Chapter 4: Samantha's Face
Written by BlackRavenInk16MABILIS lang na lumipas ang ilang taon at 12 years old na si Lucia. Kaya naman umuwi na sa Pilipinas si Lucien para sunduin ito.
Oo, nagdesisyon siya na siya na lang ang mag-aalaga rito. Nasabihan na rin niya ang mga kamag-anak nito na kukunin na niya ito.
Sa totoo lang, sa kabila ng ilang taon na pamamalagi niya sa Italy ay kahit kailan, hindi nawaglit sa isip niya si Lucia. Araw-araw ay naiisip niya ito at hinahanap-hanap niya ang sanggol na inalagaan niya noon. Kahit na hindi sila nagkikita, kahit kailan ay hindi siya pumalya sa pagpapadala ng mga regalo tuwing birthday nito at higit sa lahat, patuloy pa rin ang sustentong binibigay niya sa mga kamag-anak nito para lang masiguro na magkakaroon ito ng maganda at maginhawang buhay.
Gusto niyang lumaking parang prinsesa si Lucia. Para rito ang lahat ng perang kinikita ng mga negosyo niya. Para sa kanya, ito na ang mundo niya. Dahil kahit kailan ay wala na naman siyang planong mag-asawa pa dahil hindi na siya natutong magmahal ulit matapos mamat*y ni Samantha, ibubuhos na lang niya ang lahat ng pagmamahal na mayroon siya para sa nag-iisa nitong anak.
Tama si Rigor sa sinabi nito noon, si Lucia ang nag-iisang yaman na iniwan ni Samantha para sa kanya sa mundong ito. Ah, higit pa sa yaman para sa kanya si Lucia. Handa siyang ibigay ang mundo o kahit ang sarili niyang buhay para rito.
Sa kagustuhan na magbagong buhay at maging mabuting ama para rito, unti-unti na niyang binuwag ang mafia niya. Nais nga sana ng kaibigan niya sa Italy na bilhin ang mga negosyo niyang il*gal dahil malago na ang mga iyon pero tumanggi siya. Para kasi sa kanya, kung ibebenta lang niya iyon ay hindi pa rin mahihinto ang masasamang gawain ng grupo nila.
Hindi na normal para sa kanila ang pum*tay pero para kay Lucia, parang gusto niyang maging mabuting tao. Para maging karapat-dapat na siya para maging ama nito.
Tinulungan pa nga niya ang mga tauhan niya sa mafia para magbagong buhay na rin. Binigyan niya ng malalaking pera ang mga ito para magsimula ng kahit maliliit na negosyo lang. Hindi naman kawalan sa kanya iyon. Sa laki ng kinita niya noon sa mafia nang ilang taon, parang barya na lang sa kanya ang malalaking halaga.
Pero syempre ay hindi madaling buwagin ang mafia. Ilang taon din ang ginugol niya para mabuwag iyon ng tuluyan kaya halos hindi rin siya nagkaroon ng oras para sa sarili. Masyadong malakas at malaki na ang impluwensya ng grupo niya kaya hindi na rin naging ganoon kadaling linisin iyon.
Kaya naman kahit si Lucia ay hindi na niya napapasundan kaya wala na siyang idea kung ano na kaya ang itsura nito ngayon. Nasasabik na siyang magkita ulit sila.
Papunta na siya sa mansyon na binili niya para kay Lucia nang mastuck sila sa traffic. Napapailing na lang siya dahil sa inip. Ito ang pinakaayaw niya sa Pilipinas. Parang kahit saang sulok ng mundo may traffic na kahit wala naman sila sa Manila.
Para hindi naman mainip, naisip niyan buksan ang bintana ng sasakyan. Nasa tapat sila ng isang convinient store kung saan nang mapalingon siya roon ay biglang may lumabas.
Parang huminto ang mundo niya nang may isang babaeng lumabas doon na nakaschool uniform at may dalang maliit na mineral water na mukhang binili nito sa loob.
"Samantha..." Natutulalang anas niya.
"Sir?" Napalingon sa kanya ang driver na parang nagtataka dahil mukha siyang natuklaw ng ahas.
"Wait for me here!" sabi niya saka nagmamadaling lumabas ng sasakyan para habulin si Samantha na napakabilis kung maglakad.
Halos nanginginig pa ang kalamnan niya habang tumatakbo para habulin ang babae. Hindi siya maaaring magkamali, si Samantha ang nakita niya!
BINABASA MO ANG
My Mother's Replacement
RomanceA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?