[17]

252 11 4
                                    

Kakatapos lang ng finals. Ang saya dahil wala akong maalalang nahirapan ako sa sagot. May iba lang na medyo nalito ako pero nasagutan ko naman ito at tingin ko ay tama yun. Mas masaya rin ako, kasi nasabi ko yung nararamdaman ko kay Madelaide.


"Dapat may regalo ka rin sakin. Sigurado akong matataas yung nakuha ko no" sabi ko. Ngumiti si Kael at sinuntok ako sa braso.

"Wag kang maangas bro. Mas mataas yung mga makukuha ko, pustahan" napailing nalang ako.


Magkatabi kasi kami ni Kael at tinulungan ko siya sa ibang parte ng exam. Sigurado namang papasa itong si Kael pero kailangan lang ng assurance, kaya ko siya pinakopya. Alam kong masama, pero lahat naman tayo dumaan dyan eh, sa kopyahan.

At last ko nang magagawa yan, dahil malapit na rin kami grumaduate.

Naikwento ko kay Kael ang tungkol sa amin ni Madelaide. Nung una ay nawirdohan si Kael sa akin, pero nung sumunod ay nagpayo nalang siya sa akin na patay na si Madelaide. At buhay ako. Na kahit anong gawin ko, aalis at aalis si Madelaide.

Alam ko naman yun. Sinusulit ko lang ang natitirang panahon niya, at pinapasaya ko siya na dapat ay ginawa ko noon pa. Hindi ko magawang magsisi dahil nangyari naman na, tapos na at wala na akong magagawa. Hindi ko rin naman kasi pwedeng balikan ang nangyari noon.


"Tinamaan ka talaga" naiiling na sabi ni Kael at binato ko nalang siya ng maliit na piraso ng sandwich.

Tinago ko na ang sketchbook kong puro si Madelaide ang drawing. Gusto ko kasi na habang nandito pa siya ay bawat ala-ala niya ay iguguhit ko.

Umuwi na ako at dumiretso sa kwarto. Pumasok naman si lola dala ang iPad niya at tumabi ito sa akin. Ka-facetime niya sina mama. Ngumiti rin ako.


"Hi ma! Hi pa!" halos pasigaw kong tanong. Nagtaka naman sila at natawa nalang.

"Ang saya mo ata? Parang dati lang galitin ka lagi at inis na inis ka sa lahat ng bagay?" ngumiti nalang ako at hindi na pinansin ang sinabi ni mama.

"Kelan kayo uuwi?" excited na tanong ko.

"Dalawang linggo pa." sagot ni papa. Tumango nalang ako at tinignan siya ng may pataas-taas pa ng kilay.

"Pa. sabi mo yung gift ko." Natawa naman sila. Kahit si lola ay natawa at nakarinig ako ng pamilyar na tawa. Lumingon ako at nakita si Madelaide na nakikisilp. Nagulat ako sa lapit ng mukha niya pero nakabawi rin ako agad.


"Ingatan mo yung sasakyan ha? Kapag talaga ginasgasan mo yun hindi na kita reregaluhan" natatawang sabi ni mama.

"Oo nga. Ilang buwang sahod ko yun. Itong batang to." Sabi naman ni papa.


Nagpaalam na ako at nagthank you nalang. Cinongratulate nila ako kahit hindi pa ako nag-gagraduate dahil sigurado naman daw silang mataas ang makukuha ko. Confident rin naman ako, at para sa kanila ang lahat ng paghihirap ko.

Lumabas na si lola sa kwarto ko. Humiga nalang ako sa kama sa pagod.


"Ang saya ng pamilya mo" tumingin ako sa katabi kong kaluluwa. Isang napakagandang kaluluwa. Nginitian ko siya

"Kasama ka sa pamilya ko, Madelaide." Pinilit niyang huwag ngumiti at humiga rin sa kama ko.

"Ano ako? Kapatid ganun?" tanong niya, kahit alam na niya ang sagot doon.

