"Oo. Tapos alam mo bang habang naliligo ako kaninang umaga, may kumatok sa pintuan ng banyo. Nung binuksan ko walang tao. Sinilip ko yung parents ko at yung mga kapatid ko, tulog naman sila lahat. Nakapagtataka, sino kaya yung kumatok?"
"Baka multo..."
"Siguro nga. Kasi may bali-balitang dating sementeryo yung tinatayuan ng bahay namin eh."
Tumayo na ako dala yung bag ko. nagsitinginan sila lahat sa akin at nagtanong gamit ang mata.
"Ang iingay niyo. Hindi naman totoo ang multo." Sabi ko at umalis na. nakakabagot lang kasi marinig yung mga kwento---or should I say, imbento ng kaklase ko. Mag-iimbento na nga lang ng mga horror stories, panget pa. Hindi pa makatotoohanan.
Nagmadali akong makauwi para makatulog na. Umiinit kasi ang ulo ko kapag nakakarinig ako ng nagkekwentuhan ng tungkol sa multo. Niloloko lang nila ang sarili nila. Masyado silang nagpapaniwala sa mga kung ano ano at mga walang kwentang bagay. Tch.
Sabagay, tatlong buwan nalang, at laya na ako. Makakapag-graduate na rin ako at makapagtatrabaho na rin. Psychology ang kinuha ko, wala lang. Gagaya lang ako kay Tado, at tulad nga nung sabi niya. Hindi siya makapili ng course niya noon, kaya pinilahaan niya yung walang masyadong tao.
At totoo nga. Hindi masyadong mahaba ang pila sa Psycho, di tulad ng HRM, IT, Nursing, Civil E. at iba pa. At isa pa, gusto ko rin talaga ng Psychology.
Habang pauwi ako ay nadaanan ko ang isang lumang bahay na katapat ng bahay namin. Tumigil muna ako sa harap nito, at pinagmasdan ang bahay. Hindi ako Architect, pero maganda talaga itong bahay na ito. Marami ang gustong tumira rito, wala na kasing nakatira dito eh, kaya naman binebenta ito.
Marami ang bumili, pero kapag narinig ang storya ng bahay ay aatras sila lahat, babawiin ang pera at aalis bigla. Isang napakalaking misteryo sa lahat kung paano, at kung bakit namatay ang dating may-ari ng bahay. Ang sabi sabi raw ay may isang dalagitang nakatira dito noon. Mag-isa lang daw ito, mabait ito at matulungin. Pero nalungkot ang lahat ng malamang isang araw ay patay na ito sa kama nito. Anim na taon na ang nakakalipas, high school lang ako noon.
Mas bata yung babae ng dalawang taon sa akin, kung buhay pa siguro yun at 22 ako, 20years old siya. At kung chicks siguro siya, baka syinota ko na. kaso wala, patay eh.
Marami ang nagsabing pinasok raw ang bahay niya, ninakawan at nagising raw ang babae. Kaya naman napilitang patayin ng magnanakaw ang babae. Ang sabi naman ng iba ay stroke, ang iba naman ay paralisa at ang iba naman ay rape. Ang sabi ko naman na hindi pinaniwalaan ng iba, suicide. Hindi sila naniniwala sa akin.
Paalis na sana ako para umuwi na ng makarinig ako ng tunog ng pagbukas ng pinto. Lumingon ako para tignan at bahay pero nakasara ito. Kumibit balikat nalang ako at dumiretso na sa bahay.
"Lola" nagmano ako sa lola ko pagkauwi ko.
Ang lola ko, siya nalang ang nag-aalaga sa akin. Nasa abroad ang mga magulang ko. Nurse ang mama ko at Engineer ang papa ko sa Dubai, pareho silang andun.
"Maaga ka ata ngayon" sabi niya. nakatingin si lola sa likuran ko, pero hindi ko nalang pinansin. Tumango nalang ako at binaba muna ang bag ko sa upuan.
Hinawakan ko ang noo ko at pumikit. "Medyo sumasakit po kasi ulo ko" pag-aarte ko. ang totoo niyan ay tinatamad na akong pumasok. Bukod sa mga kaklase kong maingay at mahilig magkwento ng tungkol sa multo ay hindi pumasok ang kaibigan ko, si Kael.
BINABASA MO ANG
7th Sense: Haunt
ParanormalHer heart skipped a beat, which is unusual because her heart never beats. ||Book 1 of 7th Sense Trilogy||