[16]

236 14 3
                                    

Natigilan ako. Nakikita niya si Madelaide? Pero.. Hindi ko maintindihan. Humakbang siya at pinatong ang kamay niya sa balikat ko. Tinapik niya ito at ngumisi.


"Ako si Mario. Ako ang kapatid ng tatay ni Madelaide" sabi niya. Tumango nalang ako at hindi makapagsalita.

"Madelaide." Tawag nito at nilagpasan ako. Nag-usap silang dalawa sa likuran ko at hindi parin ako makapaniwala.

"Uncle, kamusta na si papa?" tanong ni Madelaide. Nilingon ko na sila at talagang nakakapag-usap nga sila.

"Parati siyang pagod sa trabaho." Lumungkot ang mukha ni Madelaide. Tinaas nung uncle niya ang kamay niya at hinawakan sa braso si Madelaide ngunit nagtaka naman ako ng tumagos ang kamay niya at hindi niya nahawakan si Madelaide.


Naalala ko bigla yung paghawak ni Madelaide sa kamay ko sa café, at yung paghaplos niya sa buhok ko tuwing gabi. Totoo lahat yun, nararamdaman ko lahat yun. Nagtaka naman ako at tumingin si Madelaide sa akin ngunit umiwas rin ng tingin.

Mukhang ayaw niyang tanungin ko siya at iniwas niya yon bigla.


"Miss ka na ng daddy mo, Madelaide" may tumulong luha sa mata nito. Akmang lalapitan ko sana si Madelaide para punasan ang luha niya pero siya ng ang nagpunas nito. Umatras nalang ako.

"Uncle, bakit ka ba talaga andito?" tanong nito sa uncle niya.


Tumingin sa akin ang uncle niya at bumuntong hiniga. Mukhang ayaw niyang sabihin ngunit wala rin siyang choice.


"Ang totoo niyan, may sakit ang daddy mo." Mas lalong nanlaki ang mata ni Madelaide.

"A-Anong sakit?" nanghihinang tanong nito.

"May lung cancer siya. Stage 2 na siya."

"Kelan pa?" naiiyak na tanong ni Madelaide.

"Matagal na. Noong nawala ka ay nalulong siya sa alak at pagsisigarilyo. Hindi namin siya mapigilan."


Tumango si Madelaide.


"Pakisabi kay papa, sorry. Pakisabi rin na, miss na miss ko na rin siya, at mahal na mahal ko siya" tumango ang uncle niya.

Tumingin sa akin ang uncle niya at ngumiti.

"Ingatan mo si Madelaide. Kahit kaluluwa nalang ito, matigas parin ang ulo niya" tumango ako.

"Opo." Doon lamang ako nakapagsalita.


Tinapik niya ang balikat ko at nagpaalam na. Nagpaalam na rin siya kay Madelaide at umalis na. Napaupo nalang ako sa sofa. Lumapit si Madelaide sa akin at umupo sa tabi ko ngunit may space parin.


"Okay ka lang?" tanong ko kahit obvious nanaman na hindi.

Umiling siya. "Gusto kong maging okay, pero hindi talaga." Naaawa na talaga ako sa kanya.

"Nakikita ka ng uncle mo?" tanong ko. Ngumiti nalang siya at pinilit na ibahin ang mood niya.

"Yup. Pero yung kaliwang mata lang niya at nakakakita sa akin. Yung kanan, hindi siya nakakakita." Kunot noo ko siyang tinignan.

"Noong buhay pa ako. Naaksidente siya. Pulis kasi si uncle at may nahuli siyang lalaki. Ngunit may gang pala yung lalaki at pinagtripan si uncle. Binugbog siya nun, at pagkatapos ay nasagasaan pa ito. Kaya inoperahan ang kaliwang mata niya."

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon