Nagising ako ng mga alas nuebe. Mabuti nalang at 11 ang pasok ko ngayon. Sinubukan ko pa ulit na matulog pero naalala ko yung nangyari kagabi—o kaninang umaga. Bumalikwas ako at walang nakitang bakas ni Madelaide sa kwarto ko.
Pero may papel sa side table ko na tingin ko ay sa kanya galing. Kinuha ko yun at binasa.
Pumasok ka na, Mico. -M
Binaba ko nalang yung papel at naligo na kahit na maaga pa. Nakarinig ako ng ingay galing sa pinto. Sinusubukan nitong buksan ang pinto. Patuloy ang doorknob sa pagpihit hanggang sa nawala. Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa kwarto.
Agad kong nilock ang kwarto at kumuha ng damit.
"Good Morning"
Halos mabitawan ko na yung twalya. Napalingon ako at nakita si Madelaide na nakaupo doon sa swivel chair ko, iyong inupuan niya rin kagabi.
"Madelaide, pwede bang tigilan mo muna ako?" nawala ang ngiti niya ng makitang galit ako. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. God, why is this girl so frustrating?
"Magbibihis ako, Madelaide. Kaya umalis ka at mamaya ka nalang bumalik" sabi ko. Bumalik ang ngiti nito at tumango.
Kinuha ko yung shirt ko at pagkalingon ko ay wala na siya. Mabuti at nakakaintindi naman pala siya. Bumaba na ako at wala si lola. Siguradong nasa palengke nanaman siya. Nagluto nalang ako ng ham at kumain.
Nakapaglinis na ako ng bahay at parang tinatamad akong pumasok kaya nagbihis nalang ako ng jogging pants ko at inikot yung barangay.
Nakadalawang rounds na ako ng pagjojogging ng makasalubong ko yung caretaker nung bahay. Nginitian niya ako kaya sinabayan ko na siyang maglakad.
"Wala kang pasok?" tanong nito. Ngumiti ako at nagkamot ng ulo.
"Mamayang hapon pa po" ani ko at tumango ito. Tinulungan ko siyang buhatin yung paperbag na naglalaman ng mga gamit panglinis.
"Pwede po bang magtanong?" Tumingin ito sa akin. "Paano po namatay yung babaeng nakatira sa bahay?" tanong ko at lumungkot ang mukha niya.
Huminga siya ng malalim at tumunghay.
"Hindi ko rin alam. Ang pamilya niya ang may alam kung paano ito namatay" malungkot na pahayag nito. Tumango nalang ako.
"Wala po ba kayo noon?" tanong ko. Kailangan kong malaman.
Umiling siya. "Pinagbakasyon ako ng magulang niya kaya umuwi ako sa probinsya. Matapos ang dalawang linggo, doon ko lang nalaman na patay na pala yung bata. Binayaran nalang ako ng magulang niya na alagaan at panatilihin ang kalinisan ng bahay."
So parang planado ang lahat. Bakit pinagbakasyon si ate, at noong wala siya ay saka namatay si Madelaide?
"Nasaan po ang mga magulang ng babae?" tanong ko. Nanlaki ang mata nito at mas naging malungkot ang mukha niya.
"Nagkahiwalay ang magulang niya. Walang nakakaalam kung nasaan ang ina nito, pero ang ama niya ay nasa Bulacan."
"Saan po nakalibing yung babae?" tanong ko ulit. Mukhang napapansin na niya ang pagiging matanungin ko, pero hindi nalang niya pinansin.
"Na-cremate daw eh" sabi niya.
BINABASA MO ANG
7th Sense: Haunt
ParanormalHer heart skipped a beat, which is unusual because her heart never beats. ||Book 1 of 7th Sense Trilogy||