[6]

293 12 1
                                        

Pumasok kami ni Kael dahil may deliberation ngayon. Nagpanggap nalang muna kami ni na walang nangyari. Pero hindi ko parin makalimutan eh.

Madelaide Tecson, sino ka ba talaga?


"May tanong pa ba kayo?" patuloy lang yung prof namin sa pagtuturo pero hindi ako nakikinig. Nagdrawing nalang ako sa notebook ko para pampalipas oras. Inaantok na rin ako.

"Mico? Pahiram ng pencil" sabi ng katabi ko. Hindi ko na siya tinignan at binigay yung buong pencil case ko.

Binalik niya rin ito sa akin. "Thanks." Sabi niya at tumango lang ako pero lumapit pa siya sa akin at sinilip ang dinodrawing ko.

"Wow." Sabi niya. Tinignan ko siya at lumaki ang mata niya sa drawing ko.

"Sino yan?" pangungulit pa niya. Ang kulit naman ng babaeng 'to. Nagkibit balikat nalang ako.

"Ang ganda naman niya. Pwedeng sa akin nalang yan, pagkatapos?" tumango ako.


Doon ko lang napansin, iginuhit ko pala si Madelaide. Ano bang nangyayari sa akin? Tinanggal ko itong papel at binigay kay Audrey.


"Auds. Sayo na" agad niya itong kinuha at ngumiti ng malapad sa akin.

"Yehey! Next time na magdodrawing ka sa akin mo nalang ibigay ha?" tumango ako at nginitian siya. Chicks din pala siya?

"Sabay tayo maglunch, Auds?" tanong ko at agad siyang tumango.

"Sure. Basta drawing-an mo ulit ako. Ako naman sa susunod." Nginitian niya ulit ako.


Pagkatapos ng subject ay may isa pang subject bago yung break. Naexcite ako para sa lunch break ko. Makakasabay ko si Auds, baka sakaling makuha ko pa yung number niya. Lumipat ng upuan si Kael bago dumating ang prof. Kinwento ko kay Kael yung tungkol kay Auds.

Inasar nalang niya ako at sinabing hindi nalang siya sasabay sa akin ng lunch dahil may date din pala siya. Loko talaga to, kaya pala ang ingay niya kanina. Nilalandi na pala niya yung katabi niya.


"Tara?" ani Auds nang lunch na. Tumango ako at sinuot na yung bag ko.

"Ako na mag-oorder. Ano sayo?" sabi ko. Nginitian niya nanaman ako. Ang ganda niya talaga!


Sinabi niya yung order niya at pumila na ako. Mabilis lang akong naka-order dahil hindi gaano karami ang tao dito sa canteen. Yung iba ay may pasok pa kasi at mamaya pa ang lunch nila.

Kumain na kami ni Auds. Nagkwentuhan kami, nalaman kong kasali pala siya sa Dance Troupe at siya ang pangalawa sa kanilang apat na magkakapatid.

Binigay ko sa kanya ang phone ko nang matapos kaming kumain. Lumaki ang mata niyang tinitignan ako at ang phone.


"Number mo. Mag lunch ulit tayo sa susunod" sabi ko. Ngumiti nanaman siya at nilagay niya yung number niya sa phone ko.

Shit! Ang galing ko talaga. Akala ko pa man din ay tatanggihan niya ako.

Napagpasyahan namin ni Auds na magcut ngayon. Lumabas kami at dumiretso sa mall. Sinamahan ko siyang magshopping.


"Bagay ba?" tanong niya at sinuot yung pulang dress. Umiling ako at ngumiwi.

"Para kang kontrabida" natatawang sabi ko at tumawa nalang siya. Bumalik siya sa loob at nagsukat pa ulit. Lumabas ulit siya at napatulala nalang ako.

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon