Chapter 17: Unexpected Guest

529 30 58
                                    


My Mother's Replacement
Chapter 17: Unexpected Guest
Written by BlackRavenInk16

"ARE YOU SURE that you want to see her now, Lord Lucien?" tanong ni Rigor sa kanya habang lulan sila ng sasakyan papunta sa debut ni Lucia.

"Of course. Bakit hindi, Rigor? I waited for this moment for a very long time. What made you think na hindi ko susunggaban ang pagkakataon na ito na hindi makita si Lucia ora mismo?"

"Dahil nagluluksa pa rin kayo, Sir Lucien."

Natigilan siya saka napabuntong-hininga. Saka bigla na lang nangilid ang luha sa mga mata niya.

"Yeah, you're right. Limang araw pa lang simula ng nilibing sina Mommy at Daddy kaya masakit pa nga rin talaga para sa akin ang pagkawala nila. Who would have thought na malulungkot pa rin ako sa pagkawala nila kahit pa tinakwil ko na sila bilang mga magulang ko ilang taon na ang nakakalipas? I guess at the end of the day, I'm still their son after all..." sabi niya na biglang tumulo ang patak ng luha sa mga mata niya.

Matagal niyang hindi nakita si Lucia dahil naging busy siya sa pag-aalaga sa ama niyang nagkasakit. Cancer ang kinamatay nito at halos araw-araw nasa ospital lang sila. Ni wala na siyang panahon na icheck pa kung ano ang kalagayan ni Lucia.

Pero sa kabila ng maraming pera niya, wala pa ring nagawa iyon. Bandang huli ay binawian din ito ng buhay at nakahingi pa ng tawad ito sa kanya bago ito namatay.

But only a day after that, ang mommy naman niya ang sumunod. Inatake ito sa puso dahil sa sobrang lungkot sa pagkawala ng daddy niya. They are each other's first love and one true love after all. Hindi niya akalain na totoo pala talaga na pwede kang mamatay dahil sa sobrang kalungkutan dahil iyon ang nagtrigger sa heart attack ng mommy niya.

Sa isang iglap, dalawang magulang na agad ang nawala sa kanya. At ang ampon ng mga itong si John ay ni anino, ni hindi na talaga nagpakita. Kaya naman sobra ang pagkapoot niya rito. Hanggang sa huling sandali, hinahanap pa rin ito ng mga magulang niya.

Kaya kakatwa talaga na kung ano ang kinapoot niya rito ay siya namang kinabaliw niya sa anak nito. Pakiramdam niya ngayon, si Lucia na lang ang natitira sa buhay niya.

"Ngayong wala na ang mga magulang ko, Lucia is all I have now, Rigor. Sa tingin ko, siya lang ang tanging gamot na kailangan ko para maghilom ang sakit sa puso ko. I won't bear to lose her as well. Baka magaya ako sa mommy ko kapag pati siya nawala rin sa buhay ko. Kaya kailangan ko na siyang makita agad, Rigor. Para maging masaya na ulit ako. I will take her this time," sabi niya.

"I understand, Lord Lucien. Pero sana ay huwag n'yo hong biglain si Lucia. Tandaan n'yo po na para sa kanya, you're just a stranger. Ni wala siyang kaalam-alam na buong buhay niya ay kayo ang nagsusustento para mabuhay siya at kapag nalaman niya iyon, siguradong kikilabutan siya at baka makadama ng pandidiri--"

"What the hell, pandidiri?! Do you hear yourself ha, Rigor? Bukod kay Samantha, mayroon pa bang babaeng hindi nagkainteres sa akin? Mga babae ang naghahabol sa akin pagkatapos sasabihin mo, pandidirihan lang ako ni Lucia? Baliw ka ba?!"

"Pero hindi ho ibang babae lang si Lucia. Just like her mother, I don't think masisilaw lang si Lucia sa yaman at physical appearance ninyo--"

"Don't be too paranoid, Rigor. Lucia will like me, I'm sure of it. At ganoon din ako sa kanya, hinding-hindi ko na siya pakakawalan, you heard that? Now, tell me, siguro naman ay pinadala mo sa kanya iyong dress na binili ko para sa kanya na ginawa pa sa Italy? Pati ang mga alahas?" pag-iiba na niya ng usapan.

"Yes, Lord Lucien, sinabi ko sa telepono sa Tita niya na ipasuot iyon kay Lucia sa debut niya. Sinabi ko rin na huwag magtipid at garbuhan ang magiging party ngayong gabi," sabi nito.

My Mother's Replacement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon