Sorry sa late update. Naging busy ako sa editing and inayos ko rin iyong mga files ko sa mga old stories ko na nagexpire na ang contract sa Dreame. Lumagpas kasi ako sa pagbigay ng notification kaya baka irenew ulit nila. Sana mabalik ang rights at pumayag pa sila. Hahaha!
Chapter 22: Lucia's First Kiss
Written by BlackRavenInk16NAHIHIRAPANG mag-adjust si Lucia sa bagong buhay niya. Hindi magkumaway ang mga maids sa pag-aasikaso sa kanya araw-araw na para ba siyang babasaging kristal. Ultimo pagligo na lang niya, hindi siya hinahayaan ng mga ito na gawin sa sarili niya dahil maraming seremonyas ang ginagawa ng mga ito sa buong katawan niya.
Pinapaliguan siya ng mga mababangong sabon at naliligo pa siya sa rosas o kaya gatas most of the time, palaging may treatment ang buhok niya para masigurong palaging malambot iyon at maging ang mga kuko niya, alagang-alaga. Hindi talaga siya pakakawalan ng mga ito hanggang hindi nasisiguro na palagi siyang maganda at mabango.
Sa totoo lang ay hindi niya maintindihan kung bakit kailangang gawin ng mga ito iyon dahil simpleng babae lang naman siya. Pero ang sabi ng mga ito, iyon daw ang gusto ng Uncle niya. Iyong para siyang manika na pinapaganda at pinababango.
Pero talagang malaki nga ang pinagbago sa itsura niya. Sa tuwing titingnan niya ang sarili sa salamin ay hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang dating Lucia na mukhang gusgusin at walang kaayos-ayos sa katawan. Totoong napakaganda talaga niya. Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero mukha siyang artista o prinsesa simula nang tumira na siya sa mansyon ng Uncle Lucien niya.
Napalingon si Lucien nang maramdaman nito na pababa na siya ng hagdan. Nakaschool uniform na siya dahil ihahatid daw siya nito sa school. Halos dalawang linggo rin siyang absent sa school dahil naospital siya at siniguro talaga ng uncle niya na nasa tamang kundisyon na siya bago ito nagdesisyon na talagang pwede na siyang pumasok.
"God, you're only wearing a uniform but you're still breathtakingly beautiful," sabi ng uncle niya na titig na titig sa kanya.
Pinamulahan naman siya ng mukha and for some reason, tumibok ng malakas ang puso niya dahil sa papuri nito. Sobrang lalim ng titig nito sa kanya na para bang siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Hindi niya masabing hindi siya maganda dahil kahit siya sa sarili niya ay gandang-ganda rin siya kapag tinitingnan ang sarili sa salamin. Pero ang sarap sa pandinig kapag galing sa uncle niya ang papuri.
"Let's go, baby. This is your first day again after your absence, I don't want you to be late," sabi nito na nilahad ang braso sa kanya para kapitan niya.
Nahihiya man ay kumapit na lang din siya rito dahil magtito naman sila. Pakiramdam niya sa tuwing kasama niya ang uncle niya ay palagi siyang safe. Sa totoo lang ay unti-unti na siyang nasasanay sa presence nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang paglabas nila sa mansyon ay may sampung bodyguards at isang maid ang nakaabang sa kanila sa kotse.
"Uncle, bakit po may ganito?" naiilang na tanong niya.
"You're a niece of one of the most richest man in the world, of course you need a protection," sabi nito.
"Hindi po ba pwedeng huwag na lang? Kaya ko naman po ang--"
"No. Hindi ako papayag na wala kang maging mga bodyguards. I'm just protecting you, Lucia, please naman, huwag ka nang tumanggi."
Hindi siya nakapagsalita. Baka magalit sa kanya ang uncle niya dahil sa kaartihan niya.
"Ooops, don't think that I'm mad with you, Lucia. I'm not. I'm just saying that you really need this because you're the most precious person to me. I just don't want to lose you..." Tila ba nabasa nito ang naiisip niya kaya inunahan na agad siya nitong magsalita.
BINABASA MO ANG
My Mother's Replacement
RomanceA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?