diniinan ang pagkakaapak sa likod ng manager na tinutuntungan niya ng paa.

"Lord Lucien, kilala ko po ang Lucia na sinasabi ninyo. Siya po iyong dapat na magseserve sa mga guest ngayon--"

"Maybe you're talking about other Lucia because this is her debut! Why the hell should she serve guest on her own debut? Are you crazy?!" galit na sabi niya.

"I'm sorry, Sir pero ito po ba ang tinutukoy ninyo?" Biglang tumayo ang manager at nilabas ang cellphone nito. 

Saka nanlaki ang mga mata niya nang pinakita nito ang isang video na nagseserve nga ng guest si Lucia kanina pero hindi mukhang as birthday celebrant kung hindi bilang isa sa mga waitress lang ng party. Nakauniform pa ito at ni hindi ito magkandaugaga sa pagseserve ng mga customers kanina.

Biglang nanuyo ang lalamunan niya at nanginig ang kamay niya sa sobrang galit. Para siyang isang bulkan na sasabog anumang oras. Bigla niyang hinila ang kwelyo ng damit ng manager.

"Why the hell is she serving other people like a slave?! This party is for her! I've spent a lot of money for this day! Para lang maging masaya siya and yet, alila lang siya rito?!" galit na sabi niya.

"Hindi ko po alam, Sir! Ang pagkakaalam ko po ay kamag-anak niya ang may-ari ng mansyon kaya nagtataka rin kaming lahat kung bakit para siyang katulong--" 

Hindi na natuloy ng manager ang sinasabi nito dahil sinapak na niya ito sa mukha.

"My Lucia is not a maid! She's the queen of the night!" pagsigaw na niya. 

Dahil sa ginawa niya, napatingin ulit sa kanya ang ibang guest pero natanggal din agad ang atensyon sa kanya dahil biglang nagliwanag ang stage at umakyat doon ang isang babae at emcee ng party. 

Nanlaki ang mga mata niya nang makita na suot ng babaeng iyon ang dress na pinatahi niya sa Italy. Naikuyom niya ang kamao. Bakit ba ang tanga niya? Bakit ngayon lang niya napansin that something is not right?

Ang debut na ginaganap ngayon ay hindi para sa Lucia niya kung hindi para sa isang babae na kasing edad nito na tila umagaw sa buhay na pinapangarap niya para rito!

"Lord Lucien, mabilis na nakapag-investigate ang mga tauhan natin dito tungkol kay Lady Lucia dahil narito rin ang mga kaklase niya sa debut. It seems like Lucia is not being treated well by my her own family. Narito siya kanina hindi bilang pamilya kung hindi bilang isang waitress nga na nag-aasikaso lang sa mga bisita. Bukod doon, napag-alaman ng mga tauhan natin na ginagawa siyang maid ng mga kamag-anak niya at ngayong araw, hindi siya hinayaan ng tita niya na maglunch man lang which means hindi pa siya kumakain mula kaninang umaga--"

"F*ck them!"

"Lord Lucien?" Natigilan si Rigor nang mapansin na parang hindi na siya nakikinig sa mga sinasabi nito. Tuluyan na siyang sumabog sa sobrang galit!

Hindi na niya kailangang marinig pa ang sinasabi ni Rigor para magkaroon siya ng idea sa pinagdadaanan ni Lucia sa mansyon. Kaya naman pala wala itong mga bodyguards at maids noong una silang nagkita. Kaya pala parang gutom na gutom ito noong dinala niya ito sa resto no'ng time na iyon. Iyon pala ay dahil nimamaltrato ito ng mga demonyo nitong kamag-anak at hindi pinapakain ng maayos!

My Mother's Replacement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon