"Wag mo nalang sasabihin na galing ako dito ha? Isabay mo na ring i-pass yung assignment ko kasama sa assignment mo mamaya" sabi ko sa isang babae at kinindatan siya. Nakalimutan ko na ang pangalan niya.
"Uh. Sure!" nakangiting sabi niya.
"Thanks. Sige, aalis na ako" sabi ko at kinindatan siya ulit. Namula ang kanyang mga pisngi at natawa nalang ako na ganun parin yung mga babae sa akin.
Hindi parin ako sanay na iba ang epekto ko sa mga babae. Hindi ko rin naman kasi sinasadyang pogi talaga ako. Hindi ako ganun kaputi, fair lang. Hindi ako nagwowork out pero maganda ang pangangatawan ko. Alam ko rin na gustong gusto ng mga babae yung abs ko at yung mga braso ko. Plus, matalino pa ako.
Sadyang nagtake time si God nung ginawa niya ako.
Nag-jogging nalang ako at umikot muna sa park bago umuwi. Nang maka-limang ikot na ay napagdesisyonanko nang umuwi. Nilakad ko nalang dahil tagatak na ang aking pawis. Dumaan muna ako sa bahay nila Kael pero tulog pa raw siya.
"Pakisabi nalang sa kanya na dumaan ako." Sabi ko at ngumiti yong katulong sa akin. Ito yung katulong na pinopormahan nanaman ni Kael. Lagot talaga siya kapag nalaman ng papa niya 'to.
Kinabahan ako ng maisip na madadaanan ko yung bahay na nakakatakot bago ang bahay namin.
"Shit" mahinang mura ko ng nakarinig nanaman ako ng pagbukas ng pinto pagkadaan ko sa bahay. Pumikit ako na mariin at huminga ng malalim. Hinarap ko yung bahay at nagtawag. Baka sakaling nandito ulit yung caretaker, pero walang lumabas.
Naglakas loob akong pumasok sa loob. Lumunok ako at nanlaki ang aking mga mata ng mapansing pamilyar ang loob ng bahay. Simple, at walang kagamit-gamit. Sinubukan kong alalahanin kung nakapasok na ba ako dito, pero wala akong maalala.
Nagkaroon ng ingay sa taas at tinahak ko ang hagdan. Palakas ng palakas ang ingay at mas lalo akong pinawisan sa takot. Nagsimula na ring magpasma ang aking kamay. Nang makarating sa taas ay may nadaanan akong sala bago yung hallway.
Pagkapasok ko doon sa hallway ay may tatlong pinto. Binuksan ko ang una at simpleng kwarto lang yon, puti lahat. Binuksan ko ang ikalawang pinto at matingkad ng kulay rosas ang kabuuan ng kwarto. Maski ang kama ay pink. Sinara ko nalang ang pinto at dahan dahang tinahak ang pinto sa dulo ng hallway.
Lumakas yung ingay at tingin ko ay dito sa kwarto galing. Nag-iingat kong pinihit ang doorknob at sumilip sa loob. Nawala yung ingay at nagtaka nalang ako dahil napakaayos dito sa loob at parang walang tao.
Kinabahan ako ng maamoy ang isang babae. Amoy babae ang kwarto, napakabango. Napapikit ako ng maalala yung panaginip ko. Nanlaki ang aking mga mata, kaya pala pamilyar ang salas kanina. At ngayon naman ay itong kwarto.
Pumasok ako sa loob. Naglakas loob na ako, dahil kailangan kong alaming kung bakit niya ako ginugulo.
Una kong tinignan kung may babae bang nakatayo sa may bintana at nakahinga ako ng maluwag ng wala. Nag-ikot ikot ako dito sa kwarto. May mga picture frames pero nakataob ang mga ito. Nilapitan ko ito at itinayo. Walang alikabok ang mga ito, siguro ay dahil na rin sa caretaker na naglilinis dito.
Una kong kinuha yung frame at litrato ito ng anim na magkakaibigan. Apat na babae at dalawang babae. Nakangiti sila lahat at mukhang masaya kaya napangiti rin ako. Dumako ang tingin ko sa isang babae. Nawala ang aking ngiti ko ng makita ang pamilyar na buhok.
BINABASA MO ANG
7th Sense: Haunt
ParanormalHer heart skipped a beat, which is unusual because her heart never beats. ||Book 1 of 7th Sense Trilogy||