Chapter 14: Debut Preparations
Written by BlackRavenInk16A FEW MONTHS LATER...
BIGLA na lang may mga dumating na katulong sa mansyon nina Lucia no'ng araw na iyon. May mga security guards nga rin at hardinero.
Ang sabi ng tiyahin, iyon ay dahil daw sa nalalapit na 18th birthday party ni Annika sa susunod na linggo. Kailangan daw ng maraming tagasilbi sa araw ng debut nito dahil marami raw mayayaman na invited at ayaw naman daw ng tita niya na mapahiya ito. Invited nga rin ang lahat ng mga kaklase nila, maging si Faye kahit na ayaw dito ni Annika dahil kaibigan niya.
Pero ang pagkakaalam niya, temporary lang ang mga tagasilbi na iyon. Contractual na hinire sa isang agency kumbaga. After ng party ay aalis din agad. Alam naman niyang gusto lang magbigay ng good impression ng Tita Eloisa niya sa mga amiga nito na mayaman din. Mayayaman kasi ang mga kumare nito na nakilala nito sa casino.
Sa totoo lang, katulad ng pagtataka niya kung saan kaya kumukuha ng pambayad sa malaking kuryente, tubig, maintenance sa bahay at luho ang pamilyang iyon ay hindi rin niya alam kung saan hinuhugot ng Tita Eloisa niya ang ginagamit nito pang casino. Para bang hindi ito nauubusan ng supply ng pera kahit madalas naman ay talo ito sa laro.
Alam niya iyon dahil madalas ay siya ang pinagbubuntunan nito ng sama ng loob kapag natatalo ito. Kung hindi sinasabunutan ay sinasampal siya nito o kaya gagawa ito ng paraan para magalit sa kanya.
"Ito na ang juice n'yo, Annika," sabi niya na nilagay sa lamesa ang juice at cake sa harapan nina Annika at ng mga kaklase niya.
"Sige na, magpunas-punas ka muna riyan at ayaw ko ng maalikabok," utos ni Annika.
Sumunod naman siya at pinagpatuloy ang pagpupunas sa mga appliances kung saan tanaw siya ng mga ito. Naantala ang gawain niya ng dumating ang mga ito kanina. Kahit na may mga temporary maids doon, gusto pa rin ng mga ito na naglilinis siya. Hindi na siya nakipagtalo dahil hindi rin naman siya mananalo sa mga ito.
Naroon sila sa malaking sala ng mansyon.
"God, I can't believe na parang maid n'yo pala talaga rito ang babaeng 'yan!"
"Dapat pala dati pa kami bumisita sa bahay ninyo, Anika, ang sarap niyang tingnan habang naglilinis!" sabi ng mga ito sabay tawa.
Kahit may distansya siya mula kina Anika at sa kaibigan nitong sina Didi at Lala ay dinig pa rin niya ang usapan ng mga ito. Mga kaklase nila ito ni Anika at naroon ang mga ito para tulungan si Anika na magdecide kung ano ang susuotin nito sa debut nito.
"Sabi ko naman sa inyo, e. Basura lang 'yan dito sa amin," proud pa na sabi ni Anika imbes na mahiya dahil sarili nitong pinsan, ginagawa nitong alila.
"Pero birthday niya rin hindi ba? Bakit ikaw lang ang magdedebut?" nagtatakang tanong ni Didi.
"Luh. Sa tingin mo ba pag-aaksayahan ng pera nina mommy 'yang babae na 'yan? Nagtatapon na nga sila ng pera para sa pag-aaral niyan sa school natin, hahandaan pa nila sa birthday?" sabi ni Annika.
"So ibig sabihin, eversince, tuwing birthday ninyo, wala ng celebration para sa kanya?" tanong ni Lala.
"Ano pa nga ba! Wala namang nagmamahal diyan, hindi niya na kailangan ng birthday!" sabi ni Annika na mas tumawa pa ng malakas.
Sanay na siya sa pagiging harsh ni Annika kapag nagsasalita ito pero sa pagkakataong ito, parang gusto niyang umiyak. Siguro dahil totoo ang sinabi nito, na talagang wala ngang nagmamahal sa kanya.
Oo, parehas sila ng birthday ni Annika kaya sa araw ng debut nito ay 18th birthday din niya. And yet, ang sabi ng tita niya ay kailangan pa rin daw niyang magsilbi sa gabing iyon kung saan lahat ng mga kaklase nila ay invited. Kailangan niyang tiisin ang tingin ng mga ito habang nakikita siya na nagsisilbi sa sarili niyang pamilya imbes na kasamang magcelebrate ng mga ito.
BINABASA MO ANG
My Mother's Replacement
RomanceA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?