Umiling ako. "Future wife" sagot ko.

Ngumiti siya ngunit unti unting bumaba ang gilid ng labi niya. Nawala ang ngiti niya at tumingin siya sa akin. Tumigilid ako ng higa at ganun din siya.

"Mawawala rin ako, Mico" malungkot na sambit nito.

Tumango ako. "Someday. In other world, in other dimension, in other places. Magkikita tayo, at ikaw ulit ang mamahalin ko. At sisiguraduhin kong, ikaw na talaga. Ikaw, Madelaide" nakangiting sabi ko. Ngumiti nalang siya at pumikit. Kasabay ng pikit na yun ang isang luha na agad din niyang pinunasan.


Kinuha ko ang kamay niya.


"Let me be the one to wipe your tears" sabi ko. Tinignan niya lang ako. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang kamay ko. Habang pinupunasan ko yun ay hindi nababasa ang kamay ko. Napapikit nalang ako kung bakit.

Dahil wala na siya, Mico. Kaluluwa nalang siya.

Idinilat ko ang mata ko at hinila siya para sa isang yakap. Nararamdaman ko ang yakap. Masaya ako kasi dahil sa bond namin, nagagawa ko siyang yakapin at hawakan. Hindi katulad nung uncle niya na hindi siya mahawakan.


"Mico" bulong niya. Tinignan ko siya. Matagal kaming nagtitigan hanggang sa bumaba ang tingin ko sa labi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Naramdaman ko ang labi niya at napapikit nalang ako.

Hinding-hindi ko kakalimutan ang halik na ito.

Bumitaw na ako at nakapikit parin siya. Umiiyak siya. Habang nakikita ko siyang ganito ay parang ayoko na siyang pakawalan. Para bang ayokong umalis siya. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at pumikit ng maramdaman kong humahapdi ang mga mata ko at namamasa na.

Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Ayokong makita niya na nasasaktan ako.


--


"Lola. May favor ako." Paglalambing ko kay lola habang nagluluto ito.

Yumuko ako. "Lola pupunta po ako ng Bulacan. Mga tatlo hanggang apat na araw po" sabi ko. Tumigil sa pagluluto si lola at pinatay ang kalan. Binaba niya ang sandok at tumingin sa akin.

"Bulacan? Bakit?" takang tanong ni lola.

Nginitian ko nalang siya. "May bibisitahin lang po ako."

"Mag-isa mo lang?" tanong ni lola at tumango ako. Umiling siya at bumalik sa pagluluto.

Bumagsak ang balikat ko ng tumanggi si lola. Tinawagan ko si Kael at sinabi ang tungkol dito. Nakaisip naman kami ng plano.

Maya maya ay nakarinig ako ng maingay sa baba. Mukhang andyan na siya.


"Lola, isasama ko po si Mico. Kami pong dalawa ang pupunta ng Bulacan" pagpapaalam ni Kael sa akin.

Napansin ako ni lola na nakikinig. Bumalik siya sa pagluluto.

"Basta mag-ingat kayo" sabi niya at nagkatinginan nalang kami. Hindi makakatanggi si lola kay Kael dahil marami kaming utang na loob sa ugok na to. Kahit pa mukha siyang ulol ay tinulungan niya kami ni lola noon.

Lalo na ng maospital si lola dahil sa sakit niya sa puso at dahil sa rayuma niya. Daddy ni Kael ang nagpagamot kaya malaki ang utang na loob namin sa kanila. Kinapos din kasi kami noon, yun din yung panahong natanggal sa trabaho si papa at lumipat sa isang kompanya kaya medyo konti lang ang kinita nila noon.

Dito na rin nananghalian si Kael. Pinaalam naming bukas na kami aalis. Maraming bilin si lola na tumawag daw ako sa kanya palagi. At si Kael naman na daw ang bahala sa titirhan namin dahil may bahay daw sila sa Bulacan kaya doon muna kami.

Mabuti nalang at mas mapapadali ang lahat.

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon