"Did you know that if you wake up between 2 to 3 am without any reason, there is an 80% chance that someone is staring at you?"
"Every night that we sleep without praying, there is a 50% chance that unusual creatures stare at us while we sleep."
"Did you know that for every 200 people that you meet on the street every day, 2 of them are ghosts?"
"Did you know, if you walk at night, your weight is heavier than in the morning. It's because some spirits hang on to your shoulder for a free ride"
"Ghosts have sense of humor and love to hear people's laughter's. The more you laugh, the more you attract ghosts"
"The unfamiliar faces in your dreams are the possible ghosts who stare at you while sleeping"
Tinitigan ko ng masama si Kael. Hindi talaga siya tatahimik?
"Isa pa. Magbasa ka pa ng Reader's Digest isusubo ko sayo yan" sabi ko. tumigil siya at tumingin sa akin.
"Bro, buo ba? O page by page?" hinablot ko ang reader's digest at rinoll ito. Pinalo palo ko siya sa ulo.
"Aray! Joke lang naman." binato ko sa kanya ito at umupo ulit.
"Basa ka ng basa. Akala mo matalino ka!" singhal ko sa kanya
Tumawa lang ng tumawa si Kael. Patuloy siyang naghahanap ng mga pahina kung saan may mga facts tungkol sa mga multo at kinuha ko nalang yung ipinalo ko sa kanyang magazine at binuksan doon sa tinupi kong page kanina.
Fact number 17: Ghosts that bothers people mean that they still have unfinished business with them.
Mas lalo akong nalito. Sigurado akong hindi buhay yung babaeng yun. Pwede din naman kasing out of stress kaya ko ito nakikita, o kaya depression. Pero hindi ko naman nararanasan yon. At isa pa, napapansin ko rin ang pagbabago ng mga tingin ni lola.
Hindi naman ganun si lola dati, yung bigla nalang magsasalita at may sasabihin na hindi ko naman maintindihan.
Nakita rin ito ni Kael, sa dating kwarto ng mama ko. At nasisiguro kong walang tao dun at hindi ako nag-uuwi ng babaeng bisita. Nakuhanan ko rin ito ng litrato kahit malabo, at walang taong nakasakay sa akin noon.
Kaya naman labis ang aking pagtataka, unfinished business? Eh hindi ko nga kilala eh. Paanong magkakaroon kami ng connection.
Nothing makes sense.
"Bro wala na. Yun lang" tinignan ko si Kael. Wala na? Eh marami pa namang mga magazine sa tabi niya.
"Marami pa oh, yun lang?" tanong ko at tumango siya. Naging aligaga siya ng lapitan ko yung mga magazine. Tinulak ko lang siya at nang makita ko palang yung cover ay hindi na ako nagtaka.
Ibang magazine na pala yun.
"Sa susunod kasi wag mong ihahalo yung FHM sa Reader's Digest" natatawang singhal ko dito. Ngumuso lang siya at ibinalik lahat ng magazine sa box. Pero hindi yung mga FHM.
Lumabas na kami ng library nila at dala niya parin yung mga magazine.
"San mo dadalhin yan?" tanong ko at tinuro yung mga FHM.
BINABASA MO ANG
7th Sense: Haunt
ParanormalHer heart skipped a beat, which is unusual because her heart never beats. ||Book 1 of 7th Sense Trilogy||