[10]

288 13 0
                                        

Short story lang po 'to. Mga 20 less chapters :)

Enjoy! :D

___


"Hi!" bati ni Audz sa akin pagkapasok ko sa room. Nginitian ko lang siya. Parang ayoko siyang kausapin. Pagkaupo ko ay dumukmo nalang ako nang makitang papalapit sa akin si Audz.

Hindi naman sa iniiwasan ko siya. Parang masyado na kasi siyang clingy. Mas marami pa siyang text sa kesa kay Kael.

Buti nalang at dumating na yung prof namin. Sinubukan kong makinig pero walang pumapasok sa utak ko. Nagdrawing nalang ulit ako sa filler ko at kunwari'y palipat lipat ang tingin ko sa prof at sa notebook ko. Para kunwari ay nagnonotes ako.


"Sino yan?" nabitawan ko yung pencil ko nang magsalita si Kael. Doon ko lamang napansin na break na pala at nagsisilabasan na ang mga kablock ko. Agad kong sinara ang notebook ko pero nahablot ito ni Kael. Hinayaan ko nalang siyang tignan yung drawing ko.

"Si Madelaide naman 'to!" singhal niya at agad kong tinakpan ang bibig niya ng mapatingin sa amin ang natitirang studyante. Ngumiti nalang ako ng tipid at hinatak si Kael palabas.

Binitawan ko na ito at sinamaan niya ako ng tingin. Sinuntok pa niya ang braso ko, hindi naman ako nasaktan.


"Bro, anong nangyayari sayo?" tanong nito. Huminga ako ng malalim. Sasabihin ko nalang kay Kael ang lahat.

Tinignan ko ang relo ko at dalawang oras pa bago yung next subject ko. Tumambay nalang kami ni Kael sa open field. May mga nagte-training ng soccer at sa kabilang dulo naman ay may naglalaro ng tennis. Pumwesto kami ni Kael sa may gilid, kung saan walang masyadong tao at hindi sila dumadaan dito.

Sinabi ko ang lahat kay Kael, maliban lang sa pagbabantay ni Madelaide sa akin sa pagtulog. Nahihiya kasi ako, at hindi ko alam ang nangyayari sa akin kung bakit hindi ko masabi gayung wala kaming tinatago sa isa't isa. Sasabihin ko rin naman sa kanya 'to, hindi lang ngayon.


"Maddison Tecson?" hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango lang ako. Ngumiti ang loko at ngumiti ng malapad. Kinuha niya ang phone niya at may pinakitang picture. Picture nilang dalawa ni Maddy.

"Magkakilala kayo?" tanong ko.

"Ex ko siya." Kumunot ang noo ko ng kiligin pa siya sa harapan ko. Nababading na ba 'to?


Minsan ko lang kasi makitang kiligin si Kael sa babae. At nakakatakot kapag siya ang kinilig. Mukhang asong ulol.


"Noong second year tayo. Siya rin yung pinakamatagal na naging girlfriend ko. 11 months kami bro" pagmamalaki niya. Napailing nalang ako. Hindi na ako magtataka kung may babae dito sa university na hindi pa nai-girlfriend ni Kael. Maliban nalang kung hindi talaga niya type.

"Ate ni Madelaide yun" sabi ko at hindi parin ito makapaniwala kahit narinig na niya ito kanina.

"Pero wala siyang nabanggit sa akin noon na may kapatid siya eh"

Doon na ako nagtaka. Kung umabot ng 11 months si Kael at Maddy, bakit hindi manlang sinabi ni Maddy na may kapatid siyang patay na? Mag-iisang taon na pero parang marami ngang hindi alam si Kael tungkol sa kanya.


"Ano pang alam mo kay Maddy?" tanong ko.

"Divorced ang parents nila. Yung daddy niya nasa Bulacan and the mom's nowhere. Mayaman sila dahil General Manager ang daddy niya sa isang airport." Tumango ako.

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon