[8]

276 14 2
                                    

Hindi ko alam ang nangyari. Ang naalala ko nalang ay ang pagsunod ko kay Maddison habang tumatakbo siya. Bigla nalang siyang umiyak nang hindi ko alam kung bakit. Nakarating kami sa may rooftop pero naka-lock ang pinto kaya napasalampak nalang siya sa hagdan.

Tinabihan ko siya at inabutan ng panyo. Kinuha niya ito ka agad at lumakas ang pag-iyak nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari at hindi ko alam kung paano ko siya ico-comfort.


"Okay ka lang?" tanong ko kahit obvious na hindi.

"Ikaw, okay ka lang?" tanong nito pabalik sa akin. Nagtaka ako at kumunot ang noo ko.

"Bakit kilala mo si Madelaide?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin.


Saktong pag-iwas ko ay nakita ko si Madelaide sa hindi kalayuan. Bigla akong natakot dahil nakakatakot talaga ang itsura niya. Pero nakita ko siyang tinapat ang daliri niya sa bibig niya.

"Shh. Don't tell" sabi niya. Mukhang ayaw niyang sabihin ko sa ate niya ang tungkol kay Maddison. Pero nagtataka ako. Paanong..? Nakita kaya ni Maddison na kausap ko tong multong 'to?


"Nabasa ko lang yung pangalan niya" pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung tama ba to, pero tingin ko sa ngayon ay ito ang tama.

"Never mention her name." sabi niya. May bahid ng galit at pagsisisi ang boses nito.


Mas lalo akong nacurious. Hindi ko na alam ang nangyayari, ayokong maging damay dito pero mukhang nasimulan ko nang makisali. May kinalaman kaya si Maddison sa pagkamatay ng multong 'to?

Tumayo na siya at bumaba. Ngayon ko lang napansin na ang daming hagdan ang tinakbo namin. Tumigil na siya sa pag-iyak ngunit bakas parin ang pag-iyak niya sa mugto niyang mata at hindi matigil ang paghikbi nito.


"Sorry." Sabi niya nang malapit na kami sa baba.

"Okay lang yun Maddison. Pero pwede bang magtanong?" tumingin siya sa akin at tumango.


Hindi ko alam kung bakit ko ito tatanungin, pero kasi hindi nakumpirma ang dahilan kung bakit ito namatay. Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol kay Madelaide, kakayanin ko at hindi ko hahayaang manaig ang takot ko sa kanya.


"Maddy nalang." Sabi niya at ngumiti.

"Bakit namatay si Madelaide?" nawala ang ngiti nito at umiwas ng tingin.

"Kasalanan ko yun." Pumikit siya ng mariin. Tatanungin ko pa sana siya ng tumakbo na siya at hindi ko na nahabol pa.


Kasalanan niya? Paano? Marami akong kailangang malaman. Masyado na akong nagiging curious. Pero paanong naging kasalanan niya? Ibig sabihin ba nun ay may kinalaman si Maddy? Posible kayang, siya yung dahilan kung bakit namatay yung kapatid niya?

Nagtaasan ang mga balahibo ko at nakaramdam ako ng kakaibang lamig.


"Paano ka namatay?" tanong ko. Nalaman ko nalang na nasa harapan ko na siya.

"Hindi ko rin alam. Kaya kailangan mo akong tulungan, para matahimik na ako" nagmamakaawang sabi nito.


--


Hindi ko alam kung tama bang tulungan siya o hindi. Parang ayaw ko rin kasing makisali sa kanyang problema. Pero nakakaawa rin kasi na, hindi pa siya matatahimik dahil lamang hindi niya alam kung bakit siya namatay. At kung may pumatay ba sa kanya.

"Tulog ako nung namatay ako. Nagising nalang ako, nakikita ko na ang sarili kong tulog."


Pumikit ako ng mariin ng maalala ang sinabi niya. Hindi ko masyadong maintindihan. Kung nagising siyang nakita ang sarili niyang tulog, may posibilidad na pinatay siya o sadyang nawalan lang talaga siya ng hinga at tumigil ang pagtibok ng puso niya.


