[19]

265 10 1
                                    

"Kayo po si Roel? Ang tatay ni Madelaide?" tanong ko. Mas lumapit ito sa amin.

"Ako nga. At sino kayo?" tanong nito.


Yumuko kami ni Kael bilang paggalang.


"Siya po si Kael, kaibigan ko." Nakipagkamay si Kael at tinanggap naman ito ng tatay ni Madelaide.

"Ako po si Mico, boyfriend po ng anak niyo." Sabi ko.


Nanlaki ang mata niya at galit na nilingon si Maddy. Umiling si Maddy.

"Mico, anong pinagsasabi mo?" tanong nito.

Ngumiti ako. "Hindi po si Maddy. Si Madelaide po" sabi ko. Mas lalo silang nagulat. Pero nagulat ako ng makitang pumasok si Madelaide. Naguguluhan itong tumingin sa akin at nang dumako ang mata niya sa babaeng nakaratay ay nanlaki ang mata niya.


--


Lumabas muna si Kael at si Maddy. Ang naiwan dito ay ako, si tito Roel, ang Madelaide na nakahiga at ang Madelaide na kaluluwa.

Pinaghiwa ko ng mga mansanas si tito. Kumain nalang siya.


"Kumain ka rin" sabi nito at tumango ako. Nilapag ko sa mesa ang plato at kumuha rin ng isang slice.

Tahimik lang kaming dalawa at nagpapakiramdaman kung sinong mauunang magsalita. Napatingin ako kay Madelaide ng sumenyas ito sa akin na kausapin ko ang papa niya.

Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.


"Bakit ngayon ka lang?" tanong nito. Naguluhan naman ako at nginitian nalang niya ako. Bakas na sa mukha niya ang mga linya linya. Namumuti na rin ang buhok nito at medyo kumukuba na sa tanda. May pagka-itim rin ang kanyang labi.


"Po?" tanong ko.

"Kung ikaw ang boyfriend ng anak ko, bakit ngayon ka lang dumating?" tanong nito muli.

"Kelan ko lang po siya nakilala. At kelan lang din po nung naging kami" mahinang sabi ko.

Mukhang siya naman ang naguluhan.

"Nakikita ko po ang kaluluwa ni Madelaide. Nakakabaliw man, pero nahulog po ang loob ko sa kanya. Kahit na kaluluwa lang po siya" sabi ko. Mas nagulat ito. Akala ko ay magagalit ito dahil parang sinabi ko na ring patay si Madelaide. Pero ngumiti siya at tumingin sa Madelaide na nakahiga.

"Sorry po" banggit ko ulit.

Umiling siya. "Ayoko sanang maniwala sayo, hijo. Pero ako rin. Nararamdaman kong minsan ay binabantayan ako ng anak ko. Nararamdaman ko na minsan ay nandito lang siya sa paligid."


Huminga siya ng malalim.


"Ano pong sakit ni Madelaide?" pag-iiba ko ng tanong. Lumungkot rin kasi si Madelaide sa narinig.

Umiling ito. "Wala siyang sakit. Pero nang dahil sa pagtangka niyang pagpapakamatay noon at ininom ang mga gamot niya, nagkaroon siya ng heart failure. At naagapan namin. Mamamatay na siya noon, pero nagmakaawa ako sa kanilang gusto ko pang mabuhay ang anak ko."

Malungkot ang kanyang ngiti. Napansin ko si Madelaide na umiiyak sa isang tabi. Nginitian ko nalang siya.

"Kaya ayan, naka life support nalang siya. Humihinga, pero hindi na magigising. Brain dead na siya, hijo"

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon