Kinwento ko kay Kael ang nangyari nung sumunod na araw. Napaniginipan ko rin kasi yung babaeng nakaputi. Hindi ko alam kung dahil ba sa imagination, overthinking or stress. Pero napansin ko kasing dumadalas siyang nagpapakita sa panaginip ko.
"Bro, pati ba naman sa panaginip nambababae ka? Hanep!" tinawanan lang ako ni Kael. Hindi ko nalang siya pinansin.
Tinatapos ko yung research ko ngayon para sa clearance, at yang si Kael chill chill lang dahil may binayaran yata siya para gumawa ng kanya. Hayop talaga to.
Nagkwentuhan lang kami ni Kael, tungkol sa mga babae at...alam niyo na.
"Hahaha! Gago. Ang easy to get kaya niya kaya naikama ko siya. Tapos hindi na siy--" napatigil kami ni Kael ng may kumatok sa kwarto ko. Pinagbuksan ko ito pero walang tao.
"Lola?" tawag ko. Baka si lola lang yun. "Lola?" ulit ko. Lumabas ako at sumilip sa kwarto ni lola pero wala siya doon. Sino yun?
"Lola?" mas malakas na tawag ko.
"Ay bakit apo? Nakakagulat ka naman!" rinig kong sabi ni lola. Bumaba ako at nakitang nagluluto pala si lola ng ginataan.
"Tawag niyo po ako?" umiling si lola at kumunot ang noo. Mukhang nagtataka siya.
"Ah sige po. Akyat na po ako" tumango si lola at saka biglang tumingin sa hagdan. Tumingin rin ako dun pero wala namang tao. Medyo natatakot na rin ako kay lola, kung saan saan kasi siya tumitingin eh.
Umakyat na ako at sinabi ulit ang nangyari kay Kael pero tahimik lang siya. Nangingiti pa ito.
"Tol" tawag ko sakanya. Tumingin ito at inakbayan ako.
"Grabe bro, hindi ko alam na madamot ka pala" sabi niya. Nalito ako sa sinabi niya at nahalata niya ata ito.
"Kasi pumasok ako dun sa dating kwarto ng mama mo, may naglalakad kasi dun kanina. May bisita pala kayo, pakilala mo naman ako. Chicks pare" tumataas baba pa yung kilay ni Kael ng sabihin niya yun. Kinabahan ako bigla. Tinanggal ko ang kamay ni Kael sa balikat ko at hinarap siya.
"Kael wala kaming bisita. Sinong chicks?" kinakabahang tanong ko. Hindi naman sa natatakot ako sa multo, pero kasi parang iba na. parang mula nung nagtanong ako kay lola ng tungkol sa multo, ang daming nangyayari dito sa bahay na kakaiba.
Umiling si Kael at hinatak ako papunta sa kwarto ni mama.
"Hindi bro. tignan mo kasi, ang ganda kaya niy—Asan na yun?" walang tao sa kwarto ni mama, at maayos yung kama.
"Bro yun nga yung sinasabi ko. Walang tao." Nalilito na rin si Kael. Napatingin ito sa akin.
"Bro kitang kita ng mata ko. Yung buhok niya medyo lampas sa balikat. Tapos ang ganda ng mata niya, tapos sexy, tapos ang puti, grabe tol. Seryoso"
"Nakainom ka ata eh" pagbibiro ko. Medyo nawawala na rin yung kaba ko. Tinatawanan ko si Kael dahil para na siyang nababaliw sa babae. Baka dahil sa pambababae niya kaya kahit saan nakakakita na siya ng babae. Tsk.
"Hindi. Nakapalda pa nga ng puti na hanggang tuhod, tapos longsleeves." Nawala yung ngiti ko ng sabihin niya yun. Muling bumalik yung kaba ko dahil sa pagkakadescribe niya ng babae, ito yung babang lagi kong nakikita sa panaginip ko.
"Bro siya yung nakikita ko sa panaginip ko. Yung babaeng nakaputi na hanggang balikat ang buhok." Nanlaki ang mata ni Kael. Lumapit kami sa isa't isa at pareho na kaming kinakabahan.
BINABASA MO ANG
7th Sense: Haunt
ParanormalHer heart skipped a beat, which is unusual because her heart never beats. ||Book 1 of 7th Sense Trilogy||