Chapter 6: Lucia's Miserable Life
Written by BlackRavenInk16"LUCIA! LUCIA!"
Nataranta si Lucia nang marinig ang boses ng tiyahin. Agad niyang binilisan ang pamamanlantsa ng damit nina Anika.
Napuyat siya kagabi kakaaral pagkatapos gawin ang maraming gawaing bahay kaya ang huling gawain ay hindi na niya nagawa. Hahantayin lang sana niya na matuyo ang mga damit para pagkatapos niyang mag-aral ay mapaplatsa na niya iyon pero nakatulog na siya sa sobrang pagod.
Natanggal na niya ang saksakan ng plantsa bago pa man makapasok ang Tita Eloisa niya. Tinago pa niya ang uniform sa likod niya at nanginginig na dumiretso ng tayo paharap dito pero napatingin pa rin ito sa likuran niya.
"God, so ngayon ka pa lang nakapagplantsa at hindi ka pa rin nakakapagluto?! Alam mo bang 5am na? Napakatamad mo talagang bata ka!"
Sa inis ng tiyahin niya ay hinila nito ang buhok niya saka siya pinagsasabunutan.
"Aray, tiya! Ang sakit po! Sorry po, magluluto na po agad ako!" umiiyak na sabi niya.
Tinulak siya nito kaya muntikan pa siyang mauntog sa pader. Mabuti na lang at nakapagbalance siya.
"Napakab*ba mo talaga! Manang-mana ka sa nanay mo! Alam mo namang 7am ang pasok nina Anika, Jason at ng Tito Roi mo tapos ngayon ka pa lang magluluto?! Sayang lang ang pinapalamon ko sa 'yo!" galit na sigaw ni Tita Eloisa.
"Sorry po, tita, napuyat po kasi ako dahil ang dami ko pong ginawang gawain bahay kagabi at--"
Hindi niya natapos ang sinasabi dahil bigla na lang siyang sinampal ng tiya niya.
"At sinusumbatan mo ako, ha? Baka nakakalimutan mo, kung wala ako, nasa bahay ampunan ka na sana ngayon! Dahil ang nanay mong t*nga, matapos magpabuntis ay nilayasan lang ng magaling mong ama na walang kwe*ta! Ako ang nagpapakain sa 'yo at kung hindi dahil sa akin ay hindi ka makakapag-aral! Itatak mo sa kukote mo iyan!"
Nagyuko siya ng ulo dahil narealize niya na tama naman ang sinabi nito. Utang na loob nga niya ang lahat sa pamilya nito.
"Tama po kayo. Sorry po, tita, hindi na po mauulit..." nakayukong sabi niya.
"Bilisan mo na riyan at magluto ka na dahil may pasok na ang tito at mga pinsan mo! Huwag kang babagal-bagal!"
Paglabas ng tita niya ay pinunasan na rin niya ang luha sa mga mata niya. Sa totoo lang ay wala na siyang panahon para magmukmok o umiyak dahil kailangan na ang serbisyo niya sa baba.
Matapos ihunger ang uniform nina Anika at damit nina Jason at Roi ay nilagay na niya ang mga iyon sa pinto ng kwarto ng mga ito. Saka siya bumaba para magluto na para may kainin ang mga ito paggising nila.
Habang nagluluto ay hindi niya maiwasang hindi alalahanin kung paano nga ba siya humantong sa ganitong sitwasyon.
Naalala niya na noong bata pa lang siya ay halos buhay prinsesa siya sa mansyon na ito. Magaganda ang mga damit niya, may mga alahas pa nga siya at marami rin siyang maids. Bukod doon, maganda ang trato sa kanya nina Tita Eloisa at Tito Roi na para ba siyang tunay na anak ng mga ito. She even call them mama at papa before pero ngayon, galit na galit ang mga ito kapag tinatawag niya ang mga ito ng ganoon kaya ginawa na lang niyang tito at tita.
Siguro dahil ang anak ng mga ito na si Anika na nawala noong 5 years old pa lang ito ay nahanap na ng mga ito noong tumuntong siya ng 13 years old. All of a sudden, ang pagmamahal na binibigay sa kanya ng pamilya niya ay napunta nang lahat dito at wala ng natira sa kanya. Lahat ng mayroon siya noon ay dito na ibinibigay. Pati ang kwarto niyang malaki at maluwag. Ngayon, sa dating kwarto ng mga katulong na lang siya nakatira.
BINABASA MO ANG
My Mother's Replacement
RomanceA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?