[12]

249 12 2
                                    

Nandito ako sa stock room ngayon. May pasok ako pero hindi ako pumasok sa subject na yun. Nandito rin si Madelaide. Hinihintay ko ang apat na babaeng nanakit kay Madelaide. May inutusan akong studyanteng taga-Accounting rin at pinabigay ko ang papel kay Carino at sa iba pa niyang kasama.

Siguro ay papunta na dito ang mga 'yon.


"Wag na, please. Mico.." bulong ni Madelaide. Umiling ako.

"Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ka pa nananahimik at nandito. Kawalan ng hustisya, Madelaide" sabi ko at lumayo nalang ito. Pumunta siya sa madilim na parte ng room at napaupo nalang.

Narinig ko ang pagpihit ng doorknob. Dahan-dahan itong bumukas at sumilip ang isang babaeng may kulay ang buhok. Ngumiwi ako sa itsura niya.


"Pasok" ma-awtoridad na sabi ko. Nagtatakang pumasok ang apat na babae.

"Paki-lock yung pinto" sabi ko. Sumunod naman yung isa na mukhang natatakot na.

Pinaupo ko sila sa apat na upuan sa harap ko. Sinamaan ko ng tingin si Hailey. Umiwas naman siya ng tingin at tinignan ang relo niya. Inirapan niya ako at inayos ang buhok niya. Mas nainis ako lalo.


"Ano bang kailangan mo? May klase pa ako mamaya" inis na sabi nito. Tignan mo 'to.

"Ganyan ba umasta ang isang sophomore sa isang senior? Walang galang?" hindi maitago ang inis sa boses ko. Napansin nila yun.

"Hindi kita kilala kaya please lang. Paki-bilis. Busy kami" sabi niya at inayos ang buhok niya. Pinanlisikan ko siya ng mata. Huminga ako ng malalim at pinagdaop ang mga kamay kong nakapatong sa armchair.

Nagpakawala ako ng mapait na halakhak.


"Alam niyo bang nandito si Madelaide ngayon?" seryosong tanong ko at nakuha ko ang atensyon nila. Sinamaan ako ng tingin ni Carino. Yung tatlo naman ay halatang natakot at nagtataka.

"Pinaglololoko mo ba kami? Eh matagal ng patay ang maharot na yon eh!" Kumagat ako sa pisngi ko sa sobrang inis. Kung pagsalitaan niya si Madelaide ay akala mo hindi siya maharot.

"Maharot? Humarap ka na ba sa salamin, Miss Hailey Carino?" tanong ko at kumunot ang noo nito. Ngumisi nalang ako.

"Alam niyo ba kung bakit ko kayo pinatawag? Yun ay dahil sabi ni Madelaide sa akin." Napansin kong lumapit si Madelaide sa akin at tinignan niya lang ako. Hindi siya nagsasalita. Papalit-palit ang tingin niya sa akin at sa apat na babae sa harap ko.


Tumawa ng mapakla yung isang babae. Tinignan ko lang siya.


"Are you fucking insane? Patay na nga yon eh!" inis na singhal nito. Mukhang nababagabag parin sila kay Madelaide.

Umiling ako. "I'm not fucking insane. I'm...Mico. Mico Blarid." Sabi ko at napanganga sila. Nagkatinginan sila at halatang natatakot na. Pero nagmatigas yung Carino.

"Eh ano ngayon?" ngumisi ako.

"Hindi matahimik si Madelaide eh." Nagkibit balikat ako at tinignan ang babaeng katabi ko. "At hindi rin ako matatahimik hangga't hindi kayo humihingi ng tawad sa kanya."


Tumawa silang apat. Nag-apir pa sila at akala mo ay may nakakatawa sa sinabi ko.


"Nagsumbong yata sayo ang batang yon. Nakakatawa naman siya." Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Madelaide. Humakbang ito papalapit sa kanilang apat.

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon