Tatlong araw nalang at birthday na ni Madelaide. Hindi ko maiwasang maexcite sa ginawa kong sorpresa para sa kanya. Ito ang pangalawang beses kong sumorpresa ng tao. Una si lola, at pangalawa si Madelaide.
Hindi ko alam kung bakit, pero tingin ko ay naging malapit rin kami ni Madelaide. Sa ilang araw na magkasama palang kami, nawala ang nararamdaman kong takot at nakakaramdam ako ng safety. Nakakabading man, pero bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing ngumingiti siya.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Marami kaming naikwento sa isa't isa at maraming korning jokes. Tumatawa rin pala siya, kahit ganito ang sitwasyon niya.
"Tapos na. Nood ulit tayo" natigil ang pag-iisip ko nang matapos ang pinapanood naming palabas. Napag-alaman kong mahilig siyang manood ng mga sci-fi. Ayoko man, pero dahil gusto niya ay pagbibigyan ko siya.
"Wala na akong alam na movies na science fic eh." Sabi ko. Ngumiti naman siya at umupo sa kama ko. Bigla akong kinabahan dahil ang lapit niya. Gusto kong hawakan ang kamay niya, pero hindi ko magawa.
Meron yung nagtangka akong hawakan ang kamay niya pero iniwas niya yun. Nirespeto ko nalang siya kung ayaw niya. Ayaw ko rin namang lumayo siya sa akin.
"Magkwentuhan nalang tayo" nakangiting sabi nito.
"Anong kwento?" tanong ko. Nagkibit balikat siya. Pareho kaming nag-isip hanggang sa may naisip ako.
"Bakit ako? Bakit sa akin ka nagpapatulong?" tanong ko.
Ngumiti siya at umayos ng upo.
"Hindi ko alam kung patay na ba ako o hindi. Basta nagising nalang ako at nakita ang sarili kong nakahiga sa isang kama. Hanggang sa dumilim ng dumilim. Nakakatakot at nakakalungkot. Pakiramdam ko ay nabulag ako sa sobrang dilim."
Lumapit siya sa akin ng konti.
"Matagal akong nasa dilim. Gusto ko nang makaalis doon. Bukod sa nakakatakot at malamig, sobrang nalulungkot na ako at gusto kong makita si ate at si daddy." Lumungkot ang mukha niya pero pilit na ngumiti. Hindi nalang ako nagsalita at hinintay siyang magkwento.
"Hindi ko alam kung gaano ako katagal. Hanggang sa nakarinig ako ng boses. Ito yung unang boses na narinig ko mula nang mapunta ako sa dilim. Sinundan ko ang boses na yon, at nakakita ako ng maliit na liwanag. Nilapitan ko ito hanggang sa lumaki yung liwanag. Pumasok ako sa nakakasilaw na liwanag at nakita kita. Tumatawa ka kasama ang lola mo."
Ngumiti siya sa akin habang gulat parin ako.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nakalabas sa dilim na yon. Kaya naisip kong sayo ako magpapatulong, kasi hindi ko na alam ang mga nangyari. Hanggang sa nalaman kong, anim na taon akong naligaw sa dilim na 'yon. Mico, ikaw ang pag-asa ko."
Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng lungkot. Nalulungkot ako dahil naranasan niya yun ng matagal. Nakaramdam din ako ng kirot sa dibdib ko kaya naman, naisipan kong tutulungan ko talaga siya. Hindi dahil naaawa ako sa kanya, kundi dahil gusto ko siyang tulungan.
Ngumiti ako. "Mico, naaalala mo ba yung sinabi ko sayo noon? Noong prom?" tanong niya. Nawala ang ngiti ko at naguluhan. Pero nang maalala ko at napatingin nalang ako sa nakangiting mukha niya.
"Hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo Mico. Mahal parin kita" nakangiting sabi niya. Bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko at tingin ko ay hihimatayin ako. Ano bang nangyayari sa akin?
BINABASA MO ANG
7th Sense: Haunt
FantastiqueHer heart skipped a beat, which is unusual because her heart never beats. ||Book 1 of 7th Sense Trilogy||