"Mico" agad akong napatingin sa desk ko at nakitang nakaupo ito sa upuan. Hindi ko pinansin si Madelaide. Natatakot ako sa presensya niya. Hindi ko maiwasang matakot at mailang, lalo na at nakatitig ito sa akin palagi.

Maging sa klase kanina ay nakatitig ito sa akin. May upuan kasi sa likod at doon siya nakaupo. Nababaliw na yata ako, ako lang kasi ang nakakakita sa kanya at sa akin lang ito nakatingin. Napansin ni Kael ang pagkabalisa ko kaya mukhang may alam na siya na may nangyayari na sa amin ni Madelaide.


Ipinaalala ko nalang kay Kael na wag niyang babanggitin ang pangalan 'yon sa University. Mukhang kilala kasi si Madelaide, hindi ko rin alam kung bakit.


"Wag mo muna akong istorbohin. Nag-iisip ako" sabi ko at tumango lang siya. Tumingin ako sa kanya at nakatitig parin siya sa akin.

"Hindi mo ba ililipat yang mata mo sa ibang bagay?" inis na tanong ko at tumingin nalang siya sa bintana.


Nakatingin siya sa bahay niya, na katapat lang ng bahay namin. Habang hindi siya nakatingin ay ako naman ang tumingin sa kanya. May kakaiba kay Madelaide, hindi ko lang masabi kung ano. Pero ramdam ko, may iba.


"Bakit ako, Madelaide?" tanong ko. Binalik niya ang tingin niya sa akin at ngumiti.

"Hindi mo ba talaga naaalala, Mico?" tanong nito. Umiling ako at sinamaan siya ng tingin.

"Tatanungin ko ba kung alam ko?" hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kanya.

Ngumiti nalang siya at tumingin ulit sa labas.


"Malalaman mo rin." Sabi niya. Napailing nalang ako at binalik yung mga libro sa maliit na shelf ko at nilagay ang mga notebooks ko sa bag. Pinatay ko na ang ilaw at natulog. Kahit nakapikit ako ay hindi ako mapakali.

"Ang sabi ko, sa iba ka tumingin. Hindi ako makatulog."

"Sorry" mahinang sabi niya. Nilingon ko siya at wala na siya doon. Mukhang bigla nanaman siyang nawala. Tingin ko ay bumalik ito sa bahay niya dahil kanina pa niya ito tinitignan.


Umikot-ikot ako sa kama dahil hindi ako makatulog. Ang dami kong iniisip at hindi ko kayang tigilan ang pag-isip sa mga yun. Patuloy akong nakokonsensya kay Madelaide. Naisip ko na, ano lang naman yung tulungan ko siya diba? Patay na siya, at buhay ako. Wala akong dapat ikatakot sa kanya.

Pero base kasi sa mga napapanood ko, kayang patayin ng multo ang isang tao. Parang yung Nightmare on Elm street lang. Kinikilabutan parin ako tuwing naaalala ko yon. At dahil naalala ko bigla yun, natakot tuloy akong matulog.


Inis kong kinuha ang phone ko at nakitang malapit nang mag 3 am. Hindi ako makapaniwalang hindi ako natulog at gising ako buong magdamag. Hindi ko na kaya.

"Madelaide?" mahinang tawag ko.

"Madelaide Tecson?" pag-uulit ko.

Walang sumagot at nabigo ako. Mukhang umalis talaga ito. Pinikit ko nalang ang mata ko at pinilit na matulog. Huminga ako ng malalim.


Naramdaman ko ang isang kamay sa buhok ko at hinahaplos niya yun. Natakot ako, kahit alam kong si Madelaide ito.

"Matulog ka na. Babantayan kita." Narinig ko ang malamig niyang boses at pumikit na ako, at sa hindi malamang dahilan ay nakatulog ako kaagad.

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon