[7]

277 13 0
                                    

Nanatili akong nakatitig sa pencil na nilagay ko sa side table ko kagabi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot na talaga ako sa mga pwedeng mangyari. Hindi pwedeng lagi nalang ako natatakot, kailangan kong harapin to.

Kinuha ko yung pencil na halos durog na sa pagkakaputol-putol at tinapon ito sa basurahan.


"Bakit mo to ginagawa?" tanong ko sa ere. Alam kong nandito siya ngayon. Nararamdaman ko siya. Hindi ako tanga para magmahid-manhidan.

"Hindi mo man lang ba ako namiss, Mico?" napapikit ako ng mariin. Nakakatakot yung boses siya, ang lamig. Tumaas ang mga balahibo ko ng makaramdam ako ng malamig na hangin sa likuran ko.

Huminga ako ng malalim at lumingon.


"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Nakikita ko na siya harap-harapan. Hindi ko maiwasang matakot dahil una, matagal na siyang patay. Matagal na dapat siyang wala sa mundong ito.

"Ikaw." Mahinang sabi niya at ngumiti ito. Bigla akong kinilabutan nang lumapit ito sa akin. Umatras ako.

"Wag mo akong hahawakan" pagpipigil ko sa kanya. Tumango lang siya.

"Kailangan ko ang tulong mo" kumunot ang noo ko.


Kailangan niya ang tulong ko? Bakit? Bakit ako? At bakit ko siya kailangang tulungan?


"Apo?" tumingin ako sa pintuan ng kumatok si lola.

"Saglit lang po lola." Sabi ko at ibinalik ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko ngunit wala na ito. Lalong nagtindigan ang balahibo ko.


Hindi ko nalang masyadong pinagtuusan ng pansin ang babang 'yon at pumasok. Walang pumapasok sa tenga ko, tahimik lang yung paligid kahit na napakaingay ng klase. Hindi ko sinabi kay Kael ang nangyari kaninang umaga dahil ayokong madamay siya dito. Tulad nalang nung isa araw, ang makita na rin niya yung babaeng nakatanaw sa bahay nito.

Nagpaalam akong pupunta lang ng clinic dahil masakit ang ulo ko, kahit na hindi naman totoo.

"Pumirma ka nalang muna dito" pumirma ako sa attendance ko na pupunta ako ng clinic.


Pinayagan din naman ako nung prof dahil alam naman niyang kahit hindi na ako pumasok ay matataas parin ang nakukuha ko. Mas sanay rin kasi ako sa self-study.

"Pagkainom mo nito, itulog mo muna saglit." Tumango ako.


Humiga nalang ako sa isang kama pagkatapos kong uminom ng gamot. Ipinikit ko ang mata ko para matulog. Naalala ko bigla yung babae, si Madelaide. Anong klaseng tulong ang kailangan niya sa akin? At bakit ako? Eh hindi naman kami magkakilala. Ang alam ko lang ay magkapitbahay kami.

Bigla akong kinabahan ng maramdaman ang paglubog ng kama sa may paanan ko. Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa kumot.


"Natutulog ako. Ayoko ng istorbo" sabi ko. Hindi parin umaalis yung kung sino man ang nakaupo doon.

Naglakas loob akong buksan ang mata ko at nagulat ng si Kael pala ang nakaupo. Naka-earphones ito kaya malamang ay hindi nito narinig ang sinabi ko. Sinipa ko siya at tinignan niya ako ng masama.


"Bakit ka nandito?" tanong ko pagkatanggal nito ng earphones niya.

"Inaantok din ako." Sinipa ko ulit siya.

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon