Chapter 9: Hidden Desire

444 21 10
                                    

Chapter 9: Hidden Desire
Written by BlackRavenInk16

"AT SINO ang nagsabi sa 'yo na pwede mong tanggalin iyong binigay kong salamin, ha?!"

Napaigtad si Lucia nang biglang sumulpot sa harapan niya si Anika. Naroon siya sa rooftop ng bahay habang nagsasampay.

"Nandito lang naman ako sa bahay, Anika. Wala naman sa aking makakakita--"

"Bakit, ayaw mo ba no'ng binigay ko? Napakaingrata mo naman! Binigyan ka na nga ng gift, hindi mo pa na-aappreciate!"

"Hindi naman sa gano'n, Anika kaso--"

"O baka naman may pinagpapagandahan ka? Si Sir Arevalo ba?!" pagbibintang ni Anika.

Si Sir Arevalo ang crush ni Anika. Ang sabi nito noon, ang mga tipo raw ng professor nila ang type nito dahil dignified at independent na. Hindi katulad ng mga kasing edad nila na asa pa raw sa mga magulang.

Hindi niya masisisi si Anika kung bakit ito nagkagusto sa professor nila. Gwapo naman kasi talaga ito, matangkad at matalino pa. Dating hindi palaaral si Annika pero para lang maimpress nito ang prof nila, pinapataas nito ang grade nito. Iyon nga lang, ang mga assignments nila, sa kanya pinapagawa pagkatapos halos araw-araw ay nagpapaturo ito sa kanya.

Ayos lang naman sana sa kanya kung wala lang siyang ibang ginagawa. Pero madalas ay nauubos na ang oras niya sa pagiging tutor nito kahit magkasing edad lang naman sila pero ang tiya niya, nagagalit pa rin sa kanya kapag makalat ang mansyon dahil hindi siya makapaglinis kapag tinuturuan niya si Annika. Kaya minsan ay hindi na rin niya alam kung saan siya lulugar e isa lang naman ang katawan niya.

"Bakit mo naman naisip iyon, Anika? Wala akong hilig sa matatanda," sabi niya.

"Aba, sino'ng matanda, ha?!" Nainis agad si Anika nang nilait niya ang crush nito kaya akmang sasabunutan sana niya ito ng biglang umakyat sa rooftop si Jason at ang mga katrabaho nito.

"Ano na naman 'yan, Anika?" naiiritang tanong nito.

"Ang babaeng kasing ito, binubwisit ako!" gigil na sabi ni Annika.

"Wala akong pakialam kung magsabong kayong parang mga manok but not infront of us. I have visitors, mahiya naman kayo," naiinis na sabi ni Jason.

Naiinis na tiningnan siya ulit ng masama ni Annika.

"Magtuos tayo mamaya!" gigil na sabi nito saka halos nagdadabog na umalis sa harapan nila.

Napatingin na sa kanya si Jason. "Why you remove your glasses? Ang pangit mo kapag wala no'n. You should always wear that," naiinis na sabi nito.

"Pangit? God, Jason, are you blind?!" Biglang sumingit sa usapan ang katrabaho nitong lalaki sabay lapit sa kanya. "I didn't know that you have such a beautiful maid! Hi miss, pwede bang magpakilala? I'm Franco!" nakangising sabi ng lalaki.

Hindi siya umimik. May itsura naman ito pero mukha itong playboy. Naiilang siya sa tingin nito. Para siyang hinuhubaran kahit may damit naman siya.

"Stop that, Franco! She's too young for you! Mahiya ka naman!" naiinis na sabi ni Jason saka siya binalingan. "Sa susunod, huwag ka nang magpapakita sa iba ng ganyan. You're so irritating," sabi nito.

"Sorry po, Kuya Jason," sabi na lang niya.

"Magdala ka ng mga alak dito. Pati mga snacks, mayroon sa baba, kumuha ka," sabi nito.

"Sige po," sabi niya. Iyon lang at umalis na siya.

---

MAYA-MAYA...

"PRE, baka naman pwede mo akong ilakad sa maid ninyo, grabe, ang ganda niya talaga. She's like a goddess!" pangungulit ni Franco kay Jason habang nag-iinuman na sila.

My Mother's Replacement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon