Postlude

527 13 11
                                    

Umiiyak si tito. Tinapik ko nalang ang likod niya. Nandito kami sa kwarto ni Madelaide. Nakatayo si Madelaide sa tabi ng kanyang sarili. Nakangiti siya at tumango. Napapikit ako ng mariin.


"Talaga bang sinabi ni Madelaide na gusto na niyang maging malaya?" tumango ako kay tito. Maski ako ay ayaw ko pa. Gusto kong nandito pa si Madelaide pero ayokong maging selfish.


Pareho silang umiiyak ni Maddy. Umiwas nalang ako ng tingin at kinagat ang aking labi para pigilan ang pag-iyak ko.

Dumating na ang doctor na magpapatay ng life support ni Madelaide. Lumapit na ito at papatayin na niya nang sumigaw ako.


"Saglit!" tumigil ito. Kinuha ko ang libro sa bag ko. Fall in love with a Ghost.

"Hindi ko pa natatapos basahin kay Madelaide ito" sabi ko. Lumapit ako kay Madelaide at umupo sa tabi niya.

Binuksan ko ang pahina kung saan ako tumigil.


"Mary had to go. But Peter told her not to go. He made her stay by his side. She stayed but as their time grows long, Peter felt pain. He was so selfish to make her stay."


Lumunok ako at pinigilan ang iyak ko. Mas lumakas ang hikbi ni Maddy. Itinuloy ko ang pagbabasa, at maski ang mga nakabantay na nurse ay umiiyak na rin.


"He let go. She let go. They both let each other go, but still were on each side. They kept loving each other, even if Mary had to go. But there was a miracle. A miracle that made everything change. Mary woke up. From three years of comatose, she woke up. They thought that maybe God has really planned this all. Mary and Peter went through ups and downs but still never gave up. As when Mary opened her eyes, that was the beginning for them. And it was the ghost's happy ever after."


Sinara ko na ang libro. Hinawakan ko ang kamay ni Madelaide at laking gulat ko nang nakasuot dito ang binili kong singsing.


"Alam mo bang favorite book ko na ito? Kasi kahit ganun, may happy ever after parin sila." Suminghot ako at tumawa ng kaunti.

"Natapos ko nang basahin sayo yung book. Pano ba yan, aalis ka na. Hindi katulad ni Mary. Pero okay lang yun, basta pag dating mo doon, wag kang magboboyfriend ng iba. Kasal na tayo diba? Eto nga oh, may singsing pa tayo." Tumawa ako kahit mukha na akong tanga.


Hinawakan ni Kael ang balikat ko at tinignan siya. Tumango na siya. Tinignan ko sila tito at Maddy na umiiyak. Tumango sila sa akin at umiling ako. Binabawi ko na ang mga sinabi ko, ayokong pakawalan si Madelaide. Ayoko pa.

Naramdaman kong may humaplos sa buhok ko. Umangat ang tingin ko, at nakita si Madelaide na nakangiti sa akin kahit na umiiyak ito.


"I have to go, Mico" bulong niya. Tumango nalang ako at dahan-dahang bumitaw sa kanya.

"Favorite ko na rin ang librong yan." Nakangiting sabi niya.


Pinatay na ng doctor ang mga switch at napapikit kaming lahat.


"I love you, forever and always, Mico Blarid."

Pinigilan kong umiyak. Tinignan ko si Madelaide at nakita kong unti-unti na siyang naglalaho.

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon