Chapter 10: Lucia's Crush
Written by BlackRavenInk16"LUCIA, you forgot this yesterday." Pagpasok pa lang niya sa classroom, inabot na agad sa kanila ng president nila sa kanya ang notebook niya.
"Thanks, Justin. Hinahanap ko 'to kagabi. Naiwan ko pala," nahihiyang sabi niya.
"Hindi ka siguro nakagawa ng assignment because all of your notes are there. You can copy mine if you want," sabi nito na akmang iaabot ang notebook nito sa kanya.
"Naku, hindi na! Nakakahiya naman sa 'yo! May oras pa naman, mabilis lang din naman akong magsolve sa math, kaya ko na 'to," sabi niya na namumula ang mukha.
"Ano ka ba, minsan lang naman. Ayos lang sa akin. We're classmates, dapat nagtutulungan tayo," sabi nito.
"Pero kasi--"
"I insist. Magtatampo ako kapag 'di mo kinuha 'to," sabi nito.
"Sige na nga. Thanks ulit ha," sabi niya.
Nginitian lang siya nito saka na siya pumunta sa table niya.
Napansin pa niya na tiningnan siya ng pailalim ni Annika. Nauuna itong pumasok sa kanya dahil bago siya pumasok sa school, naghuhugas pa siya ng plato na pinagkainan ng mga ito.
Kinakabahan siya sa tingin nito. Ito pa naman ang tipo ng parang ayaw siyang nakikitang masaya.
"Uy, kita ko 'yun! Ang sweet n'yo ni Justin ah! Crush mo 'no?" panunudyo sa kanya ni Faye nang makaupo siya.
"Hindi 'no! Wala akong crush sa kanya!" namumulang sabi niya.
"Sinungaling! Halata naman sa mukha mo. Aminin mo na lang kaya. Infairness ha, cute siya kahit may pagkanerd tingnan. Kaso mukhang seryoso at boring. Ano ang nagustuhan mo ro'n?" tanong ni Faye.
"Mabait kasi si Justin. Matalino rin siya at masipag. Noong wala ka rito, siya lang ang bukod tanging kumakausap sa akin. Iyon nga lang, hindi pa rin kami masyadong close dahil may mga friends na siya."
"Ahh... Kaya mo pala naging crush!"
"Hindi nga sabi e!" Lalo lang pumula ang mukha niya.
"Heh! Huwag ka sabing sinungaling, kukutusan kitang g*g* ka! Bakit mo ba pinipigilan ang sarili mo? Ilang buwan na lang ay 18 ka na 'di ba? Tell me, wala ka pa bang nagiging boyfriend?"
Nag-iwas siya ng tingin dito.
"Mukha bang may magkakagusto sa akin?"
Hinarap nito ang mukha niya rito.
"At bakit hindi? Maganda ka! Hindi ka lang nag-aayos! Kita mo itong salamin mo, 'di ba sabi ko tanggalin mo 'to? Bakit suot mo na naman?!" gigil na sabi nito.
Tinabig niya ang kamay nito.
"Nagagalit sina Jason at Annika kaya sinuot ko na lang ulit," sabi niya.
"Jason?"
"Iyong kapatid ni Annika."
"Bakit naman sila magagalit? Ano bang paki nila sa itsura mo?"
"Ayoko lang ng gulo."
"Kaya magpapapangit ka na lang gano'n? Napakamartir mo naman! Umamin ka, alila ka ng mga 'yan sa inyo 'no?"
Hindi siya nakapagsalita.
"So talagang ginagawa ka nilang katulong sa bahay nila?" Nanlalaki ang mga matang sabi nito.
"Natural lang naman siguro iyon dahil nakikitira ako sa kanila."
"Pero binibigyan ka ba nila ng sahod?"
![](https://img.wattpad.com/cover/368016704-288-k368512.jpg)
BINABASA MO ANG
My Mother's Replacement
RomanceA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?